"Sa akin ka uuwi sa mga susunod na araw" pilyong ngiti ni Hugo sa akin
Naghuhuramentado ang puso ko sa sinabi niya, and I can't help but to feel excited about it, hinaplos niya ang aking mukha kaya napatingin ako sa kanya
"Kung gusto mo lang naman" agad niya sinabi.
Alam ko hindi dapat namin ginagawa ito, pero what else we can do, we are two stubborn individuals! Ngumiti ako sa kanya at tumango.
"I would love that" malambing na sagot ko sa kanya, ngumiti naman siya and in no time our lips are locked together once more, and in that kiss all the pain that I felt earlier vanished, I really feel safe when I am with him, hindi ko talaga alam ang gagawin ko kung hindi ko nakilala si Hugo tapos sinasaktan ako ni Greg.
Nagising ako sa isang mainit na halik ulit ni Hugo, hinarap ko siya at nakita ko na nakabukas na ang kanyang mata at nakangiti sa akin, hinaplos ko ang kanyang mukha at ngumiti din
"Kamusta ang tulog mo?" Tanong ko naman, narealized ko this is the first time na meron lalaki nag overnight dito sa kwarto ko, Greg never do overnight dito sa room ko, most of the time sa bahay nila ako nag oovernight.
"It was nice, I told you I always sleep well kapag katabi kita" aniya at mahigpit niya ako niyakap
"You know I don't know what to say" agad ko sinagot, tumawa naman siya at hinalikan ang pisngi ko, hindi ko talaga alam anong ibig sabihin niya doon sa sinabi niya
"Basta masarap matulog kapag ikaw ang katabi ko" malambing niya sinabi "tara breakfast na tayo? Anong oras first period mo?"
"Since Thursday ngayon ten naman, ikaw?"
"Eight o'clock ako baby eh, so we need to have breakfast na, dadaan pa ako ng bahay para maligo at magpalit, magdridrive ka ba ngayon?" Tanong niya
"Yes! After how many months" masaya kong tinugon
"That's nice! Tara baba na tayo" at hinila niya na ako mula sa kama ko, habang nagluluto ako tumawag si Greg at niloud speaker ko iyon, tahimik naman si Hugo sa tabi ko habang nag brebrew ng coffee
"Andito na kami sa Singapore hon, and I want to say sorry for what I did yesterday, ikaw naman kasi you hurt me" aniya, nagbuntong hininga si Hugo sa tabi ko kaya marahan ko siya siniko and I pressed my index finger on my lips signaling him to keep quiet
"You hurt me too, actually you hurt me first" pagpapaalala ko sa kanya
"Still you hurt me Elia, you know naman bakit ginawa ko iyon, I don't want to loose you and that's the only way for you to realized that" mahinahon niya sinabi iyon, nakita ko umirap at napa snort pa si Hugo doon sa sinabi ni Greg
"Greg it doesn't matter you still are hurting me, akala ko ba nagbago ka na?" Matapang ko sinagot, naramdaman ko na lang ang pagyakap ni Hugo sa likod ko, tila ba pinapakalma niya ako
Nagbuntong hininga si Greg at matagal siya sumagot ibaba ko na sana ng bigla siya nagsalita "I am trying my best to fix our god damned relationship Elia, pero ikaw ang hindi nakiki cocooperate, now if I will say sorry, are you going to forget our argument yesterday? Kasi ako pinatawad na kita sa pagsampal mo sa akin" mas maalumanay na ang kanyang pagsalita sa akin
BINABASA MO ANG
LOVE IN THE WARMTH
RomanceAkala ni Elia na si Greg na ang makakatuluyan niya habang buhay, sino naman ang hindi makakaisip ng ganoon? He is best in everything he does, and naka line up na din ang buhay niya sa mga plano ng kanyang boyfriend. Not until she transferred sa scho...
