Chapter 7
Geco's POV
"I'll demonstrate how to properly kiss now," aniya kaya napaawang ang labi ko. See? This is what I'm talking about. She's crazier when we are together. At hindi ko rin alam kung bakit pati ako'y nahahawa sa kahibangan niya.
Yumuko siya para salubungin ang labi ko at ikulong ako sa kaniyang sofa.
Dumampi ang malambot na labi niya sa akin. Agad kong nalasahan ang pinaghalong mint na toothpaste at cherry na lip gloss nito habang nanunuot sa ilong ko ang vanilla na halimuyak niya.
I relaxed my back on the backseat of her sofa. Dinama ko lang ang halik ni Amara. Pinapakiramdaman ang nararamdaman.
Where's the butterflies in the stomach? I just felt hardening sensation from it? At ang sabi pa nila'y mabilis ang magiging tibok ng puso?
Pakiramdam ko lang ay bumagal ng sobra ang akin. As if all I can think about is how good the kiss is. Nanghihina habang nakaupo sa sofa ng kwarto niya.
It's crazy how I ended up doing this crazy stuff with her after that one kiss in her car. I became addicted to it.
Wala naman akong talo dahil bukod sa gusto ko rin, I can write kissing scene effectively now.
Her foxy eyes looks drunk staring at me. Pakiramdam ko'y pulang-pula na naman ang aking mukha. Napangisi siya bago niya pinanggigilan ang ang ibabang labi. Walang pakialam kung masira ang plakadong lipstick niya.
Pareho lang kaming huminto nang makita ang orasan.
"Thanks for the snack, my sweet Geco," bulong niya sa akin. Kalat-kalat ang lipstick niya ngunit tila hindi niya na iniisip 'yon ngayon. Nakakapanibago dahil ayaw na ayaw niyang nasisira ang lipstick niya lalo na kung kasisimula pa lang ng araw.
Inayos ko rin ang suot kong uniporme. Ayaw ring lukot ang uniporme na papasok sa eskwela. Pinunasan ko rin ang kalat na lipstick sa aking labi.
She look at her hand mirror, imbes na iritado sa gulo-gulong lipstick, I can see her smirk before fixing it. Napailing na lang ako bago lumabas ng kaniyang kwarto.
Umaktong para bang walang naganap na halikan.
"Natapos niyo ba ang assignment niyo ni Amara, Geco?" tanong ni Anjo na nakataas ang kilay habang nakatingin sa akin. Parang gusto kong masamid sa sarili kong laway dahil sa kaniyang tanong pero ngumiti ako ng tipid at tumango.
"Natapos namin," ani ko. Pinuri naman kami ni Ate Lou, isa sa katulong sa bahay.
"Wow! Ang bait niyo talagang dalawa! Ang sisipag niyong mag-aral! Sana ganiyan din ang anak ko." Pulang-pula ang mukha ko habang inaalala ang pinaggagawa namin ni Amara sa kaniyang kwarto.
Ngumiti na lang ako at tumango.
"Sana nga po."
Sumang-ayon ka pa talaga, Georgina Conseulo, huh?
Ramdam ko na ang kahihiyan kaya nagpaalam na rin ako agad.
We have practice game to another school today kaya nang matapos ang klase ko, sa gym agad ako dumeretso. Sila ang dadayo sa amin.
Nag-warm up na ang team. Competitive mode na rin ang mga kasama ko.
"Ate, teka! Maganda ba ako? Papasok crush ko," sambit sa akin ni Yuki habang nakatingin sa entrance. Sa iba nga lang ako napatingin. Agad kong nakita si Amara na papasok din sa gym kasama ang mga kaibigan niya. May hawak-hawak pa siyan hand fan na kulay pink. Pati 'yon ay bihis, may lace ang handle.
She always likes something that looks pleasant.
Bakit siya nandito? Hindi naman siya mahilig manood ng sports? At saan nanggagaling ang kaba? Bahagya akong napasimangot sa aking sarili.