Chapter 6
Geco's POV
It was effective. Now that I got to see an intimate kiss. Hindi na malabo ang deskripsiyon ng halik sa aking sinusulat kaya lang ang problema'y panay labi ni Amara ang nakikita ko tuwing nagsusulat.
Hindi ko tuloy maiwasan ang samaan siya ng tingin habang nandito kami sa art room ng bahay nila.
"I can feel your eyes piercing on my soul, Georgina. Anong problema mo?" Hindi niya ako binalingan ng tingin. Nanatili lang ang kaniyang mga mata sa ginagawang scuplture.
I am here as her assistant na wala namang ginagawa kung hindi ang mag-aral o 'di kaya'y magsulat. Masiyado niyang sinusulit ang isang buwan na pagsunod ko sa utos niya.
Naka-clean bun ang kaniyang buhok habang ang nakadress na floral pink. Even when she's just in the house working, she likes to dress up. She works better when she's dressed, she said. Well, she just really dresses for herself.
She looks serious while doing her art.
I opened another tab on my laptop. And just write my thoughts right now.
Ang mga mata niya'y kayang magpahiwatig ng sari-saring emosiyon. Right now, I can see how passionate it is. Pinanood ko lang kung paano niya hawiin ang takas na buhok habang nag-iisip. Her hands look so soft while touching her sculpture. She's busy doing her art while I'm here enjoying the masterpiece in front of me.
I was so serious doing my work na hindi ko na namalayan na nakatitig na siya sa akin. Huminto sa kaniyang ginagawa. Napakunot ang noo ko sa kaniya at napataas pa ang kilay. Minsan hindi ko alam kung hinuhusgahan na ba ako ng isang 'to o ano. Sometimes she stare at me intensely.
Napakurap ako bago nahinto sa pagtitipa. Agad ko ring sinara ang aking laptop kahit hindi naman ako nagsusulat ng scene na naghahalikan o ano. Nataranta lang dahil tumayo siya para lumapit. May ngisi sa kaniyang labi kaya bahagya akong napasimangot.
"What do you want?" I tried to look tough. She chuckled as if she was finding this whole situation funny. I glare at her as she sits beside me. Nilagay niya sa tainga ko ang takas na buhok bago bumulong.
"I'm done. I'll finish this all tomorrow. We still have a party to attend to."
I swear, I know that this girl is enjoying teasing me! Kung alam niya lang na napapanaginipan ko ang labi niya, baka lagi akong makakatanggap nang pang-aasar mula rito. Tinulak ko lang ang kaniyang noo dahilan kung bakit siya napahalakhak. Iritado ako pero ang mga mata'y nasa labi niya ang mata. Transfer proof ba ang lipgloss at dark pink lipstick nito?
Ano ba, Geco?! Gusto mo pa atang malipat sa 'yo ang lipstick niya.
Ganito ba talaga kapag NBSB? Nagiging kuryoso bigla sa makamundong bagay? Biglang uminit ang temperatura rito sa loob ng kaniyang art studio.
Tinulak ko ang noo niya gamit ang dalawang daliri ko. Imbes na ma-offend ay napangisi lang siya.
"Ano ba, Amara Anastasia? I didn't know you also like my personal space. Nagpa-reserve ka sana." But instead of listening to me, ang tingin ng mga mata niya'y sa labi ko lang. I lick my lips. Natutuyuan ako bigla ng laway sa kaniya.
Napahigpit din ang pagkakahawak ko sa botelya ng tubig nang tumayo. She looks at my face this time, fascinated. Napahalakhak siya bago sumunod sa akin palabas.
Nadatnan namin si Governor na good mood ngayon.
"I heard of your artwork for display in an exhibition. Ang dami kong natanggap na papuri tungkol doon sa mga kaibigan kong busineness man. Ang galing mo, Hija... Ipagpatuloy mo 'yan," aniya kay Amara. Ngumiti si Amara sa kaniyang ama. They look close pero sa tagal ko nang nakatira rito, kabisado ko na rin si Governor. Saka lang niya kinakausap ng nakangiti ang anak kapag may nagawang maganda.