Chapter 14

46 3 0
                                    

Chapter 14

Geco's POV

Pero bobo ako, ngayon ko lang nadiskubre. Hindi ko alam na ganito ako katanga sa pag-ibig.

I went to the bar just to look at her. Tanga rin talaga ako, kumakapit pa rin sa ideyang baka may problema lang siya kaya niya ako iniwan kahit kilala ko naman siya.

Sumama ako kay Kyla kahit hindi ko naman madalas na ginagawa dahil lang hindi ko na siya halos makita sa bahay.

Fuck you, Geco, this is the reason why she started being cold! Dahil sa pagiging clingy mo!

I saw Amara in her usual spot habang nagtitimpla ng alak. Nagkasalubong ang mga mata naming dalawa. Bahagya siyang nahinto nang makita ako but she ignored me na wari ba'y hangin lang 'yon at napasadahan niya lang ng tingin.

Still, I went to her.

"Can we talk after your work?" marahan kong tanong sa kaniya. Nakipag-unahan sa mga lalaking gusto siyang kausapin. She looks at me before she turn her gaze on the alcohol she's mixing.

"I have a lot of things to do. I don't have time for you." Parang punyal ang bawat salitang binitawan nito. Walang kalambing-lambing ang kaniyang mga mata nang lingunin ako. Tila ang iritasiyon niya'y abot na sa kasuluk-sulukan ng kalooban dahil tuluyan ng lumamig.

"I'll wait until you already have time then. I just want to ask you something," I said before I turn my back and went back to Kyla and my table. May mga kasama rin kaming blockmates din pero hindi ko ganoon kakilala.

Nang makabalik sa aking upuan. I look at Amara's place. She is staring intently at me but when our eyes met, unti-unti niya na lang iniwas.

"Bakit mo nilapitan si Amara, Geco? Utos ni Governor?" nagtatakang tanong ni Kyla dahil nakikitang nakatingin lang ako sa gawi ni Amara. Umiling ako bago sumimsim sa orange juice na nasa lamesa namin.

Some of Kyla's friends are asking me to dance in the dance floor. Ang dami ring nagbibigay ng inumin dahil minsan lang sumama, hindi naman ako nagtungo rito para uminom. I'll wait for Amara. Halos hindi na siya umuuwi.

She's lucky dahil wala si Governor these days. Abala sa trabaho.

Hindi siya mababakante. Ang daming lumalapit na lalaki para kausapin siya. Some drunk men are even trying to hit on her.

"You look murderous, Georgina!" Napatingin ako sa umakbay sa akin. Ngisi agad ni Siobhan ang bumungad sa akin.

"Amara keeps on saying that you are fine but don't even tell any story about you!" aniya habang hindi inaalis ang pagkakaakbay sa akin. Hawak-hawak niya ang kaniyang gitara sa kaniyang bakanteng kamay. She's grinning while looking at me.

"At ang babaita, lagi pang abala. Did she ask you to come here today?"

Amoy na amoy ko ang pinaghalong lavender at leather mula sa kaniya. Nakikita ko naman ito ngunit hindi madalas. Hindi kami pareho ng school.

"I'm good. How about you? That's new," I said while looking at the scar on her soft face. Mayroon na sa gilid ng kaniyang pisngi.

"Ah, this? I hiked last time and some devil push me." Tumawa pa siya kaya napataas ang kilay ko. Isang devil lang naman ang madalas nitong binabanggit. Probably Rasha again. I shook my head at that.

"Well, alisin ko na kamay ko, mahirap na, baka maputulan pa," she said, looking at Amara's place. Amara is glaring at us. Her jaw moves, a sign that she's clenching her teeth. Madiin din ang titig niya habang nakatingin sa akin.

Galit ata na nandito pa rin ako. Hindi niya na natagalan at lumapit na siya.

"Kailangan ka na ng entablado, Siobhan," she slightly growl. Siobhan slowly smirk at imbes na bibitawan na ako'y mas lalo niya pa akong dinikit sa kaniya.

Thorn Among DandelionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon