"Do you think kaya ni sir Calvin ayusin ito mama? And kailan pa niya naging business partner si tito Lucas?" Tanong ni Greg, nakita ko nagkatinginan sila Barrett at Brandon, tila ba meron silang inside joke between them
"Well when this hotel is in brink of bankruptcy because of the pandemic, nag desisyon ang tito mo na maghanap ng investor, una niya inoffer ito kay engr Prieto, but he decided na sa kapatid niya na lang" sagot ni tita Dahlia
"Kapatid ni Engr Prieto si sir Calvin?!" Gulat na sinabi ni Greg, so wala talaga nakakaalam masyado ang tungkol dito ha
"Yes kid kapatid niya sa ama, you seem surprised?" Sagot ni Barrett, tumingin si Greg sa kanya and I saw that his jaw clenched, pero hindi naman umimik si Greg
"Anyways, anong nangyari sa mata mo Elia?" Biglang tanong ni Brandon, tita Dahlia drank from her glass para ba kinakabahan sa tanong ni Brandon
"Nahulog ako sa hagdan" I nonchalantly replied, tumaas ang kilay ni Brandon
"Grabe naman yung hagdan niyo at ganyan nangyari sa mata mo" komento naman ni Barrett
"Wala ako magagawa eh lampa ako" and laughed, trying to diffuse the tension in the air, nagbuntong hininga si Greg at bigla niya ako inakbayan
"Well, don't worry inaalagaan ko naman siya" sabi niya, nakita ko nag kibit balikat ang dalawa, nakita umiling ang dalawa at wala naman sinabi, sakto naman tinawag ni tito si tita Dahlia at napa excuse siya at pumunta na sila doon
Bumalik si Hugo na nakangiti na para bang walang problema hinarap kanina, nakita ko naman na nag apiran silang tatlo, narinig ko naman nag buntong hininga si Greg sa tabi ko, hindi nagtagal bumalik na din sila tita Dahlia at tito Lucas
"Greg, Elia, I am sorry to do this, pero this is the only solution we have" paninimula ni tita Dahlia, pareho kami ni Greg tumingin sa kanya na nagtataka
"Hugo and the Mercedes brothers will be sleeping at your room, sasamahan ko na din kayo para hindi awkward kay Elia na puro lalaki ang kasama niya sa kwarto" at ngumiti si tita sa akin
"What?! That's absurd mama, bakit kailangan nila matulog sa amin?" Galit na sinabi ni Greg, nagkatinginan sila tita at tito at tumango si tito Lucas kay tita
"I am sorry Greg, but we need to do it because of the governor's son, it will be greatly affect the hotel's reputation if hindi namin gagawin iyon" sambit ni tito Lucas "in fact I am grateful to Hugo and his friends that they are willing to give up their rooms"
"Sorry Elia ha" at kinuha ni tita ang kamay ko "first time mo pa naman dito sa Ilocos" aniya
Umiling ako kay tita and genuinely smile at her, I am dreading kanina about sleeping alone with Greg, pero this is such a blessings in disguise, ang maganda pa kasama ko si Hugo sa room kahit na madami kami pero at least alam ko hindi ako magagalaw ni Greg
"Okay lang iyon tita, I understand" sagot ko
"Thank you so much iha, nag padagdag na ako ng apat na mattress sa room niyo" saad ni tito, at tumingin kina Hugo at sa magkapatid "pinalipat ko na din ang mga gamit niyo sa kwarto nila Greg, pasensya na talaga and thank you so much sa pagunawa" dagdag ni tito
"No problem Mr. Nalupta, you know naman this is my business too, kaya I will do everything to protect it" maligayang tugon ni Hugo, at tumingin sa akin at ngumiti, I smiled back and Greg saw it, kaya agad ko iniwas ang tingin ko kay Hugo
After ng dinner namin, sumali sa amin ang anak ng governor, at pinakilala naman kami ni tito Lucas sa kanya
"Ang ganda ng fiance mo Greg ha" komento ni Mario Garaza, ang anak ng governor, tumingin siya kay Hugo at nag high five silang dalawa, at tumawa sila Barrett at Brandon
BINABASA MO ANG
LOVE IN THE WARMTH
RomansaAkala ni Elia na si Greg na ang makakatuluyan niya habang buhay, sino naman ang hindi makakaisip ng ganoon? He is best in everything he does, and naka line up na din ang buhay niya sa mga plano ng kanyang boyfriend. Not until she transferred sa scho...
