Umalis sila mommy and daddy the next day, and I am stuck with Greg again, tinignan ko ang aking braso na ngayon may mga pasa sa pagkahawak niya sa akin kahapon.
Nanlumo ako sa realidad na hindi siya nagbago, hinding hindi siya magbabago, mali ako, umasa ako pero maling mali ako at hindi ko alam kung makakawala pa ako.
Sa sumunod na dalawang linggo, mas naging agresibo siya, lagi siya nagagalit sa akin sa simpleng bagay, katulad na lamang ngayon, ayaw ko pa pumunta bukas sa school para kunin ang grades ko at mag enroll, may pasa kasi ako sa gilid ng bibig ko at ayaw ko may makakita sa akin
"Ang tigas ng ulo mo Elia! Diba nga hindi kita papayagan na hindi makapagtapos?" At hinila niya ako muka sa kinauupuan ko
"Pero first day naman bukas, may limang araw pa, pwede sa last day na lang?"
Nagbuntong hininga si Greg at sinandal ako sa wall namin "bakit? Anong meron sa last day? Makikipag kita sa mga lalake mo ha?!"
"Greg nasasaktan ako" sigaw ko habang hinahawakan niya ang dalawang tagiliran ko
"Sabihin mo bakit hindi tayo pwede mag enroll bukas?!" sigaw niya, at lalo niya hinigpitan ang pagkahawak niya sa akin
"Oo na mag eenroll na tayo bukas" sagot ko, naramdaman ko ang pagka luwang ng hawak niya sa akin, at hinila niya ako sa kanyang dibdib
"Shhh tahan na hon" at pinunasan niya ang mga luha ko. Alam ko magkakapasa nanaman ako sa ginawa niya, and to be honest puno ng pasa ang katawan ko itong nagdaan dalawang linggo, mas naging matalino nga si Greg kasi sa may mga tagong parte ng katawan niya ako sinasaktan.
Ito lang pasa ko sa gilid ng bibig ko kahapon ang makikita ng tao which I can always say na tamaan lang ako ng poste or what, kaya gusto ko sana huwag muna pumunta sa school kasi ayoko na magsinungaling
"Alam mo naman kung bakit kailangan ko gawin iyon diba?" malambing niya sinasabi habang pinupunasan niya mga luha ko "ayaw lang kita mawala sa akin Elia, mahal na mahal kita"
I want to argue na hindi niya ako mahal, kasi kapag mahal niya talaga ako dapat ay hindi niya ako ginaganito. As for me, I don't love him anymore, I tried many times to tell him what I truly feel pero lagi niya na lang pinuputol at sasaktan kaya hindi ko matuloy tuloy ang sasabihin ko.
Hindi ko alam kung anong kaya niyang gawin sa akin the moment na hihiwalayan ko siya, hindi ko masabi sa mga magulang ko ang ginagawa niya sa akin dahil everytime tumatawag parents ko nakikinig siya, hindi ko kaya sabihin sa malalapit na kaibigan ko dahil lagi siyang nakabantay sa akin, at lagi niya chinecheck cellphone ko at naka login ang messenger ko sa cellphone niya
Feeling ko I am trapped in this maze and hindi ko alam kung makakalabas pa ako
Hugo was damn right! Greg just used the therapy card just to get what he wanted! Hindi ko alam kung totoo na bumisita siya sa therapist or did he really seek professional help, all I know is wala na yung Greg na minahal ko.
He turned into a vicious monster, that wants to have control over me and over my life, hindi na din ako nag dridrive ngayon kasi he wanted that he will take me every where.
"Tara na, para matapos tayo ng maaga" at pinulupot niya ang kanyang kamay sa bewang ko, I flinched from his touch, bago ako tumango at sumunod sa kanya.
The whole car ride sa school ay tahimik lang kaming dalawa, with the music being our background noise lamang. Nang nakababa na kami sa kotse, sinulyapan ako ni Greg
"Tangina naman Elia, bakit ka nakabusangot dyan, ngumiti ka nga, nakakabadtrip ha" bulong niya sa akin ng nilapitan niya ako, at inakbayan.
I forced myself to smile habang naglalakad kami para kunin ang grades namin, mas nauna kami pumunta sa kanya bago yung sa akin, at ng nakuha niya ang aking grade mas nauna pa siya tumingin
BINABASA MO ANG
LOVE IN THE WARMTH
RomanceAkala ni Elia na si Greg na ang makakatuluyan niya habang buhay, sino naman ang hindi makakaisip ng ganoon? He is best in everything he does, and naka line up na din ang buhay niya sa mga plano ng kanyang boyfriend. Not until she transferred sa scho...
