Lumipad na ang eroplano namin, and nakatingin lang ako sa window, ang ganda lang talaga ng himpapawid kapag gabi, this is my first time to go to Ilocos, I should feel excited about it, if Greg is not my companion right now, maybe masaya pa ako.
"Anong ang iniisip mo?" biglang tanong ni Greg sa akin
"Ninenerbyos ako in meeting your mom" pagsisingungaling ko, pero sa totoo hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, I never had the opportunity to meet his mom.
"Don't be, gustong gusto ko na meet mo siya the moment naging tayo, pero hindi lang tayo nagkaroon ng pagkakataon" yeah, the moment na naging kami, the moment that changed my life.
"Bakit naman?" pagtatanong ko
Nagkibit balikat si Greg "alam mo naman gaano kaimportante si mama sa buhay ko, and the moment I met you I knew you were important to me too" I held my tongue not to speak, really? Importante ako sa kanya? Siguro before, pero ngayon hindi ko na alam
Hindi ako umimik at ngumti na lamang tinignan ni Greg ang mata ko at hinaplos niya ito "your eye looks much better" I know he is trying to make me feel better, pero wala talaga itong epekto na sa akin
"Maglalagay ulit ako ng concealer" sabi ko at tumingin ako ulit sa bintana, tinignan ko ang oras sa phone ko, only fourty minutes to go. Isang oras lang naman itong flight na ito
Pagbaba namin sa eroplano agad kinuha ni Greg ang kamay ko, and while hinihintay namin ang baggage namin, tinignan ko ang mata ko at nag re-apply ng concelear. Paglabas namin, meron isang matangkad na babae, na sumigaw sa pangalan ni Dean.
She looks sophisticated, and nakuha ni Greg ang kanyang ilong at kaputian, pumunta kami agad doon at agad niya niyakap si Greg "you look so grown up! Grabe ang bilis ng panahon! Kamusta ka na anak?!" halata mo excited siya makita ang kanyang anak, sobrang higpit ang pagkayakap niya kay Greg.
Ng binatawan niya hinawakan niya ang balikat ni Greg at tinignan niya Ito "Okay lang po ako mama" Sagot ni Greg, tuluyan na binitawan ng mama niya si Greg at tinignan niya ako
Ngumiti siya at nagulat ako ng bigla niya ako niyakap ako "You must be Elia" and she put me in arms length "anong nangyari sa mata mo?"
"Nahulog po ako sa hagdan two weeks ago, I was really hoping it went away by now" and I let out a fake laugh, para kapanipaniwala. Hindi siya sumagot, at pinagpatuloy niya lang ang pagtingin sa aking mata, kaya nag change na lang ako ng topic "Anyway, it's really nice to meet you Maam"
"Ano ka ba Elia, tita na lang tawag mo sa akin" aniya, ngumiti naman ako at tumango, and she lead us both on the parking lot of the airport
"Nag dinner na ba kayong dalawa? Mukhang pagod na pagod kayo ah" sambit ni tita Dahlia sa amin, siya ang nag dridrive ngayon ng sasakyan niya, nasa shotgun sit si Greg at ako naman dito sa likod
"Kumain na kami sa airport ni Elia mama bago kami lumipad" sagot ni Greg
"Ah okay, sige mabuti nga pag ganoon para makapagpahinga kayo agad, dito tayo sa bahay ng tito Lucas niyo sa Laoag ngayon gabi, maaga tayo luluwas papunta Pagudpud bukas" sabi niya.
"Nasaan pala siya?" Tanong ni Greg, yung tito Lucas na sinasabi niya ay yung boyfriend ng mama niya, taga rito siya sa Ilocos, kaya dito na din nag stay si tita Dahlia
"Nasa Pagudpud na siya, sa hotel. Talaga na hinintay ko kayo dito sa Laoag, fully booked na kasi yung mga morning flights nila kaya gabi nakuha ko, kung morning sana eh derecho na sana tayo sa Pagudpud" pagexplain niya
"Okay lang mama" tipid na sagot ni Greg. Nakarating na kami sa bahay na sinasabi ni tita Dahlia, simple lang ito at bungalow siya
"Iisa lang room dito, yung isa kasi ginawang bodega ni Lucas, doon na tayong tatlo, tara na pahinga na tayo, maaga tayo aalis bukas" anyaya ni tita, at sumunod kami pareho ni Greg sa loob.
BINABASA MO ANG
LOVE IN THE WARMTH
Storie d'amoreAkala ni Elia na si Greg na ang makakatuluyan niya habang buhay, sino naman ang hindi makakaisip ng ganoon? He is best in everything he does, and naka line up na din ang buhay niya sa mga plano ng kanyang boyfriend. Not until she transferred sa scho...
