Kabanata XIV

2.6K 36 1
                                        


"Please Elia, pakinggan mo naman ako oh" pagsusumamo ni Greg sa labas ng bahay, ng maihatid ako ni Hugo dito hindi nagtagal bigla dumating si Greg, buti nga hindi sila nag pang abot!

Kaya ito ngayon ako tinutulak ko ang pintuan para maisara ito, pero tinutulak din ni Greg ito mula sa labas kaya hindi ko maisara sara

"Lasing ako noon gabi na iyon, promise hindi mauulit muli" alam ko may mali din ako noon gabi iyon, pinagtaksilan ko siya by going to Hugo's place, but I don't think the mistakes can compare!

"No, lagi na lang ganito Greg! Alam mo kasi na kayang kaya kitang patawarin kaya lagi mo na lang ako sinasaktan! Wala kang karapatan gawin sa akin ito!" giit ko, pinangako ko sa sarili ko na unless he changed, I mean really changed and do something about himself then hindi ako magpapauto sa kanya!

Bigla humina ang kanyang pagkatulak sa pintuan kaya natigilan din ako "Paano kung I get help professionally?"

Sinilip ko siya mula sa pintuan "Are you going to see a therapist?"

Tumango siya "may kakilala si papa, tanungin ko siya kung matutulungan niya ako"

"Seryoso ka dyan?"

"Gagawin ko ang lahat para sa'yo Elia, hindi ko na din kilala ang sarili ko. Please give me another chance" Pagmamakaawa niya

Kung magbabago siya, at kung seseryosohin niya ang sinabi niya that he needs professional help, and if he really stop the abuse, that's the only time I can forgive him. We can go back to be the happy couple we were once before.

But there's Hugo, I can't deny that we have something special, but at the end of the day we can't be together, we are so taboo to begin with! Si Greg is the one for me, at kung bumalik siya sa dati niyang sarili, then my feelings will return too

"Okay, pero while you are doing the things you need to do, I need space until you get better at nagbago ka na talaga" kung irerespect niya itong desisyon ko then baka may chance pa kami

"Ok-ay honey...that's all I wanted to hear...I love you"

My breath stop when I heard him say I love you, hindi ko alam pero it feels weird hearing him say that now, when did I feel this way? Napatikom ang bibig ko bago ako sumagot ng "I love you too"

Last day ng intramurals ngayon at hindi ako pumunta, gusto ko sana matulog ng matagal kasi alam ko magpupuyat na ako sa mga susunod na araw dahil sa midterms namin pero ang ingay ng doorbell namin! Sino kaya itong asungot na ito

Nag bra na muna ako at nagsuklay bago bumaba sa kwarto ko, at asar ako binuksan ang pintuan namin, may nakatayo ngayon isang babae at lalaki naka hawak ng isang clip board at gamit ang isang umiform ng sikat ng car dealership

"Maam hinahanap po namin si Ms. Aelia Suvi Frias" sabi ng babae

"Ako po iyon, bakit po?" Tanong ko sa kanila, ngumiti ang lalaki at binigay ang isang susi

"Dinidiliver namin ang bagong sasakyan niyo po" maligayang sinabi niya at inabot ang susi sa akin, tumingin ako sa likod nila at may nakita ako naka park na isang silver Honda Accord!

"Si-gurado po ba kayo sa akin ito?!" hindi ako makapaniwala may sarili na akong sasakyan! Noon umiwi sila mommy last time, tinulugan ako ni daddy para sa lisensya ko, seryoso ako noon sinabi ko kay Greg na kukuha ako ng lisensya ko, ayaw man niya o gusto.

"Yes maam, pirma ka na po dito para masimulan mo na itest drive ang sasakyan mo" maligayang nila binati at ng nakapirma na ako, agad sila nag paalam at umalis.

Tinitignan ko ang bago kong kotse hindi ko alam kung naka lay over ngayon sila mommy at daddy pero gusto ko na sila matawagan, sino pa ba ang magbibigay sa akin ng kotse kundi sila! Kaya binunot ko ang cellphone ko at nag type ako sa messenger ko

LOVE IN THE WARMTHMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon