"Knock, knock" sambit ko habang kumakatok ako sa bukas ng pintuan ni sir Calvin"Pasok ka Elia" tawag sa akin niya sa akin, at naglakad na ako papunta sa usual na upuan na inuupuan ko
"So I guess pumapayag ka na maging bagong assistant ko?" Tanong niya sa akin ng makaupo ako
"Yeah, siguro" sagot ko "so anong gusto mo ipagawa sa akin?"
"Mag check ka ng mga quizzes, don't worry sa ibang college departments ito, so hindi mo makikita ang sainyo" amusement laces his words, hindi ko alam kung nakikipagbiruan ba siya sa akin or what, ngumiti ako at tumango
"May answer sheet ka sir?" Tanong ko sa kanya, tumango siya at inabot niya sa akin ang tatlong papel, at sinabi niya kung anong answer sheet ang gagamitin ko sa different stacks of papers
Hindi ko akalain ang pag check ng mga quizzes ay relaxing, napansin ko din na nagpatugtog din si sir Calvin ng jazz instrumental song, na mas lalo naman nakapagrelax sa akin. Ni hindi ko nga naisip si Greg, at tuloy tuloy ako nag ccheck ng mga quizzes, hindi nagtagal natapos ko lahat na ito, napatingin ako sa orasan at alas sais na ng hapon
"Ang galing naman tapos mo agad? Three different quizzes from three different colleges, impressive" nag smirk sa akin si sir Calvin kaya napangiti ako
"Of course, hand picked mo ba naman ako maging TA, nakakahiya kung papapalpak ako" sagot ko sa kanya, tumawa siya at tumango
"Six o'clock na Elia, let's call it a day, thank you for your help" malambing niya sinabi
"Walang anuman sir Calvin" at kinuha ko na ang bag ko at chineck ko ang phone ko, walang ni isa text or missed call sa akin si Greg, pero hindi naman siya siguro seryoso na iniwan niya ako dito right?
"Mauna na ako sir, see you tomorrow" kumaway ako sa kanya habang lumalabas ng office niya, narinig ko siya nag goodbye din sa akin bago ako makalabas ng office niya at tinahak ko na ang daan papunta sa parking lot.
The parking lot is completely empty, at hindi ko mahanap ang sasakyan ni Greg, talaga tinotoo niya ang sinabi niya! Binunot ko ang phone ko para tawagan siya pero nakapatay ang phone niya! Kaya naglakad ako habang inoopen ko ang grab app ko para mag grab na lang ako, mahirap pa naman mag book ngayon dahil rush hour, pero bago pa naman ako maka book meron ako nakabunggo at napaupo ako sa lupa!
I bumped into something hard, hindi ko siguro nakita ang isang poste, ang sakit ng pang upo ko at hinaplos ko ito habang nag mura at binuksan ko ang aking mata
"I'm so sorry Elia, okay ka lang ba?" Ang nagaalalang boses ni sir Calvin ang narinig ko, nilahad niya ang kamay niya para tulungan ako tumayo
"Yeah, ayos lang po ako sir" sabi ko kahit ang sakit ng pwet ko! I take his hands and he grips it so it's easier to pull me up
"Akala ko nakaalis ka na" sabi niya habang hawak niya pa din ang kamay ko, ramdam na ramdam ko ang init ng palad niya
"Well, ang magaling at wonderful kong boyfriend ay iniwan ako" reklamo ko at hinila ko ang kamay ko mula sa kanyang kamay na kanina niya pa hinahawakan
"Anong ibig sabihin mo na iniwan ka niya?" Tanong niya his eyes full of questions
"Ayoko pagusapan about dyan, kailangan ko na magbook ng grab ko mahirap pa naman makakuha ngayon kasi rush hour, thank you sir mauna na ako" pero bago pa naman ako maka habang pinigilan niya na ako by gently grabbing my arm
BINABASA MO ANG
LOVE IN THE WARMTH
RomanceAkala ni Elia na si Greg na ang makakatuluyan niya habang buhay, sino naman ang hindi makakaisip ng ganoon? He is best in everything he does, and naka line up na din ang buhay niya sa mga plano ng kanyang boyfriend. Not until she transferred sa scho...