Chapter 17
Geco's POV
"Hala, ang iingay ninyo, natutulog pa si Ate Geco."
Nang magmulat ng mata'y kita ko agad sa salamin ang mga itsura ng mga ito. Nagkakagulo na sila sa likod. Ako ang nasa front seat katabi ang driver, nagbabantay sa mga bata ngayon. Ang mga kaibigan ni Anjo ang nakasakay sa van na ito habang sa kabila naman ay sina Amara.
Everyone was so excited rason kung bakit nagkakagulo na sila sa likod ng van. May naghahampasan pa habang ang ilan ay pinagsasabihan na ang mga kaibigan na huminto na muna sa kulitan. I just shook my head because they really have a lot of energy.
Kahit ata malayo ang byahe'y hindi sila mapapagod.
"Should we stop over first to eat?" marahan na tanong ko sa kanila. Inayos panandalian ang buhok at salamin.
"Oo raw, Geco! Kanina pa nga nagsasabi itong si Jigs na gutom na," ani Anjo.
"Aba naman, Jigs! Talagang magugutom ka kanina pa walang hinto 'yang bunganga mo, eh," ani John sa kaniya. Hindi ko maiwasan ang mapailing habang may tipid na ngiti sa labi. Ako ang napapagod para sa kanila.
Kahit nang makababa kami'y para silang mga nakawala sa hawla. Pinagsabihan ko sila nang papasok na kami sa loob. I know that they are having fun they should also respect other people boundaries. Hindi masamang maging masaya but we should always try to be mindful of others. Lalo na kung nasa mga cafe. Some might be understanding but some might not.
Pabulong silang nag-aangilan kahit kami lang ang naroon.
"Ate ko." Napatingin ako kay Anjo nang kalabitin niya ako. Napakunot ang noo ko nang mag-flash ang camera sa akin. Agad siyang ngumiti sa akin. Nakakairita pala talaga ang ngiti nito kaya laging napipikon si Amara sa kaniya.
"I'll send it to Ate for updates," aniya kaya mas lalong tumalim ang mga mata ko. Bakit kailangang mukha ko pa ang pang-update niya?
"She said, ang ganda, with matching ribbon and flowers."
"What?"
Hindi niya na inulit at tumawa lang habang nagtitipa sa kaniyang selpon. Halos magsalubong ang kilay ko habang nakatingin sa kaniya but he just chuckled and talk with his friends.
Nagpatuloy lang ako sa pagkain habang natulala lang din sa view sa harapan ko. Panay bundok na roon. My mind is already thinking of Amara. That girl doesn't like going to their resort dahil madalas ay sumasama ang pakiramdam sa byahe.
"Nasaan na sila?" casual na tanong ko kay Anjo habang sumisimsim sa aking inumin.
"Nakalagpas na sila rito," aniya. Napatango ako. Matagal na natahimik bago nagtanong muli na wari ba'y wala lang iyon sa akin.
"May dala bang gamot ang Ate mo?" Kumagat pa ako sa burger para magmukhang wala talagang pakialam but Anjo already have smirk on his face.
"I'll ask."
Kahit ayaw kong ipatanong, hindi ko rin siya napigilan pa dahil ang totoo'y gusto ko rin talagang malaman para makampante kahit paano.
"Wala raw."
Nangunot ang noo ko, she already know that she doesn't always feels good when she travels, hindi pa siya nagdala ng gamot?
"Pabalik na sila. Kakain daw pala muna," ani Anjo kaya nangunot ang noo ko. I don't know why but I felt like he keeps on saying nonsense to his sister. Base pa lang sa ngisi sa kaniyang labi. Gawa-gawa pa naman ang isang 'to.
"Ate Geco, close pala kayo ni Ate Amara? Bakit hindi ko kayo nakikitang magkasama sa school noon?" tanong ng isang tropa ni Anjo.
"Oo nga, sabi ni Anjo sobrang close niyo raw pala."
