Kabanata XIX

2.4K 28 2
                                        


Elia Frias: Mom, I need to talk to you, kailan kayo uuwi ni dad?

Iyan ang chat ko sa viber ko at sykpe ko for my mom, ito ang ginamit ko kasi nakalogin kay Greg ang messenger ko, bigla tumunog ang phone ko kaya dali dali ko binuksan ang text message

My Fiancé: Ano ang paguusapan niyo ng mommy mo?

Nagulat ako sa text message niya, pati ba viber at skype naka log in sa kanya? Pero hindi ko naman maalala na nilogin ko sa devices niya ang viber and skype ko, and as his name on my phonebook siya ang nag palit ng pangalan niya into that!

Me: Greg pati ba naman viber and skype ko naka login sa'yo?!

Sagot ko sa kanya nag buntong hininga ako at nakita ko ang reply ni mommy

Mommy: bukas anak, sorry we only have one whole day tomorrow para maka bonding ka, aalis din kami ng daddy mo ng mga eleven ng gabi

Me: Okay mom

Ayun lang ang sagot ko, walang sim sila daddy at mommy local or international man, since they frequent travel a lot, ano pa daw silbi ang sim, as long as meron naman silang internet then they are good.

Through viber din kasi ang means ng communication sa work nilang dalawa so okay lang kapag walang sim. Hindi ko sinagot ang text ni Greg, at natulog na ako

Maagang maaga dumating sila mommy at daddy, at nagulat din ako andito na din si Greg! Nagluto agad si mommy ng breakfast namin apat, ngayon na nagkaroon na ako ng lakas ng loob para kausapin sila tungkol sa ginagawa ni Greg sa akin nandito naman siya!

"After breakfast maligo ka na and the whole day we will bond, nag presenta din si Greg na siya mag drdrive sa atin" maligayang tugon ni mommy habang kumakain kami. Tumango na lamang ako, at malungkot kumain

This should be the day between my parents and I, bonding naming tatlo ika nga bago sila umalis muli para mag work, at kahit ito man lang ang ibigay sa akin ni Greg. Kung hindi niya nabasa ang chat ko kina mommy pupunta ba siya dito ng maaga?

To be honest I am planning to buy a new phone, and create new accounts, pero hindi ko alam how, halos 24/7 naka bantay sa akin si Greg.

After breakfast pumunta kami sa mall, we shop and we watch movie, I tried my best to enjoy the moment, hindi ko alam kung kailan nanaman ang susunod na bakasayon nila but Greg holding my hands doesn't help me in enjoying this moment

"Ano pala ang paguusapan natin anak?" biglang tinanong ni mommy sa akin, ramdam na ramdam ko ang paninigas ni Greg sa tabi ko

"Wala mommy, sasabihin ko lang sana na inooffer ng isang professor ko na maging assistant niya muli" sabi ko, wala ako intensyon kina mommy na sabihin about sa pagiging assistant ko kay Hugo pero wala naman ako magandang dahilan

"That's great Elia, maganda nga iyan kasi you can place that in your credentials!" masayang tugon ni mommy sa akin

"Kaya nga tita, ayan din sinabi ko kay Elia, though she doesn't need it naman, since right after graduation may slot na siya sa kompany ni papa" panira na sinabi ni Greg

"Oh! You will work at an office? Akala ko ba you wanted to write stories and be a free lancer?" si dad, nakita ko ang pagkunot ng noo niya at sumulyap kay Greg

"Well tito she can write naman while she helps out in the office, mag asawa na kami by that time, sooner or later kami na ang magpapatakbo ng kompanya ni papa" si Greg ulit na hindi na ako binigyan ng pagkakataon sumagot sa mga magulang ko

"I did not expect that Elia will changed her mind, matagal niya sinasabi sa amin na she wanted to go to places and write her experiences" nagkibit balikat si dad, well yun pa din naman ang gusto ko, and I don't know why Greg keeps on deciding for me

LOVE IN THE WARMTHMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon