The next few days naging normal ang lahat, umalis na din ulit sila mommy and daddy, bumalik na din kami sa normal ni sir Calvin at hindi na kami awkward kapag ginagawa ko yung task ko as TA niya, and it seems na kami din ni Greg ay bumalik sa normal, wala na din bruises sa kamay ko kaya masaya ako kasi pwede na ako mag sleevelessMalapit na ang intramurals kaya todo practice kami sa cheer dance, and since dancer ako pwede ako hindi mag uniform muna. Kaya pumili ako ng isang cute na blouse na sleeveless that ends just above my navel, at pumilli ng isang skinny jeans, hindi ako ganoon ka sexy, I am not skinny and hindi din ako voluptuous, nasa katamtam lang naman katawan ko pero medyo malaki ang aking balakang
Nag apply ako ng light make up and I feel good about myself, ng nabasa ko ang text ni Greg na nasa baba na siya dali dali ko kinuha ang bag at hydroflask ko at bumaba na ako para salubungin si Greg, ngumiti ako at pinakita ko ang damit ko sa kanya "you like it honey?" At nag twirl pa ako sa harap niya
Ngunit ng humarap na ako nakita ko ang pag dilim ng mata niya at tinuro ako "There's no way na ganyan ang suot mo papasok sa school!"
"Greg, mas sexy nga yung sinuot ko noon pumunta tayo sa bar" reklamo ko
"Oo nga pero at least madilim doon at kasama mo ako the whole time pero ngayon" at tinuro niya ang damit ko "parang ininvite mo lahat ng lalake sa school na makipagsex sa'yo"
Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya, pero hindi naman ako papayag na pati damit ko diktahan niya ako "hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa'yo pero please stop being so controlling Greg" reklamo ko, hindi ko na nga sinusumbat sa kanya ang mga ginagawa niya sa akin pero I will not allow him to dictate the clothes I wear!
Nagaalab ang mata ni Greg sa galit "girlfriend kita at kapag ayaw ko na pumasok sa school na nagmumukhang kang pokpok then kailangan mo mag palit!" His tone is low and dangerous, and it sends shiver down my spine!
Nang hindi ako gumalaw or sumagot man lang sa kanya agad niya kinuha ang kamay ko at hinila niya na ako sa hagdan papunta sa kwarto ko "Greg bitawan mo ako hindi ako magpapalit!" Alam ko para na akong bata kung umasta pero ayaw ko naman na gawin niya sa akin ito!
Mas hinigpitan niya ang pagkahawak niya sa kamay ko at sumisigaw na ako sa aking utak dahil sa sakit, kinaladkad ako ni Greg sa kwarto ko at tinapon niya ako sa kama ko at pumunta sa closet ko tumayo ako agad "Greg! Tama na! Hindi ako magpapalit!"
Pero hindi niya ako pinakinggan bagkus tinignan niya ang closet ko at tumingin ng damit "Hindi mo alam Elia kung paano ako maging controlling kapag gusto ko! Ngayon tanggalin mo yang pang puta na blouse mo at suotin mo ito!"
At binato niya ang isang itim na long sleeves sa mukha ko, hinayaan ko ito mahulog sa sahig at naghalukipkip ako "This is ridiculous Greg! At alam mo iyon!" Buong lakas ko sinigaw
Lumapit siya sa akin ang mga palad niya nasa ere "Anong ridiculous? Ang masama dito ay yung hindi ka makikinig sa akin" namumula na siya sa galit and the next thing I knew I felt a stabbing pain sa kaliwang pisngi ko, sa sobrang lakas ng sampal niya sa akin napaupo ako sa sahig
Agad ko sinapo ang pisngi ko at tiningala ko siya, kung sino man ang kaharap ko ngayon ay hindi si Greg na minahal ko! Ang Greg na kilala ko ay hindi niya ako kayang saktan! "You hit me Greg!" At umiyak na ako, umiiyak ako hindi dahil sa sakit, kundi hindi ko sukat akalain na kaya ako saktan ni Greg na ganito
Lumalim ang paghinga niya, his expression softens "I'm sorry galit na galit lang ako tapos - " tumigil siya at pumikit ang mata niya "hindi sana mangyayari ito kung nakinig ka lang sa akin" lumuhod si Greg sa harapan ko at pinulot niya yung tshirt na pinili niya kanina "please Elia, isuot mo na lang ito" pagmamakaawa niya
BINABASA MO ANG
LOVE IN THE WARMTH
RomanceAkala ni Elia na si Greg na ang makakatuluyan niya habang buhay, sino naman ang hindi makakaisip ng ganoon? He is best in everything he does, and naka line up na din ang buhay niya sa mga plano ng kanyang boyfriend. Not until she transferred sa scho...