Chapter 24

37 2 0
                                    

Chapter 24

Geco's POV

"Anong ibig mong sabihin, Nanay Fe?" tanong ni Anjo habang gulat na nakatingin kay Nanay at sa kaniyang ama.

"Ang tatay mo ang may kasalanan kung bakit namatay ang Mommy ninyo! Sinagasaan niya ito sa maulang gabing 'yon! Nakita ng dalawang mata ko kung paano niya ginawa! Ayaw ng Daddy ninyong iwan siya ng Mommy ninyo!" sambit ni Nanay kaya nabato balani ako sa aking kinatatayuan.

"Nanay Fe... I know Dad is making you leave pero hindi niyo po–"

"Nagsasabi ako ng totoo! Bakit sa tingin niyong hindi niyo na nasilayan pa ang Mama niyo kahit saglit lang matapos niyang mamatay?" Nanginginig na ang tinig na tanong ni Nanay.

"Is that true, Dad? You... you did that?" Amara looks at her Dad with shock on her face.

"Take them away from here!" sigaw niya lang sa mga gwardiyang dumating. Hindi sinagot ng oo at hindi ang kaniyang anak.

"Totoo ba ang sinasabi ni Manang Fe, Daddy? Magsalita ka!" malakas na sigaw ni Anjo habang nakatingin sa kaniyang ama. Hindi niya na napigilan ang kwelyuhan ito. Unti-unti tuloy nakaramdam ng matinding galit ang kaniyang ama.

"Bastos kang bata ka!" galit na sambit ni Governor.

"Why can't you answer his question, Dad?" Ramdam ko ang panghihina mula sa tinig ni Amara.

"Are you doubting me? Naniniwala kayo sa pinagsasabi ng katulong na 'yan?" Governor looks at my Mom angrily. My eyes looked at my Mom who was crying hard while continuing what she was saying.

"Pinatay niya si Ma'am Carmen... Ilang ulit na sinagasaan. Kaya nga pinilit niyang gawing abo ang katawan nito. Dahil alam niya... Alam niyang makikita kung gaano siya kawalang-awa!" ani Nanay habang matapang na nakatingin kay Governor. My eyes remain staring at her.

"Paano mo nalaman ang tungkol dito, Nanay? Hindi ka nagsalita?" nanghihinang tanong ko. She knows about it... Alam na alam niya ang nangyari. Nang makita niya ang mata ko'y unti-unti siyang napahagulgol ng iyak.

"Patawarin mo si Nanay, Geco... Gusto ko lang ng magandang kinabukasan para sa inyo ng kapatid mo..."

"Dahil sa amin?" tanong ko na hindi na rin napigilan ang luha sa pagtulo.

"Hindi ka nagsalita dahil pinangakuan ka? Kinabukasan namin kapalit ng hustisya?" Parang pinipiga ang dibdib ko habang iniisip iyon.

"Nay! Ilang bata ang nawalan ng ina! Tatlong bata ang nangulila habang hinihintay ang pagbabalik ng nanay nila! Isang batang umiiyak tuwing umuulan. Alam mo naman 'yon. Nakita mo naman 'yan pero wala kang ginawa?" tanong ko habang humahagulgol na ng iyak at hawak-hawak siya. Hindi ko na napigilan ang mapaluhod habang ramdam ang sakit.

Hindi maatim na isiping habang nandito kami sa bahay ng mga Anastasia, hustisyang humihiyaw ang nakalimutan.

"You—You killed Mommy... While Nanay Fe knows about it..." ani Amara na nakahawak na lang sa gilid ng hagdan. She didn't cry but her eyes looked so empty. As if all of the revelations broke her.

"How could you all? Paano niyo naatim na gawin iyon? It must be so cold for my Mom that night..." ani Anjo habang umiiyak subalit nagliliyab din ang galit mula sa kaniyang mga mata.

"Hindi ko alam kung paano ko sasabihin... Gusto ko lang din ng magandang hinaharap para sa anak ko... I'm sorry, Hijo... Patawarin mo ako..." Sinubukang hawakan ni Nanay ang kamay nito ngunit agad niya lang ding tinulak paalis. Para akong may nakakain na mapait sa lahat ng binibitawan niyang salita.

"Patawarin? Ni hindi ka aamin kung hindi ka palalayasin!" galit na saad ni Anjo. Hindi ko magawang ipagtanggol ang ina dahil hindi ko alam na kaya niyang gawin ito. Hindi ko maatim na isipin na ginawa niya ang bagay na ito para sa akin. Para sa magandang kinabukasan na sinasabi niya. Hindi ko magawang tanggapin.

Thorn Among DandelionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon