"Ayan sir Calvin i-cold compress lang natin ang mga pasa mo sa tuhod mo" sabi ng nurse, at kitang kita ko paano niya malagkit tignan si sir Calvin
"Basta gawin mo lang to everyday sir within fifteen to twenty minutes for the next three days para hindi masyado mamaga" dagdag niya
Tumango naman si sir Calvin at kinuha yung cold compress mula sa kanya "ako na gagawa, sure ka okay lang si Ms. Frias?" tanong niya
Kanina pag dating namin dito pinacheck ako agad ni sir, may konting pasa ako sa may legs ko pero mas grabe yung natamong pasa ni sir Calvin sa kanyang tuhod, kaya mas siya ang binigyan attensyon ng nurse
"Yes po, buti nasalo niyo siya, kahit may mga mat doon sa gymnasium for sure mas worst ang nangyari kay Ms. Frias" malungkot na sinambit ng nurse, just then may narinig kami maingay na tumatakbo sa labas kaya sabay sabay kami napatingin sa tao humihingal sa may pintuan
"Elia!" Sigaw ni Greg, at agad pumasok, dali dali niya ako pinuntahan at tinignan ang katawan ko "narinig ko ang nangyari, may tumama ba? May masakit ba? Sabihin mo sa akin kung sino yung mga lalaki hindi ginawa ang tama nilang routine at pagsusuntukin ko sila" galit na sinambit ni Greg
"Kalma, ok lang ako" sabi ko sa kanya, pumunta sa likod ang nurse kaya naiwan kaming tatlo dito
"No hon! Muntikan ka na mapahamak, muntikan ka na nasaktan! They will pay on what they did to you, kaya ayaw ko na sumali ka sa dance troupe eh! I will tell Amy na mag wiwithdraw ka" maawtoridad niya sinabi
Namilog ang mata ko sa sinabi niya "No! You will not do that! Accidents do happened Greg! And besides malapit na ang intrams, I just can't withdraw!" Pangangatwiran ko
"No Elia, please makinig ka naman sa akin! Hindi ko kaya makita na hinahawakan ka ng mga gagong lalaki tuwing nag roroutine kayo! At mas lalo ayoko makita ka nasasaktan" sigaw niya, sasagot na sana ako na bigla may tumikhim, pareho pa kami sumulyap ni Greg sa tinig
Nakalimutan ko na andito pala si sir Calvin and he heard how Greg and I argued! Si Greg naman nagulat siya ng makita si sir Calvin mukhang ngayon lang niya napansin na andito siya
"You don't want to see her hurt pero you are hurting her" his tone is normal, pero his face is contoured into sarcasm
"Hindi ko alam andyan ka sir" Greg sneered, tumabi siya sa akin at inakbayan ako
"He was the one who caught me Greg, huwag ka naman ganyan magsalita kay sir" pagkasabi ko iyon, hinigpitan niya ang pagkahawak sa akin at ngumiwi ako, napansin naman agad ni sir Calvin ito, dahil bigla tumalim ang tingin niya sa kanya
"Oh, so I should thank you then sir, salamat at niligtas mo ang girlfriend ko" medyo may yabang ang pagkasabi niya sa salitang girlfriend
"Walang problema Mr. Esquela, ang gaya ni Ms. Frias ay dapat inaalagan at hindi sinasaktan" mas mayabang naman na sinagot ni sir Calvin, nakita ko na sumulyap siya sa nakahawak na kamay ni Greg sa balikat ko at alam ko na alam niya na nasasaktan ako
"Tara na hon, uwi na tayo" sabi ko bago magkainitan pa silang dalawa, tumingin si Greg sa akin at ngumiti, at bigla niya ako hinalikan sa harap ni sir Calvin! Tinulak ko siya bahagya at sumulyap kay sir na hindi ko na maintidihan ang mukha! Oh great! Just great!
"Oh sorry sir, hindi ko maiwasan halikan ang girlfriend ko, nakalimutan ko ayaw mo pala ng ganoon" tumayo na siya at mayabang niya tinignan si sir Calvin habang pinupulupot niga ang kamay niya sa bewang ko
"That's fine Mr. Esquela, wala naman ako magagawa kasi hindi na naman regular classes, ingat kayo pauwi" tumango si sir sa amin dalawa, at hinila na ako palabas ni Greg
BINABASA MO ANG
LOVE IN THE WARMTH
RomanceAkala ni Elia na si Greg na ang makakatuluyan niya habang buhay, sino naman ang hindi makakaisip ng ganoon? He is best in everything he does, and naka line up na din ang buhay niya sa mga plano ng kanyang boyfriend. Not until she transferred sa scho...
