Kabanata III

397 8 1
                                    


Papunta na ako sa office ni Sir Calvin para sa detention ko, grabe tong school na ito imagine college student kami pero they still give detention to us!

Yung faculty building ay katabi lang ng admin building, and each professor have their own office! Grabe sa kasosyal naman dito! Well what will you expect sa isa sa pinaka mahal na university dito sa bansa!

Malawak ang faculty building, and five floors ito since five college departments kami, at malas ko po nasa fifth floor yung College of Arts and Sciences department, sumakay ako ng elevator at tinahak ang opisina ni Sir Calvin

Ng marating ko ang office niya, kumatok muna ako pero walang sumagot kaya dahan dahan ko binuksan ang pintuan niya at sumungaw para icheck kung andito ba siya

Pero nagulat ako ng makita ko siya naka tayo sa upuan at may inaabot sa taas ng cabinet, making his polo and inner shirt rides up and I see how defined he is! He has a six intense abs at mas bumaba pa ang tingin ko at nakita ko yung letter V sa kanyang torso at mas bumaba pa ang tingin ko sa may...

"Ms Frias?" Bigla niya sinabi, I pulled my eyes away at the same time my thoughts away, grabe ka Elia, hindi ka nahiya!

"Pasok ka" aniya at pinagpag niya ang mga palad niya at bumaba na sa upuan, pumasok ako sa office niya at nilibot ko ang paningin sa buong kwarto niya

In fairness cozy ang office niya, mas maliit ito compare sa mga classrooms pero okay naman ang size for one person. Meron siyang book shelves sa gilid na puno ng libro.

Sa gitna ay isang wooden desk, na meron stacked of papers, a laptop at iba pang mga gamit ni sir Calvin. Meron couch din sa gilid at dalawang comfortable sit sa harap ng table niya, at doon ako umupo

"Ito ang prelims papers ng mga second year, gusto ko istapler mo iyan lahat" utos niya, ito lang pala ang gagawin ko, akala ko kung ano na kaya masaya ko kinuha ang mga papel, umupo naman siya at narinig ko nag simula na siya mag type sa laptop niya

Ngayon na halos magkatapat kami amoy na amoy ko ang bango niya, imagine four o'clock na patapos na ang araw pero ang bango niya pa din! Naalala ko tuloy yung abs niya kanina, pero agad ako tumigil sa kakaiisip dahil it feels so wrong! May boyfriend ako!

"Sir?" Tawag ko sa kanya

"Hmm?" sagot niya, bigla ako napatahimik at napalunok ako, bakit ganoon? Bakit ang sexy niya umungol?!

Umiling iling ako at umayos ng upo "Wala ka ba pa music dyan? Ang tahimik lang kasi" ang kapal ko din mag request eh!

Ramdam ko ang pagsulyap niya sa akin, pero hindi ko siya tinignan, at the corner of my eyes nakita ko binunot niya ang phone niya at nilapag niya sa tabi ko

"Check mo spotify ko, pili ka na lang" aniya, dinungaw ko muna ang cellphone niya, expecting na picture ng girlfriend niya or asawa niya ang wallpaper niya pero default wallpaper ang gamit niya

Kinuha ko at inslide ko ang aking fingers, at gulat ako wala itong passcode! "Naka premium ka spotify sir?" tanong ko habang tinitipa ang phone niya

"Just check it Ms. Frias" naiinis na sinambit niya, sumulyap ako sa kanya at nakita ko naka simangot siya habang nagttype

Sinearch ko yung gusto ko music at pinlay ko ito at nilapag ang cellphone niya, sumulyap siya sa akin at tinignan niya ang phone at huminga ng malalim "mahilig ka pala sa jazz music" comment niya

"Nah, not much, pero pag ganito may ginagawa ako gusto ko ng jazz instrumental music, nakaka relax ng brain, nakakatulong para sa akin para makapag isip ng mabuti" sagot ko

Tumango lamang ito at pinagpatuloy niya nanaman ang pagtype sa laptop niya, at ako naman ginawa ko ang pinapagawa niya, ng matapos ako sumulyap ako sa orasan at nakita ko 4:45pm pa lang! Bilis ko din paka magtrabaho

LOVE IN THE WARMTHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon