Chapter 10
Geco's POV
"Ang ganda talaga ng anak ko, oh," Nanay said when she saw me finally wearing the gown.
"S-in-end ko ang litrato mo kay George at Tatay. Miss na miss ka na raw nila," aniya. Napangiti ako. Miss ko na rin si George at si Tatay. Bibisita ako sa susunod na linggo.
Kapag nakatapos na ako, I'll give them the life they deserve. Kaunti pa.
Ilang yakap at halik pa ang ginawa ni Nanay bago ako pinakawalan. Kusa na lang akong napangiti. Hindi ako affectionate but I appreciate my Mom so much. Siya itong sweet sa aming pamilya. Hindi ko nga alam kung bakit hindi ko namana 'yon.
"Ang laki-laki na talaga ng baby ko," aniya na nagiging emosyonal habang nakatingin sa akin. Napatikhim siya para pigilan ang sarili.
"Siya, puntahan mo na si Amara at tulungan mo na rin magbihis, Nak," aniya na natatawa na lang din sa kaniyang sarili.
"Opo, Nay, pahinga na rin po muna kayo," marahan ang tinig nang sambitin ko 'yon.
Nagtungo ako sa guest room kung saan inaayusan si Amara. Tutulungan din siyang magsuot ng damit niya.
Lumabas ako ng kwarto na suot na red color long gown that hugged my curves. Backless din ito kaya ramdam ko ang lamig ng aking likod. Idagdag mo pa ang nakataas na buhok ngayon.
Papasok ako na palabas na ang make up artist niya na siyang nag-ayos din sa akin.
"Sakto, Geco. Amara wants you inside, gusto niyang ikaw ang tumulong sa pagsuot ng gown niya."
Napatango ako bago tuluyang pumasok sa loob.
"Amara." She turn her gaze up habang hawak ang kaniyang selpon.
Tila nakalimutan niya ang tinitipa niya habang nakatitig na sa akin. Awang ang kaniyang labi while her eyes stare at me. She carefully sit down habang hindi pa rin inaalis ang mata sa akin. Parang nakalimutan niya ring kumurap before her lips turn for a smile.
"Damn... You are the most captivating person I have ever laid my eyes on. I have never known that the word beautiful can be perfectly embodied until you make it happen," she said softly. She looks in awe while staring at me. Hindi niya inaalis ang mga mata sa akin bago dahan-dahan lumapit. Her hands softly touched my waist before she gave me a peck on the cheeks.
"You smell so good. Like a fresh rose who's ready to enchant every person you'll encounter..." And she was too... Nanunuot ang vanilla'ng halimuyak niya sa akin. Nang makasalubong ko ang mata niya'y tila nalalasing ito habang nakatitig sa akin. Sobrang rahan dahilan kung bakit parang gusto ko rin siyang halikan.
I can feel my heart racing just because of her words.
But then she slowly removed both her hands from my waist. She bit her lips before she looked away and went back to her seat.
She sighed before closing her eyes. Nang imulat niya 'yon, her eyes were expressive. Adoration, annoyance and what's that? Sadness? "I'm not coming anymore."
Agad na nagsalubong ang kilay ko. What? Nakaayos na siya!
Paniguradong maiirita ako kapag nandoon na kami because she's damn attractive too. She'll be surely be the center of attraction. She looks ineffable. Her beauty is beyond description. Para akong kukunin ng anghel na maraming glitters habang nakatingin sa kaniya. Hindi pa niya suot ang gown niya sa lagay na 'yan.
All those men will surely kneel in front of her again! Naiisip ko pa lang ay naiinis na ako.
She lacks energy when she removes the huge necklace she's wearing.