Me being the talk of the school was understatement, last semester I was popular because I was the battered ex - girlfriend of the university star player and heart throb Gregory Esquela, now second sem had begun, I am popular because I am the girlfriend of the hottest professor in the metro. Yeah ganyan ang dilemma ng buhay ko!
Dinig na dinig ko ang mga bulungan ng mga tao habang dumadaan ako mga hallways, or di kaya sa pagpunta lo sa cafeteria and to be honest I already expected this one lalo pa na mas naging open na si Hugo sa relasyon namin.
"Siya yun di'ba?" Narinig ko binulong ng isang babae sa kanyang kaibigan he flicked her hair back over her shoulder as she pointed in my direction.
Nasa library ako ngayon kasama si Axel, may mga libro sa harapan namin, ramdam ko ang mga mabibigat na titig ng mga tao sa paligid namin, It was the kind of attention that clung to your skin, prickling your senses. Sabay kami napatingin ni Axel sa tinig at nakita ko na mga juniors ito, mga mata nila puno ng pamamangha at curiosity.
"Oo siya si Elia, ang girl friend ngayon ni Sir Calvin" narinig ko sagot naman ng isa babae sa tabi niya, nagbuntong hininga si Axel at umiling na lamang habang uminit naman ang aking pisngi, I never thought that Hugo and I's unexpected romance had turned me into something of a campus celebrity overnight.
"Mga chismosa" malakas na sinambit ni Axel, siniko ko siya at tumingin sa may librarian, buti na lang wala siya sa pwesto niya ngayon
I am glad that I have Axel na pinagtatanggol ako sa mga tao na chismosa, pero not all the time I have him, like today. I walked down the corridor, and I could sense the eyes upon me, whispers trailing in my wake like a gentle breeze.
"Ayan na pala yung malandi" may narinig ako nagsabi iyon kaya napalingon ako at nakita ko si Leah ito, kasama niya ngayon si Amy at si Paul hindi ko alam kung nasaan si Mark
"Tama na yan Leah" suway ni Paul, pero tinignan lang siya ng matalim, huminga ako ng malalim at aalis na sana ngunit bigla hinila ni Leah ang kamay ko
"Ano ba nasasaktan ako" sabi ko sa kanya
"So ano? Ako naman ang gagawan mo ng kwento na binubugbog ka?! If I know kaya ka binugbog ni Greg dahil nakikipaglandian ka na kay sir Calvin!" Mataray niya sinambit, hindi na ako nakapagpigil at sinampal ko siya! Agad naman pumagitna si Paul sa amin dalawa, dinaluhan naman ni Amy si Leah na pareho na masama ang tingin sa akin
"Eh ano ngayon kung nilandi ko si sir Calvin?! Wala pa din karapat si Greg na saktan ako! Hindi kayo ang muntikan niya pinatay! At hindi kayo ang muntikan niya gahasain kaya wala kayong alam sa mga sakit na dinanas ko! Alam ko kaibigan niyo si Greg at masakit sa inyo ang nangyari sa kanya! Pero hindi ko ginusto ang lahat ng sakit na dinanas ko sa kanya! Wala kayong alam kaya wala kayong karapatan manghusga! Hindi ko sukat akalain ganyan kakitid at kasama ang mga utak niyo!"
"Ang kapal ng mukha mo -" at akma na sana ako sasampalin ni Amy ngunit may pumigil sa kanya, nagulat kami lahat at si Hugo ito
"Victim blaming is such a low kind of bullying, hindi ko ineexpect na once naging kaibigan mo sila Elia" binitawan ni Hugo ang kamay ni Amy at tumingin sa akin "sana hindi niyo madanas ang nadanas ni Elia, kasi sa kitid ng utak niyo baka bumigay kayo agad" kinuha ni Hugo ang kamay ko at pinagsikop niya ang mga daliri namin at nilayo na ako doon, wala na naman ako narinig sa kanila.
Habang naglalakad kami papunta sa parking lot, napapatingin ang mga students at mga ibang professors na nakakasalubong namin, pero wala lang paki alam si Hugo, at mas lalo pa niya ako hinaharot! Ng marating namin ang parking lot nagulat na lang ako at tumigil kami sa isang convertible na sasakyan!
BINABASA MO ANG
LOVE IN THE WARMTH
RomanceAkala ni Elia na si Greg na ang makakatuluyan niya habang buhay, sino naman ang hindi makakaisip ng ganoon? He is best in everything he does, and naka line up na din ang buhay niya sa mga plano ng kanyang boyfriend. Not until she transferred sa scho...
