Habang tinatahak ng grab ang papunta sa bahay, hindi ko maalis alis sa isipan ko ang nangyari sa amin ni sir Calvin kanina, para ito isang pelikula na nag plplay sa utak ko.Hindi niya kayang iparamdam sa'yo ang kaya kong ipadama sa'yo. Paulit ulit na lang ito nasa utak ko, at hanggang ngayon kahit iniisip ko lang ang nga sinasabi niya tumatayo pa din ang mga buhok ko sa batok ko, hindi din ako makapaniwala na yung professor na crush ng lahat, yung gwapong professor na iyon, yung hot ng professor na iyon ay hinalikan ako.
Hinayaan ko lang na gawin niya sa akin iyon, at feeling ko ramdam na ramdam ko padin ang labi niya sa labi ko, hinawakan ko ang lips ko, at nilalaro ng daliri ko ito, I will be lying if I will say it did not felt good, because Gooooddd it really do, and the worst part of it? Hindi ako nagsisisi
Nakarating na ako sa bahay namin at binuksan ko ito, pero agad ako natigilan ng makita ko si Greg na nasa loob na, mas mauna pa siya nakarating kesa sa akin! Nilalaro niya na yung spare key ng bahay namin habang nakaupo na siya sa couch
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko, seriously kailangan ko na ata kunin yung susi na binigay ko sa kanya, alam ko boyfriend ko siya, pero ayoko naman na basta basta na lang siya pumupunta dito na hindi ko alam
"Sorry if I let myself in" aniya, nagbuntong hininga ako at umakyat papunta sa kwarto ko, he followed behind me na mas lalo ko kina inis.
Umupo ako sa kama ko habang nakatayo lang siya sa gilid "hindi ko lang kasi ineexpect na andito ka" sabi ko habang tinatanggal ko ang sapatos ko, dalawang beses ko na sinabi sa kanya na kailangan ko ng space, pero andito siya coming in my house unannounced
Nang lumapit si Greg sa akin agad ako tumayo at pumunta sa closet ko, kinuha ko ang pambahay ko at pumasok sa CR ng kwarto ko para magpalit, hindi ko ba alam bakit dito ako ngayon nag papalit, usually naman hindi ako naasiwa mag palit sa harap ni Greg, pero ngayon it felt so odd for me to have him watch me to change
"Hindi mo sinasagot ang mga text at tawag ko" aniya pagkalabas ko ng banyo, nakaupo na siya sa gilid ng kama ko nilagay ko yung uniform ko sa hamper, umupo ako sa harap ng vanity mirror ko at sinuklay ko ang buhok ko
Narinig ko nag buntong hininga si Greg ng hindi ako sumagot sa kanya "Hindi ko alam Elia ang gagawin ko para makabawi ako sa lahat ng mga ginawa ko sa'yo" pag amin niya
Naging honest ako kay sir Calvin kanina ng sabihin ko hindi ko kayang iwanan si Greg, pero hindi ko din alam kung paano ka siya papatawarin "Hindi ko din alam Greg...ang laki ng pinagbago mo, hindi na kita kilala" at nilingon ko siya
Nagulat ako at nakita ko umiiyak siya "takot lang ako mawala ka sa akin Elia, just thinking na mawawala ka na iiwanan mo ako sobra ako nagagalit, tapos nakikita ko na unti unti mo na ginagawa mag - isa ang mga bagay na nasanay ka gawin na kasama ako. Hindi mo ako maaring iwan Elia" at patuloy siya umiiyak
Tumayo ako at lumapit sa kanya, tumabi ako at hinila ko siya patungo sa dibdib ko, lalo siya umiyak sa ginawa ko habang hinahaplos ko ang kanyang likod "shhh..tama na.." bulong ko, inalo ko siya habang patuloy siya umiiyak
"I'm sorry Elia" patuloy ko padin hinahagod ang likod niya "mahal mo pa ako?" tanong niyan in between his sniffle
"Oo naman Greg" sa sagot ko iniangat niya ang kanyang ulo "hindi kita iiwanan" paninigurado ko sa kanya
At alam ko iiwanan mo din siya, iiwanan mo siya dahil handa ka na iwanan siya. Bigla ko na lang narinig ang mga sinabi sa akin ni sir Calvin kanina pero I ignored it. Hindi ako handa iwanan si Greg..at hindi ko alam kung magiging handa ako.
Umayos ng upo si Greg at hinila ako para halikan niya ako, tumugon naman ako sa kanyang mga halik "Mahal na mahal kita Elia" at tinulak niya ako sa kama ko at napahiga ako, pumatong siya sa akin at sinumulan na niya halikan ang leeg ko, gustong gusto ko ang paghalik niya sa akin, it so familar at sanay na ako sa mga halik niya
BINABASA MO ANG
LOVE IN THE WARMTH
RomanceAkala ni Elia na si Greg na ang makakatuluyan niya habang buhay, sino naman ang hindi makakaisip ng ganoon? He is best in everything he does, and naka line up na din ang buhay niya sa mga plano ng kanyang boyfriend. Not until she transferred sa scho...