Alas kwatro na naka balik na kami sa school, hinitay ko bumaba lahat ng classmates ko bago ko kinausap si Hugo
"Bakit mo ako binilhan?" Pagtataray ko sa kanya habang tinitignan ko yung bag kung nasaan puno ito ng mga products doon sa outdoor museum
"Sabi ko naman huwag ka na magselos doon sa babae kanina" ito ang sagot niya, napasinghap ako at luminga linga sa loob ng bus at baka meron pa estudyante na iwan!
"Hindi ako nagseselos!" Matapang ko sinabi, tumawa naman siya at binuhat niya na ang mga bags kung nasaan ang mga libro at products na binili niya para sa akin at para sa sarili niya
"Baba ka na at baka makahalata pa sila, uuwi ka na ba?" Tanong niya, kinuha ko agad ang para sa akin at tumango
"Hinihintay na ako ni Greg sa parking lot" sabi ko sa kanya, nag buntong hininga naman siya at tumango
"Sige balitaan mo ako agad ha" aniya, tumango naman ako at bumaba na without glancing kay Hugo, alam ko ang ibig sabihin niya doon, ngayon ko na kasi tatapusin ang lahat sa amin ni Greg, nilapag ko muna ang mga bitbit ko sa may lupa ng makababa ako mula sa bus at binunot ko yung singsing ni Greg at sinuot ko muna, I don't want to get to his bad side first before dropping the bomb
Hindi nagtagal agad dumating si Greg sa akin "Honey! I miss you so much!" Sigaw niya at tinakbo niya ang distansya namin at agad niya ako niyakap, binuhat niya ako at inikot, if this waas before matutuwa pa ako, my eyes automatically landed at Hugo who is looking at Greg indifferently
"Dami mo ata binili" sabi niya ng makita niya ang mga paper bags na nasa paanan ko
"Ay oo, I bought books and then yung mga products doon sa outdoor museum" tipid ko sagot, agad pinulot naman ni Greg ang mga paper bags at agad niya na ako niyaya pumunta sa sasakyan niya I made one last look at Hugo who is staring at me right now and he nodded, ngumiti ako ng tipid at sinundan ko si Greg
All the way back to our house, my heart is hammering so hard, hindi ko alam paano sisimulan sabihin kay Greg but I am still determined to end everything now, ng narating namin ang bahay, agad siya bumaba at kinuha ang mga pinamili ni Hugo para sa akin, at napansin ko din ang mga ibang paper bag na kinuha niya mula sa likod
Sabay kami pumasok ni Greg sa bahay, nilapag niya ang mga bitbit niya sa couch namin at agad niya ako niyakap mula sa likod, I flinched from his touch, I took a deep breath bago ako humarap sa kanya
"Greg we need to talk" paninimula ko, ngumiti naman si Greg at agad ako hinalikan! I did not respond of course, I don't like to kiss him anymore, my lips belongs to someone else now
"Is there something wrong hon?" Malambing niya sinabi, at umupo kami sa may couch
"I wanted to say something Greg I-" pero hindi niya ako pinatapos kasi bigla hinila ni Greg ang aking kamay
"Daddy already arranged your slot para sa OJT mo next semester, and I am so excited about it hon! Ang dami ko din natutunan sa Singapore, I suggest dad na dalhin kita this summer doon, while I am taking short course para hindi kita masyado mamiss, and of course pumayag siya!" Masaya niyang sinambit, nagulat ako sa sinabi niya, I temporary forgot yung sasabihin ko sa kanya
"Pero Greg I need to tell you something!" Paguulit ko, ayoko na umasa siya sa akin na mag o-ojt pa ako sa kanila, and sasama sa Singapore!
"Wait lang hon, mamaya na iyan tignan mo mga binili ko for you!" At tumayo siya at kinuha ang mga paper bags, binilhan ako ng bag, sapatos at dress ni Greg, he looks so happy habang binibigay niya sa akin ito, and in that moment I was able to had a glimpse of the Greg na minahal ko.
"See that hon, bagay ng color ng dress sa balat mo, and looked at the shoes, pareho tayo ng style the only difference is that I had it in blue, and you had it in pink, that's your favorite color right?" Aniya, I looked at the things he gave, if this was before I already hugged him so tight and thanked him, pero everything feels foreign to me now.
BINABASA MO ANG
LOVE IN THE WARMTH
RomanceAkala ni Elia na si Greg na ang makakatuluyan niya habang buhay, sino naman ang hindi makakaisip ng ganoon? He is best in everything he does, and naka line up na din ang buhay niya sa mga plano ng kanyang boyfriend. Not until she transferred sa scho...
