I've been staring at the ring Greg gave me, tinanggal ko ito the moment na hinatid niya ako sa bahay. I felt indifferent looking at it! I know Greg is trying his best to be better for me, pero he is still controlling.
Now, he wanted me to work at their company after graduation, I was always vocal sa kanya that I wanted to be a free lancer, I want to go to places and write about my experiences about it, not to sit on a swivel chair and do 8-5 job!
Nakatulog ako kakaisip kung paano ko kukumbisihin si Greg na pagisipan niya mabuti lahat tungkol sa mga plano niya sa amin
Thankfully Greg let me drive with my car, though sometimes I feel he wanted to say something about it, pero wala naman siya komento.
Nasanay na din ako na hindi ako pinapansin ni sir Calvin, yes I started to call him formally again, para maalala ko na he is off limits! Para matauhan ako na we have boundaries that we should not be crossing.
"Nasaan ang singsing mo?" Biglang tanong ni Greg sa akin isang araw, pauwi na kami at naglalakad na kami papuntang parking lot
"Hindi pa kasi ako sanay Greg" hindi ko alam bakit ayaw ko malaman ng karamihan na engaged na kami ni Greg, I mean hindi naman talaga engaged na engaged kasi hindi naman niya ako tinanong
"Paano ka masasanay kung hindi mo lagi sinusuot hon? Bukas dapat makita ko na suot mo na iyon" I tried to think na malambing ang pag kakasabi niya pero hindi eh. He sounded like he is threatening me
Huminga ako ng malalim at binuksan ko ang kotse ko, pero agad sinarado na padabog ni Greg ito "Elia! Gusto ko makita ko na suot mo na ito bukas!" nagulat ako sa tono ng boses niya kaya napalingon ako
Nakita ko na nanginginig siya at nakapikit ang mata niya at tumalikod siya sa akin, hindi ko alam pero bigla tumindig ang mga balahibo sa batok ko, ng humarap siya mas kalmado na siya at niyakap niya ako
"I am sorry for shouting at you, suotin mo na lang bukas please?" tumango na lamang ako sa sinabi niya, kaya lagi ko na suot ito, kahit labag man sa kalooban ko
Three days na lang at matatapos na ang first semester, at hindi pa din ako tinatawag ni sir Calvin para sa TA tasks ko, hindi niya na ba talaga need ng TA? Pero nasagot agad ito ng lapitan ako ni Axel
"Elia, hello kamusta ka na?" sabi niya, pareho kasi kami ng course kaya lahat ng subjects mag classmate kami
"Okay lang, sana matapos na ng finals para makahinga hinga naman ako" sabi ko sa kanya, tumawa naman siya at nilapit ang upuan niya sa akin
"Kaya nga eh. Elia may tatanungin ako sa'yo hope you don't mind"
"Shoot" sabi ko sa kanya, ngumiti naman siya at uminom muna sa kanyang lemonade
"Anong nangyari sainyo ni sir Calvin? Diba ikaw ang assistant niya?" tanong niya sa akin, nagulat naman ako sa sinabi niya, hindi ito ang inexpect na tanong ko mula sa kanya
"Uhm, the last time na pumunta ako sabi niya hindi naman niya need pa kasi konti na lang load niya eh so wala siya ipapagawa sa akin" nag kibit balikat ako
"Talaga? Sinabi niya iyon? Pero ang dami naman niya pinapagawa sa akin" aniya na may pagtataka sa boses niya, nagulat naman ako sa sinabi niya
"Paano mo nasabi?" Pero parang may idea na ako
"Kinausap niya kasi ako kung pwede ako maging TA niya, sympre tatanggi pa ba ako? Magandang ilagay sa credentials natin na naging teacher assistant tayo" aniya
Naghuhumerentado na ang puso ko, and my hands began to sweat "kailan ka pa niya naging TA?" tinanong ko with my shaky voice
"Four weeks ago? Bakit?" aniya, huminga ako ng malalim. Four weeks ago yung sinabihan ako ni sir Calvin na huwag na muna ako pumumta sa opisina niya! Kaya pala ganoon ang sinabi niya dahil balak niya na pala ako palitan!
BINABASA MO ANG
LOVE IN THE WARMTH
RomanceAkala ni Elia na si Greg na ang makakatuluyan niya habang buhay, sino naman ang hindi makakaisip ng ganoon? He is best in everything he does, and naka line up na din ang buhay niya sa mga plano ng kanyang boyfriend. Not until she transferred sa scho...
