Kanina ko pa tinitignan ang pagkain nasa harapan ko kahit isang oras ko na to natanggap hindi ko pa din ginagalaw, tinignan ko din ang cellphone ko at kung gaano ko katagal na tinitignan ang pagakain ganoon din katagal ang paulit ulit ko pag basa ng text ni Hugo
Mr Hugo Calvin: Nagpadeliver ako ng food mo hanggang dinner na iyan, para hindi ka na magluto, rest ka ng mabuti, huwag ka na muna pumunta sa school, mag cold compress ka sa pasa mo, check mo yung isang paper bag pinadala ko siya with your food.
Dammit! Tinapos ko nga kung anong meron kami, pero bakit ganito? Why does he need to be caring and thoughtful? I can cook my own food, I can buy my own food! Hindi niya na kailangan gawin ito! Tumayo ako at tinignan ko ang isang brown paper bag at cold compress nga ang nandoon
Nagbuntong hininga ako, at naglagay na ng ice sa loob ng compress at ginawa ang sinabi niya, I know this will help for the swelling and all, ng matapos ko gawin iyon, kinain ko na ang food na binili niya sa akin actually this is too much, pwede ko pang food ito sa susunod na dalawang araw.
Surprisingly, Greg is is not bombarding me with texts and calls, kanina after ko mag shower nabasa ko ang text ni Amy sa akin na hindi nila nahanap si Greg, pero natawagan naman ni Paul at sinabi niya daw na nasa maayos naman siya.
The next day I decided to go to school, wala din naman akong gagawin kundi manood ng mga ball games, and maka update, nakita ko sila Amy at Leah sa cafeteria may pinapanood sa kanilang cellphone
Tumingin sila sa akin ng umupo ako sa harapan nila "Uyyyy Elia, kamusta? Ok na ba kayo ni Greg? Hinahanap ka niya sa amin since kahapon"
Umiling ako at ayoko muna pagusuapan siya, tinuro ko yung cellphone nila "Ano yan pinapanood niyo? Mukhang interesado kayo ah, tutok na tutok kayo"
Tumawa silang dalawa at binigay ang phone sa akin "Well pinapanood namin yung Q&A ng search, no doubt the crown is for Reize talaga" komento ni Leah
Since hindi ko nga natapos ang search kaya pinanood ko yung video, and truly Reize's answer is the best, totoo ang chismis she is really beauty and brains! She really deserves the title!
"Ano ba?! Ang gulo niyo! Dadaan kami oh!" May narinig kaming tatlo na tinig ng isang galit na babae kaya napatingin kaming tatlo doon
"May boyfriend na siya! Ayaw niya sa pangit! So excuse me lang ha! Dadaan kami, gutom kami!" galit na sinambit ni Bella, nakita ko sa likod niya si Reize na inaawat siya, tumawa naman sila Leah at Amy kaya tinignan ko sila
"I never thought may boyfriend si Reize" saad ni Leah
"Well, baka sinabi lang din ni Bella iyon dahil ang kukulit din ng mga boys! Lalo na yung mga seniors, hinihingi nila number ni Reize kay Bella, eversince nanalo kasi siya mas naging vocal na ang mga nag kakagusto sa kanya, haist girl crush ko talaga siya" sambit naman ni Amy, nagtawanan silang dalawa at nag apir
Just then bigla sila tumahimik, kaya sumulyap ako sa kanila, nasa harapan na namin si Greg, naka jersey siya at pawis na pawis katatapos lang siguro ng game nila
"Elia, magusap naman tayo" aniya, sa sinabi ni Greg bigla tumayo sila Amy at Leah
"Mauna na kami Elia, manonood kami ng championship ng volleyball, CAS vs COE" saad ni Leah, tumango naman ako ng kumaway sila, umupo si Greg sa harapan ko at tahimik kaming dalawa ng makita ko na wala na sila Amy at Leah tumayo ako at iniwanan siya
Naglakad ako na mabilis at pumunta ako sa may CAS building ito kasi ang pinaka malapit na building pag galing kang cafeteria, hindi ko alam bakit dito ako pumunta, pero nahuli naman ako agad ni Greg at hinila niya ako, nasa tapat kami ngayon sa isang classroom, of course walang tao ngayon nasa labas sila since intrams namin
BINABASA MO ANG
LOVE IN THE WARMTH
RomanceAkala ni Elia na si Greg na ang makakatuluyan niya habang buhay, sino naman ang hindi makakaisip ng ganoon? He is best in everything he does, and naka line up na din ang buhay niya sa mga plano ng kanyang boyfriend. Not until she transferred sa scho...
