Chapter 32
Geco's POV
"A collection of words tracing the depth of my emotion for you. I love you, My Amara."
Agad na nag-reply si Kyla sa post kong iyon. My first post with the poem compilation habang nasa likod si Amara na pulang-pula ang mukha kaiiyak.
@Kylaploreswalangf OMGGG! FINALLLYYY! ALWAYS BEEN ROOTING FOR THE TWO OF YOU! I LOVE YOU, MY BESTIE!!!!
@huaeosp huh??? Bakla si geco???
@shhghlight haaahhh
@ynabangan Now I get it! Kaya pala 'di ako type ni Geco eh. Pass sa tomboy
I blocked those people who can't really say anything good. Bakit ko hahayaang sirain ng mga katulad nila ang masayang araw ko?
Sa kaniyang post, some of her friends are mentioning me. Lalo na si Que na nagyayabang na may alam.
"You posted me but I look ugly here!" reklamo ni Amara sa akin dahil para siyang batang inagawan ng candy sa kaniyang itsura. Napangiti ako bago tinitigan 'yon.
"You look cute in my eyes though," I said, smirking at her. She just rolled her eyes at me.
"Do you want me to delete it then?"
"Huwag na! Na-hard launch na, idedelete pa?"
Nakatitig pa rin siya sa selpon niya habang pinagmamasdan ang post ko sa kaniya. Napailing na lang ako sa kaniya roon. Papasok kami sa loob nang makita ko ang kaniyang mga kapatid.
Agad nilang nilapitan si Amara at nag-aalala pang tinignan.
"Umiyak ka? Umuwi na tayo," sambit ni Kuya Alas sa kaniya.
"Anong uuwi? I'm not going home yet! Bukas pa ako uuwi?" reklamo ni Amara kay Anjo.
"You are really back together now?" tanong pa ni Anjo habang nakahalukipkip na nakatingin sa aming dalawa.
"Obvious ba? Magho-holding hands ba kami kung friends lang?" Amara sarcastically said.
"Maldita. Dapat talaga sa 'yo'y pinapauwi na," ani Anjo sa kaniya. She just make a face bago inirapan ang kaniyang mga kapatid. Mukhang paalis na nga talaga ang mga ito. May mga dala na rin kasi silang gamit.
"Bago kayo umalis, bakit hindi muna kayo kumain?" tanong ni Tatay na dumungaw sa bakuran namin. Bago pa makatanggi ang mga kapatid ni Amara, sumang-ayon na siya. Matalim tuloy siyang tinignan ng mga ito. Napangiti na lang ako ng tipid.
Wala silang choice kung hindi ang sumabay sa amin. Ang awkward nilang apat na lalaki. Kami lang ata ni Amara ang may lakas pa ng loob na maglandian sa harap nila.
Amara put some sweets on my plate habang nakangiti pa sa akin na wari ba'y hindi kami pinapanood ng mga pamilya naming dalawa.
My brother's face softened while looking at the two of us. I smile at him rason kung bakit unti-unti rin niyang ibinalik ang ngiting ipinakita ko sa kaniya.
Habang si Anjo ay umaktong nasusuka habang nakatingin sa aming dalawa ni Amara. Palihim siyang sinipa nito dahilan kung bakit malakas na nag-inarte si Anjo. Napailing na lang ako bago nagpatuloy sa pagkain.
Napatingin pa ako kay Tatay nang magsalita siya. Mukhang matagal bago pinag-isipan 'yon.
"Pasensiya na... Hindi ako lubos na nakahingi ng tawad sa inyo sa nagawa ni Misis ko... Alam ko kung gaano kayo nasaktan sa katotohanan at naging parte pa ang asawa ko kung bakit hindi niya agad natamasa ang hustisiya na para sa inyong ina," sambit ni Tatay habang nakatingin sa magkakapatid ngayon. Unti-unti silang natahimik dahil sa sinambit ni Tatay. Maski si George ay napasubo na lang din sa kaniyang pagkain. Nagpatuloy si Tatay sa pagsasalita.
