Chapter 3
Geco's POV
"What if remove your eyeglasses too, Geco? For sure my friends from Don Juan will like you," Siobhan and Juno are from another school. Si Amara lang ang nag-iba ng paaralan.
"We are here to enjoy not her. She doesn't have to do a makeover," marahang saad ni Amara habang hindi tinatago ang kamalditahang nakatingin sa akin ngayon. See? I fixed my eyeglasses. Naiirita na rin sa kaniya. Bakit ba ang bait niya sa lahat pero parang laki ng galit sa akin?
Dahil ba matalino ako at bobo siya?
"Naiinis ka?" tanong ni Amara na tinignan pa ako mula ulo hanggang paa. I am just wearing a black long sleeve and a trouser. Nakalugay lang din ang mahaba at basa ko pang buhok.
"Oo. Napipikon ako sa 'yo." Malamig ko siyang tinignan kaya natawa si Siobhan bago ako inakbayan at nilayo kay Amara na umiirap na.
Juno shook her head before following us going out. Of course, the three of them are always the center of the party. They are elite and gorgeous. Pinagkakaguluhan ng mga kalalakihan at gustong kaibiganin ng mga kababaihan.
Nakipagbatian na sila kaya inalis ko lang ang kamay ni Siobhan sa braso ko. Hindi niya na napansin iyon dahil abala na sa pag-inom ng ilang shot. Kahit noong minor pa, madalas ay umiinom na. Madalas kasing may mga house party.
Nagtungo lang ako sa gilid habang pinapanood sila. Ang trabaho ko lang naman ay iuwi si Amara ng buo mamaya. 'Yon lang ang bilin ng ama niya.
Nakita ko ang paglinga ni Amara nang hindi ako makita. Agad akong tumayo sa kinauupuan ko at tinaas ang kamay sa kaniya. Nabato-balani nga lang ako sa aking kinatatayuan nang may isang lalaking umakbay.
"Siobhan's friend? You look exactly like my dream girl," he said, rason kung bakit agad na nagsalubong ang kilay ko.
"Mananaginip ka talaga kung hindi ka bibitaw," I said coldly, rason kung bakit ito napahalakhak.
"Remove your hands on her, can you?" Amara's tone is softer than her usual voice. Ang lambing din ng tingin niya sa lalaki but that's actually her face when she's annoyed. Natawa ang lalaki bago nagtaas ng kamay.
"Sorry, Amara. Friend niyo? Reto mo ako, please," anito na kukurutin pa sana ang pisngi ni Amara ngunit hinawakan ko na ang kamay niya. Agad napasimangot si Amara sa akin doon. Binitawan ko ang kamay ng lalaki bago inayos ang salamin.
"She's not my friend. Just a staff. Stop flirting around, Clarence," ani Amara na hinawakan na ang palapulsuhan ko at tinabi ako sa kaniya.
Staff, huh?
Right, we are not even friends and I'm just really here as her staff.
"Your job is to look after me. Huwag kang aalis sa tabi ko." Inayos ko ang salamin ko dahilan kung bakit napatingin siya sa akin. Ang iritasiyon niya'y napalitan ng ngisi. As if she's enjoying seeing my brows almost intertwined with each other.
We sat down in Juno's sofa habang panay ang pakikipagkwentuhan nila sa kung kani-kanino.
Paunti-unting umiinom si Amara habang sina Juno ay nakikipag-usap sa kung kani-kanino. Napatingin kami nang magtungo si Jake sa harap namin. Ang ex niyang gago. He's also an elite. Anak ng may-ari ng malaking engineering firm.
"Amara, can we talk?" he asked. May itsura ang gago at mayaman pa kaya maraming pumapatol kahit babaero.
"Jake, kung ayaw mong umuwing may pasa, aalis ka sa harap namin," ani Siobhan sa kaniya. May hawak-hawak pa na bote ng alak. Napanguso si Jake bago siya lumuhod sa harap ni Amara. Wala talagang kahihiyan ang isang 'to.
