Epilogue 3

66 5 0
                                    

Hi, Sweeties! Thank you so much for supporting my first gl story! Let's all be reminded that gender doesn't have any relation to the way people dress and behave. You do you. Always. I will always root for all of you! 

And I would like to sincerely thank you, veneloppeeee. Lagi kong nakikita ang pangalan mo sa notif ko kada may bagong chapters. Maraming salamat po! 

Epilogue

Amara's POV

My Dad killed my Mom and Nanay knows about it.

Parang paulit-ulit na bumalik sa akin ang araw na nawala sa amin si Mommy. How I cried that day and regretted that I didn't tell her how much I love her. Tila nakikita ko muli ang sariling niyayakap ang malamig na katawan nito habang patuloy na umiiyak.

Galit na galit ako sa ama ko habang pinakikinggan ang paliwanag niya sa amin ng mga kapatid ko.

"Your Mom thinks she can live without me! Kung ganoon, mabuti nang walang makinabang!"

Nanginginig ako sa galit. Gusto kong magwala habang nakatungin sa kaniya. Hindi ko alam na halimaw na pala ang nagpapalaki sa akin.

Hindi na napigilan ni Kuya Alas ang pagsuntok sa kaniya. Galit na galit siga habang nakatingin dito. Humalakhak si Daddy while looking at my brother.

"You think you can do everything on your own? And you'll let the past ruin us? You are just like your Mom! Laging pinangungunahan ng emosiyon! Isang beses lang akong nambabae, gusto agad umalis! Then leave! Hindi nga lang niya makikita—" Hawak-hawak ni Kuya Alas ang collar niya before he silenced Dad using his palm.

Anjo looks at him coldly. Tila wala na ang katiting na respeto niya sa kanita.

"You are disgusting. Did you even love Mom or were you just really seeing her as your tool? Like a mannequin you want to show off to your friends? I hope you rot in hell, Mr. Anastasia," ani ko na nanatili lang ang lamig sa mga mata habang nakatingin sa kaniya.

The day justice was served, tila tuluyang namanhid ang dibdib. Hindi pa rin matanggap na naglaho si Mommy sa ganoong paraan.

I locked myself in my room, tinatago ang mga palihim na hikbi at ang mga luhang pinipigilan sa pagtulo. Those silent cry feels so heavy to bear. How can people I genuinely love betray me like that?

I felt so mad at Nanay. How can she hide it from everyone? How can she smile at me when she knows about what happened to my mom? How can she act like she really cares when in fact we know that she doesn't...

Hindi ko magawang magalit kay Geco, wala naman kasi itong kasalanan. O baka dahil mas nananaig ang pagmamahal na mayroon ako sa kaniya.

"I don't want to," sambit ko sa katulong na kumatok sa kwarto para sabihan ako na gusto akong kausapin ng anak ng dati naming katulong.

"And she has a name. Her name is Geco." Natataranta ang katulong na nagtatawag sa akin.

"Sige po, Ma'am, sasabihin ko po. Pasensiya na po," aniya sa akin. Tumango lang ako.

Nagtungo ako sa balcony to see her. She was there with my brother. They are having a conversation.

I don't want to talk to her right now. I know already that she's going to break up with me. She's someone who wouldn't be able to sleep because of her conscience. Paniguradong kinakain na siya ng konsensiya niya and this is the only decision that she will make.

And even if I am mad at her Mom, I can't let go of her at all. Gustong-gusto ko pa rin talaga siya but I just can't paint that white dandelion with red. I know I'm not in the proper disposition to love someone right now. Hindi ko kayang bahiran ng galit at sakit ang relasiyon naming dalawa but at the same time I know how selfish I am dahil hindi ko rin siya kayang bitawan.

Thorn Among DandelionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon