"Sinong pinsan yan sinasabi mo?" Agad tinanong ni Greg sa aking gabi ng Biyernes, every weekend kasi tambay lang kami dito sa bahay o di kaya nagmamall kami, pero this time sinabi ko na need ko makipagkita sa isang distant na pinsan ko na si Emily
"Well yung second degree na pinsan ni mommy ang parents niya, medyo malayo kasi ang byahe kaya maaga ako aalis" sabi ko, and praying na sana hindi siya sumama sa akin, lumapit siya sa akin at hinawi niya ang aking buhok and instantly I flinched
"Relax honey, inaayos ko lang ang buhok mo" malambing niya sinabi and he tucked one of my loose hair behind my ear, tinignan ko ang mata niya at nakita ko na malamig ito and it scares the hell out of me
"So ayun nga hindi ko alam what time ako makakauwi or Baka bukas na ako makauwi, nag sabi na din ako kina mommy at daddy" pagsisinungaling ko ulit, tinignan naman niya ako ng seryoso tila ba inaaral niya ang aking mukha
"Biglaan ata?" Hindi naman niya kilala si Emily, hindi pa niya namemeet ito, at talaga medyo malayo ang bahay nila dito sa amin, and I hope talaga hindi niya maisipan ang samahan ako.
Nagkibit balikat ako "Weekend naman ngayon, baka bored lang siya or meron siya sasabihin sa akin"
Nagbuntong hininga si Greg, at nilagay niya ang kanyang kamay sa likod ng ulo ko "You've been acting really distant lately" sumigaw ako ng humigpit ang kanyang kamao sa aking buhok at hinila ito "meron ka ba kinikita na patago ha?!" Sinubukan ko na hindi maramdam ang sakit ng ginagawa niya, as he holds me in place
"Greg! Stop please!" Saad ko pero hindi siya nakinig
"Sagutin mo ako Elia!" Utos niya
Pag sasabihin ko ang totoo mas sasaktan niya pa ako, baka higit pa ito ang gagawin niya sa akin "Hindi! Kahit tawagan natin magulang ko para malaman mo na may pinsan talaga ako na Emily ang pangalan!"
Hindi ko alam kung naniwala siya pero lumuwang ang pagkakapit niya sa buhok ko pero hawak niya pa din ito "Kung malaman ko lang nagsisinungaling ka hindi lang ito ang mangyayari sa'yo" pagbabanta niya at pinakawalan niya na ako
Nawalan ako ng balanse sa pagkabitiw niya sa akin, at agad naman niya ako sinalo at hinalikan ang noo ko "Sorry hon, just please stop being cold and distant to me okay?" His voice is soft at gaya ng dati ako nanaman ang may kasalanan kung bakit sinaktan niya ako
Kahit hindi ko na siya mahal tumango na lamang ako, ngumiti siya at hinalikan niya ako, I force myself to kiss him back, pero wala na talaga ako nararamadaman, his lips is so unfamiliar now.
"Okay so I see you Monday morning, may papagawa din si papa sa akin" sumulyap siya sa kanyang cellphone at sumimangot "gusto ko sana ihatid kita sa terminal pero nag text si papa hinihintay niya na ako sa bahay, update me okay?" Tumango ako at hinalikan muli ako ni Greg at lumambas na siya ng bahay, hinintay ko na marinig ko na umalis ang kotse niya bago ko binagsak ang sarili ko sa couch namin
Sawang sawa na ako sa sitwasyon ko, I am so sick of being helpless! Dapat hindi ako yung babaeng nagpapacontrol at nagpapabugbog sa boyfriend ko, not only that I am the girl who seeks comfort with my teacher! I am the girl who lies! I am the girl who cheats! Yes I am the girl who is a bitch! I'm the girl that my younger self will never be proud of!
At kahit alam ko mali, at kahit alam ko hindi pwede pumunta pa din ako kay Hugo. Siya lang ang tao sa buhay ko na wala akong alinlangan sabihin ang lahat ng nangyayari sa akin, he gave me comfort, he makes me forget everything, he always let me feel that I am still worthy, tumayo na ako mula sa couch at inayos ko sa sarili ko, because I am going to meet my gorgeous and hot teacher, and I can't afford to look like a mess
After an hour, nag book na ako ng grab, buti na lang hindi masyadong traffic at nakarating ako agad sa bahay ni Hugo, nag doorbell ako agad and in an instant binuksan niya na ito. He is topless again, and I raked my eyes on his body, grabe I can't believe ito ang tinatago niya sa loob ng uniporme niya, his muscles are so refined and hindi ko maiwasan na haplosin ang mga ito
BINABASA MO ANG
LOVE IN THE WARMTH
RomanceAkala ni Elia na si Greg na ang makakatuluyan niya habang buhay, sino naman ang hindi makakaisip ng ganoon? He is best in everything he does, and naka line up na din ang buhay niya sa mga plano ng kanyang boyfriend. Not until she transferred sa scho...
