Kabanata IV

5 0 0
                                    


Maaga ako umalis ng bahay, ayaw ko muna makausap si Greg. Dumaan na muna ako sa isang coffee shop at doon ako mag brebrealfast, bigla nag ring ang phone ko nagbuntong hininga ako dahil alam ko si Greg ito pero ng tignan ko si Amber pala ang tumatawag

"Ang aga natin tumawag ah" sagot ko sa telepono ko

"Well gusto ni Greg na icheck daw kita, hindi mo daw sinasagot ang mga tawag niya" gulat nga ako at hindi pa siya pumupunta sa bahay sa dami ba naman niyang missed call sa akin

"Well medyo nag away kasi kami" sabi ko sa kanya

"Hindi kayo nag aaway ah"

Tumawa ako ng mahina "well nagaaway naman kami pero ngayon kasi masyado na kasi siya mababaw na hindi ko na mapigilan na maasar sa kanya"

Hindi agad nakasagot si Amber, narinig ko ang pag beep ng kotse niya palatandaan na inunlock niya ito "tungkol saan yan pinagawayan niyo?"

Tumingin ako sa orasan at alas sais pa naman "anong oras first class mo? Ako eight pa lamang, puntahan mo ako dito sa coffee shop kung saan natin binili yung cake ni Lily last year, dito na lang ako magkwekwento"

"Okay sige eight din pa naman klase ko din, wait mo ako dyan orderan mo na lang ako" at yung ang ginawa ko inorder ko yung favorite niyang latte at pastry

Nagulat ako na kasama ni Amber si Austin "sana sinabi mo kasama mo si Austin, yung sa'yo lang ang inorder ko" sabi ko ng umupo na sila sa harapan ko

"Hindi okay lang Elia, nakapag breakfast na ako, brewed coffee lang ang kukunin ko" sabi niya, at tumayo na para pumunta sa counter

"Sinundo ko si Austin sorry hindi ko na nasabi sa'yo nasa casa kasi yung sasakyan niya kaya kotse ko muna ang ginagamit namin" aniya

Tumango naman at ngumiti "okay lang iyon, buti ka nga may sarili ka ng car"

She pressed her lips into thin line at sumandal sa upuan niya "hindi ka padin ba pinapayagan ni Greg kumuha ng lisensya mo?" Tanong niya

Umiling ako at huminga ng malalim, tuwing binabanggit ko tungkol dito lagi na lang kami nag aaway, hindi ko din naman alam kung bakit very adamant si Greg about taking me everywhere

"Hindi ka na ba nasasakal sa kanya?" Tanong ni Amber sa akin, actually hindi ko pa naiisip iyan, pero ngayon nabanggit ni Amber ito, na realized ko Greg has been too controlling since last year.

Bumalik si Austin sa table namin bitbit ang order niya, at tumabi kay Amber, well kilala naman ni Austin si Greg so ayos lang kung marinig niya ang usapan namin

"I don't know Amber, ang alam ko lang ayoko siya magalit sa akin, kaya pumapayag na lang ako sa lahat ng sinasabi niya pero kahapon parang napuno na ako" saad ko at uminom ako sa frappe ko, bago ko sinabi ang nangyari sa amin ni Greg kahapon

Wala naman pakialam si Austin tungkol dito pero sumang ayon siya sa akin "Kung sasabihin ko kay Amber kung sino ang pwede at hindi pwede niya makasama susuntukin niya ako" tawa niya

Tumawa din si Amber and she punches Austin arms lightly "tignan mo" pagbibiro ni Austin

Umiling lamang si Amber at kinuha ang kamay ko "basta Elia andito lang ako para sa'yo, and you need to talk to Greg na din about him being too controlling, remember mahirap kapag sobra sobra"

Hinatid nila ako sa school, and I'm so relieved to see na hindi ako hinihintay ni Greg sa gate, hindi ko alam kung pumasok ba siya pero ayaw ko muna mag isip tungkol sa kanya

Palakad na ako papunta sa classroom ko ng bigla may humila sa akin, napatingin ako at si Greg ito, pansin na pansin ko yung dark circles under his eyes, nakatulog ba ito ng maayos kagabi?

LOVE IN THE WARMTHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon