Kabanata XLVII

2.2K 27 0
                                        


Nagpatuloy ako nag aral, and sinagot na ni kuya ang pag aaral ko, ayaw ko man pero kailangan ko na din tanggapin ang offer niya kasi mag prapractice teaching na ako at mababawasan ako ng oras para makipag drag race, ng malaman kasi ni kuya na isa ito sa mga pamamaraan ko para magkapera ay medyo nagalit siya

"I told you Hugo, hindi ka na magisa, hayaan mo na tulungan kita, please" pagsusumamo niya, kaya wala na ako nagawa kundi pumayag.

Masaya ako sa pagtuturo at napatunayan ko ito na ng practice teaching ako, secondary education ang kinuha ko kaya high school students ang hawak ko ngayon, pero sobrang sakit ng ulo ko dahil halos lahat ng babae estudyante ay nakikipag flirt sa akin, tangina sila pa ata ang dahilan kung bakit mauudlot ako maka graduate

Aside sa mga estudyante, pati mga ibang single na babae sa faculty ay nakikipaglandian sa akin, to be honest hindi ko priority ang mag babae, grabe naghihirap na nga ako tapos mag gigirlfriend pa ako? Feeling ko kasi if you will have a girl friend dapat you can take care of her, and yes that's including having money, hindi ko gets talaga ang mga ibang lalake na wala na nga trabaho, tapos tambay pa then nakukuha pa nila manligaw, or maka girlfriend, sorry but ang kapal naman nila.

And the moment that I've been waiting for my graduation, laking pasasalamat ko kay kuya at nag attend siya ng graduation ko, actually seven years ang age gap namin ng kuya ko pero tumayo siyang bilang ama ko, hindi ko sukat akalain na matatanggap niya ako.

Ako ang sumira ng pamilya nila, ako ang dahilan kung bakit hindi na naging maganda ang pagsasama ng mga magulang niya pero hindi siya nagtanim ng galit sa akin. Nalaman ko din sa kanya na matagal na din niya alam na meron siyang kapatid, at gusto daw niya ako hanapin noon pero hindi niya alam kung saan magsisimula

"Congratulations Hugo! Finally graduate ka na, ano kukunin mo na ba ang posisyon mo sa kompanya?" Aniya, since nalaman ko na anak ako ng daddy ko, lagi na inoffer ni kuya na mag work ako sa kompanya nila, ang sinasabi ko naman na hindi muna ngayon since nag aaral pa ako, pero ngayon na graduate na ako heto kinukulit ulit ako ni kuya

"Kuya, alam mo naman na hindi ko kompanya iyon, sa inyo iyon ni daddy, tska gusto ko muna mag board exam" sabi ko sa kanya, nagbuntong hininga si kuya at tumango

"Ikaw bahala, maghanap ka ng pinaka the best na review center, ako na bahala" sabi niya habang nag ddrive siya, papunta kami sa isang restaurant daw para icelebrate ang graduation ko

"Mag self review na lang ako kuya" no need na mag aksaya ng pera para lang mag review, kung kaya ko naman na mag self review

Umiling si kuya at sinulyapan ako "no Hugo you will review sa best review center here in the country" maawtoridad niya sinabi, hindi na lang ako pumalag at pumayag na lang sa gusto ni kuya, and the day of the results for licensure exam for teacher came, at sobrang kaba ko habang tinitignan ko ang pangalan ko, andito ako sa may staff room ng housekeeping ng makita ko ang pangalan ko!

Calvin, Houston Giovanni

Tumayo ako para ibalita kay kuya, pero nagulat ako at pinuntahan niya ako sa staff room at nakangiti ako niyakap! "Nakapasa ka Hugo! Congrats! Meron na akong LPT na kapatid!" Maligayang tugon niya, niyakap niya na ako, and hindi ko aakalain talaga na ganito mangyayari sa buhay ko

Akala ko magisa na ako forever sa buhay ko, at napaka swerte ko na meron akong kuya na mapagmahal at maalagain, kaya kahit maraming hirap ang dinanas ko nagpapasalamat pa din ako sa Panginoon dahil hindi niya ako pinabayaan

"This is my gift for you!" Sabi ni kuya kinagibahan ng announcement ng board exam ko, andito kami sa isang italian restaurant para icelebrate ito

Inabot niya sa akin ang isang maliit na box at tinanggap ko naman ito "hindi na kailangan kuya" sabi ko habang binubuksan ko ito, at nakita ko na isang susi ito na meron nakatali na malaking ribbon

LOVE IN THE WARMTHMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon