Chapter 31
Geco's POV
Nasa labas kami ng bahay habang kumakain ng almusal kasama sina Tatay, George, Siobhan at Juno nang may nagmamadaling lumabas sa bahay nina Amara. Agad ko siyang nakita na nakapaa habang gulo-gulo pa ang buhok. Hawak-hawak niya pa ang pearl na necklace niya.
"Georgina, you said last night that I'm your girlfriend," aniya sa akin habang diretso ang tingin sa akin.
"Nananaginip ka pa, Amara." Sumimsim pa si Juno sa kaniyang kape. Nalilibang din na inaasar si Amara ngayon.
"Oh, shut up, Juno! I have a proof that it was true!" Juno chuckled at that. Napailing na lang siya because Amara already have a lot of energy kahit kagigising lang.
Napailing na lang din ako babang nakatingin sa kanila.
"Ate? Kayong dalawa ni Ate Amara?" tanong ni George habang pabalik-balik ang tingin sa aming dalawa ni Amara. He looks like he doesn't want to take that information. Tulog na siya kagabi kaya mukhang hindi niya alam ang tungkol doon.
Padabog siyang tumayo kaya agad siyang tinawag ni Tatay.
"George!"
Natahimik kaming mga nasa labas. Maski si Amara'y napatitig lang din sa akin. She looks like a lost puppy. Pinisil ko ang kamay niya bago ako nagpaalam na papasok kang panandalian sa loob.
Agad kong narinig ang usapan ni Tatay at ni George.
"Hindi ko siya gusto para kay Ate, Tatay! Gusto ko ng malakas, makisig at matapang para kay Ate Geco. 'Yong kaya siyang protektahan sa lahat ng bagay! Tignan mo nga si Ate Amara! Hindi niya magagawa 'yon! Gusto ko ng taong magiging lakas niya, hindi magiging pabigat sa kaniya dahil ganoon ang pagmamahal na deserve ni Ate," galit na sambit ni George.
Narinig ko siyang pinaliwanagan ni Tatay.
"Hindi mo kailangang maging malakas at makisig para maging matapang, George. Hindi mo kailangan maging lalaki para magpakalalaki. Hindi ba't tinuro ko sa 'yo na dapat pantay lang ang tingin mo sa lahat ng tao? Pinatunayan 'yon ng Ate Geco mo at Ate Amara mo. Nagkakaroon na sila ng lakas ng loob para ipaglaban ang pagmamahal na mayroon sila para sa isa't isa. Sino tayo para hadlangan iyon, 'di ba?" Ngumiti pa si Tatay kay George and my brother just bite his lips.
Napayuko lang siya roon. But what Tatay said is true. You don't have to be a man to be manly. There are many women who act more like a man than men itself. Protecting their loved ones, doing what men should have done, and being strong enough to handle a situation that they are in.
Napangiti na lang ako bago bumalik sa labas. They are talking with each other but looks like Amara is stil thinking about George. Nang makita ako'y agad siyang napatanong.
"Are we going to break up already? Kakabalikan lang natin kagabi..." she said with her sad tone. Napatawa ako nang mahina roon.
"Do you still think that I can break up with you? We can convince them while we are together... I don't think I can still stop myself now..." mahinang bulong ko sa kaniya. Napatikhim naman sina Siobhan at Juno dahil sa lapit naming dalawa.
"Bakit naman balikan agad? Gusto ko pang makitang naghahabol si Amara," ani Siobhan.
"Don't worry, sa 'yo na lang namin susubaybayan," nakangising saad ni Amara habang hawak-hawak na ang kamay ko.
Napairap si Siobhan. Natawa naman si Juno bago napailing sa amin.
It was just so awkward nang lumabas din ang mga kapatid niya ng bahay nila, ganoon din sina Tatay at George. Ni hindi makatingin sa aming dalawa si George habang nanatili lang ang lamig ng tingin nina Kuya Alas sa aming dalawa.
