Sa mga sumunod na araw nagpatuloy ang routine namin ni Greg, hindi niya din ako hinahatid sa classroom ko - well except first period - since memorize ko na kung saan ito pero need ko pumunta sa admin building, hindi ko alam ang daan papunta doon and Greg is on his class and besides ayaw ko naman lagi naka depend sa kanya.Kaya pumunta ako sa cafeteria hoping makita ko ang admin building papunta doon pero hindo komito nakita, kaya nagdecide na lang ako magtanong. May nakita akong dalawang magandang babae na nakaupo habang nag uusap sila, nahihiya pa ako lumapit kasi parang may sarili silang bubble.
Huminga ako ng malalim at buong lakas ako lumapit sa kanila "excuse me can I ask lang po kung saan ang admin office?"
Tinignan nila ako pareho at hindi ako makapaniwala sa ganda nilang dalawa, hindi sila magkamukha kaya alam ko hindi sila magkapatid, ngumiti sila sa akin bago nagsalita yung mas matangkad
"Sa tapat lang siya ng gymnasium, new student?" Tanong niya sa akin, buti na lang alam ko kung saan ang gymnasium, ngumiti ako at tumango
"Anong year ka na?" Tanong namin ng mas maputi na babae
"Third year" matipid na sagot ko sa kanila, grabe ang gaganda na nga nila ang friendly pa nila
"I am Bella and this is Reize, second year accountancy student" jolly na initroduce ng mas matangkad sa sarili niya at sa kasama niya
"I am Elia" kahit gusto ko pa sana makipagkwentuhan sa dalawa pero malapit na ang susunod na class ko at need ko po dumaan sa admin building "girls I need to go I am running out of time, nice meeting you" bigla ako sumulyap sa likod nila at laking gulat ko na nakatingin na sa akin si sir Calvin ng seryoso kaya dali - dali ako umalis
Hindi ko maintindihan bakit ganito ang nararamdaman ko tuwing nagtatama ang mata namin ni sir, sa mga nagdaan araw tuwing may class ako sa kanya lagi na lang kami nagkakatitigan, parang meron siya gusto sabihin sa akin sa pagtitig niya, at ako naman parang gusto ko din malaman kung ano iyon
Umiling ang ulo ko at nagbuntong hininga, bakit ganito ang mga iniisip ko! I am committed to Greg pero bakit hinahayaan ko sarili ko makipagtitigan sa ibang lalaki and the fact na teacher ko pa siya! Ng naibigay ko yung kailangan ng registrar sa akin agad ako lumabas ng admin building and that's when my phone rings, nakita ko na si Amber ito isa sa mga kaibigan ko sa dati kong school.
Ngumiti ako at sinagot ko ang telepono ko "Amber!" Maligayang sambit ko
"Hoy kamusta ka dyan sa bago mong school?! Ano binbully ka ba ng mga elitista?" Tawa niya sa kabilang linya, umirap ako kahit alam ko hindi niya naman ako nakikita
"Hindi naman mababait naman sila dito, pero miss ko na nga kayo ni Lily eh" sagot ko sa kanya
"Bakit ka kasi pumayag lumipat ng school ayan tuloy irregular ka dyan" aniya. Huminga ako ng malalim at pumasok na ako sa classroom ko, buti wala pa yung prof namin kaya pwede ko pa ipagpatuloy ang usapan namin ni Amber, well tama naman siya pero nakausap ko ang dean ko and makaka graduate padin naman ako next year
"Anyways, tumawag ako para yayain ka mag girl's night out, wala ang parents ko over the weekend, at matagal tagal na natin hindi nagawa ito nila Lily, ako na bahala sa alak, mag dala kayo food ni Lily" paganyaya niya, ngumiti naman ako at nag agree sa sinabi niya. After all I never saw them over the summer, tapos na sad pa sila ng malaman nila na lilipat ako ng school
Sinabi ko ito kay Greg, andito kami sa cafeteria nag lulunch na dalawa as expected maraming suyo ang ginawa ko para lang pumayag ito
"Please sige na Greg miss ko na sila, alam mo naman na sila yung mga best friends ko" sambit ko habang pinapanood ko siya sumubo
BINABASA MO ANG
LOVE IN THE WARMTH
RomanceAkala ni Elia na si Greg na ang makakatuluyan niya habang buhay, sino naman ang hindi makakaisip ng ganoon? He is best in everything he does, and naka line up na din ang buhay niya sa mga plano ng kanyang boyfriend. Not until she transferred sa scho...