Kabanata XLVI

2.1K 28 0
                                        


"And the winner is Hugo!" At tinaas na ng announcer ang kamay ko, ngumiti ako at tinignan ang duguan kong kalaban na nakahiga sa gitna ng ring, malaki laki ang makukuha ko dito since championship game ito at marami ang pumusta sa akin

Growing up naitatak sa utak ko na kailangan ko mag banat ng buto para mabuhay, maaga namatay ang nanay ko at walang gusto umampon sa akin dahil seven years old na ako noon, at mas gusto nila yung mga mas bata ampunin, noon una medyo sumama pa ang loob ko and I think low of myself lalo pa na pinagpapasahan ako sa mga foster homes

Hindi madali ang naging buhay ko, minsan na bubogbog ako sa mga foster homes na napupuntahan ko at ang tanging takbuhan ko ay yung bahay ampunan sa labas ng Maynila

"Jusko Hugo pasok ka!" Sigaw ni sister ng makita ako sa labas na puro dugo ang mukha at agad naman nila binuksan ang gate para makapasok ako

"Binugbog ka ba nila ulit hijo?" Maluha luha sambit ni sister Chary, hindi ako umimik at umupo ako agad sa upuan dito sa kusina, agad naman ako nila binigyan ng pagkain at agad ko ito kinain

"Naglakad ka ba ulit papunta dito bata ka?" Tanong muli ng madre, tumango lamang ako habang kumakain ako, nagbuntong hininga na lamang si sister at tinawagan ang DSWD para sabihin ang nangyari sa akin, at simulan noon hindi na ako pinapa foster home ng DSWD

Pinagaral nila ako hanggang senior high, and nag offer din ang bahay ampunan nila sister Chary ng scholarship for my college education, pero nag desisyon na lang ako tumayo sa sariling ko mga paa

"Sigurado ka ba dyan Hugo?" sabi ni sister Chary ng sinabi ko na gusto ko mangyari

"Opo sister, eighteen na po ako makakahanap na ako ng trabaho at pagsasabayanin ko po ang pag aaral ko, gusto ko tuparin ang pangarap ko at pangrap ni mama" seryoso ko sinabi kay sister, hinawakan naman ni sister ang kamay ko at tumango

"Ikaw bahala Hugo, kawaan ka ng Diyos, sa dami ng pinagdaanan mo alam ko hindi ka niya papabayaan" meron kinuha si sister sa bulsa niya at isa itong makapal na envelope

"Ito, paninimula mo Hugo nag pa fund raising kami para sa'yo dito bilang regalo namin at ng mga bata sa pagkaka graduate mo sa senior high" at binigay sa akin ang envelope, binilang ko ang laman nito at nagulat ako

"Sis-ter hindi ko matatanggap ito, alam ko maraming pangangailangan itong bahay ampunan mas kailangan niyo po ito" at binalik ang envelope sa kanya

"Hindi Hugo maraming sponsors ang bahay ampunan, mas kailangan mo ito, panimula mo, tandaan mo maghahanap ka ng titirahan mo kailangan mo mag advance ng renta at kailangan mo din kumuha ng requirements para sa trabaho mo and kailangan mo din ng pera para sa pagkain mo hindi ka naman agad makakahanap ng trabaho eh" sabi naman niya

Lumunok ako at napagtanto ko tama si sister kaya kinuha ko ang envelope mula sa kanya "babayaran ko po ito sister kapag makaluwang luwang na po ako, maraming salamat po" at niyakap ko si sister Chary

Kaya andito na muli ako after nanalo ako sa sparring kagabi, gaya nga ng sinabi ko medyo malaki nakuha ko mula doon, nabayaran niya ang buong second semester ko at may tirang pera pa ako para maabot ko kay sister, sabi nga nila malayo pa pero malayo na.

"Nakipagsuntukan ka nanaman" matalim na sinambit ni sister, tumawa naman ako at umiling

"Sparring sister, sport po ito" pangangatwiran ko kay sister "tsaka malaki din kasi ang nakukuha kong pera doon po eh"

"Malaki nga! Pero puro bugbog ka naman, cook ka naman Hugo, sapat naman siguro iyon para sa'yo, ikaw na ang nagsabi na mabait ang mga amo mo doon sa restaurant na iyon" pagpapaalala ni sister sa akin, huminga ako ng malalim

LOVE IN THE WARMTHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon