Kabanata X

6 0 1
                                    


Lumabas na ako ng banyo niya, medyo matagal ako naligo kasi dinama ko talaga yung init ng shower niya, napansin ko din na medyo mamahalin ang mga shower gel, shampoo at sabon niya, pero ang ginamit ko yung hindi pa bukas kasi yun yung floral scent panlalaki naman kasi yung sa kanya.

Nakita ko din na wala na yung mga basang damit ko, since ginawa ko ang bilin niya na ilagay ko lang sa labas ang mga basang damit ko, ngayon naka twalya lamang ako, anong susuotin ko habang hinihintay ang damit ko? Ayoko naman magpakita na ganito kay sir Calvin!

Pero agad ko naman nakita na meron t-shirt at boxer shorts sa kanyang kama, may note doon na nakalagay na suotin ko muna mga ito, kaya ayun ang ginawa ko, nilibot ko ulit ang mga mata ko sa kwarto niya.

Sakto lang ang laki nito, malaki ang kama, may malaking cabinet, at meron siyang desk at split - type aircon, pansin ko na ang mga gamit niya ay medyo mamahalin din, and take note naka centralized aircon siya sa baba, very contrast siya sa payak ng bahay niya

Bumaba ako na nagpupunas ng buhok ko dahil wala siyang blower, buti na lang medyo malaki ito damit niya sa akin, wala kasi ako suot panty at bra ngayon. Amoy na amoy ko agad and mabango na pagkain na niluluto ni sir Calvin kaya napasilip ako sa kusina niya, naka sleveless siya na damit pan lalaki at naka board shorts na lamang siya. Shit! Ang gwapo!

Sumulyap siya sa akin ng marinig niya ako nakababa na at tinuro yung dining table niya na four seater "Malapit na ako matapos dito, hintayin mo na lang ako dyan" aniya

Umiling ako at lumapit sa kanya "nasaan ang mga pinggan? I will just set the table while you cook", he glanced his eyes to me tila ba nasiyahan siya sa sinabi ko, tinuro naman niya kung nasa mga kubyertos niya at tinungo ko na doon.

Naglagay ako ng place mat, at inayos ko na ang mga kubyertos namin, sakto na ayos ko ay bitbit na ni sir Calvin ang plato ng kanin at ulam at nilapag niya ito, bumalik siya sa kalan at hindi nag tagal nilapag niya ang isang malaking bowl na may sabaw

"Upo ka na kukuha lang ako ng juice at tubig natin" tumango ako at sinunod ko ang sinabi niya, akala ko magpapalit at maliligo lang ako dito I did not expect na ipagluluto niya ako, and to be honest no one ever had done this to me, even Greg, lagi kasi ako ang nagluluto pero madalas nag tatake out na lang kami kapag tamad kami pumunta sa restaurant

Bumalik si sir Calvin bitbit ang dalawang pitcher, nilapag niya ito at umupo sa center chair, kinuha niya ang isang mas maliit na bowl at nilagyan niya ito, nagulat naman ako ng binigay niya ito sa akin.

"Magsabaw ka muna para mainitan ang tyan mo" aniya, kinuha ko yung bowl sa kanya at nagpasalamat, umiling siya at napataas ang kilay ko sa kanya

"Parang hindi ka sanay na may nagsisilbi sa'yo Elia" aniya, nagulat naman ako kasi napaka observant niya talaga, I ignored him at huminga ng malalim

Humigop ako ng soup, which is cream of mushroom, and the hot soup immediately gave comfort through out my body, umuulan ulit ng malakas at sana tumigil na ito, baka kasi bumaha at mastranded pa ako sa bahay ng teacher ko

"Naka dryer na ang mga damit mo, sakto after natin kumain okay na iyon, para maihatid na kita agad, mahirap na baka tumaas ang tubig at hindi ka makauwi" nagulat ako sa sinabi niya kasi pareho kami ng nasa isip

"Sir Calvin thank you talaga ha, hindi ko alam kung anong nangyari sa akin kapag hindi mo ako nakita" sabi ko sa kanya habang patuloy ako humihigop ng sabaw

"Elia, it's Hugo outside school, kung naasar ka if I am formal in calling your name, mas naasar ako kung hindi mo ako tawagin sa pangalan ko outside school"

Hindi ko alam kung bakit may kung ano ako naramdam sa tyan ko, hindi pwede na paru-paro ito, because Hugo is off limits, baka dragon ang nasa loob ng tyan ako at hindi butterflies!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: a day ago ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

LOVE IN THE WARMTHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon