Maaga ako ginising ni Hugo ngayon Sabado, meron daw kami pupuntuhan, pinanood ko siya habang inaayos niya ang mga gamit namin sa duffel bag niya since over night daw ito.
I feel excited about this one ever since sinabi niya sa akin ito kahapon habang nag checheck ako ng mga exam ng ibang class niya, pero surprise daw muna and sinabi naman niya sa akin na walang nakakakilala sa amin, so dapat hindi na daw mag alala
"Antok ka pa?" At sumulyap siya sa akin, tumango naman ako pero pilit ko tumayo para maligo at mag palit
"Pwede ka matulog mamaya sa byahe, don't worry" paninigurado niya sa akin, humikab ako tumango na lamang at derecho sa banyo, habang naliligo ako pumasok na din si Hugo sa loob, ever since na uumuuwi ako dito sa bahay niya halos lagi na lang kami nagsasabay maligo
"Drive thru na lang tayo ng food natin ha" aniya habang sinasabunan niya ako
"Hmmm" sabi ko kasi lagi na lang ako nakukuryente tuwing sinasabunan niya ako, hindi ko ba alam bakit gustong gusto niya ako sabunan kaya ko naman sarili ko, ng matapos siya ako naman ang sumabon sa katawan niya.
"Gumagaling ka sumabon ah" pang aasar niya sa akin, umirap naman ako sa kanya
"Dami mo alam" singhal ko, tumawa na lamang siya at nagbanlaw na kaming dalawa.
I used my green flannel cropped shirt, black high waisted shorts, socks and black loafers, matagal tagal ako hindi naka damit ng ganito, and I never felt so free as I looked at myself in the mirror habang nagsusuklay ako
"You look amazing Elia" biglang komento ni Hugo it feels so good that someone appreciates the way you look, naalala ko noon si Greg na pinagpilitan niya ako magpalit ng damit dahil ayaw niya na I'll look good to others, but Hugo is really the complete opposite
It feels so liberating to finally wear the clothes that make me feel good, and what makes it more good is the fact Hugo liked it
Sumulyap naman ako sa kanya and he look amazing too! He is wearing jeans with white undershirt over a blue botton down shirt and sneakers. He looks carefree! Parang hindi siya professor, he looks like a super model of a french clothing line!
"And so do you" sabi ko, ngumiti siya sa akin at lumapit sa akin, at iniangat ang chin ko
"Kaya bagay tayo" malambing niya sinabi, tumawa naman ako at bigla meron kami narinig na busina sa labas ng bahay niya at nag ring ang phone niya
"Andito na kayo?" Sagot ni Hugo sa phone niya at lumingon siya sa bintana niya "okay sige baba na kami" at pinatay niya na ang tawag niya
"Kunin mo na ang mga gamit mo andyan na mga kasama natin" aniya at pinulot niya yung duffel bag kung nasaan ang mga damit namin habang ako inayos ko naman yung shoulder bag ko kung nasaan ang mga personal things ko
"Let's go?" Tanong niya ng zinipper ko na yung bag ko, tumango ako at naglakad na kami pababa, paglabas namin minake sure muna ni Hugo na nalock niya ang bahay niya at lumabas na kami sa gate niya.
Nagulat ako at meron naghihintay na isang black na colorado, sa likod nito ay dalawang motor na pang racing, nakababa ang bintana ng front seat at nakita ko nakatingin ang dalawang lalaki sa amin at nakangiti tumigil ako maglakad at nilingon ako ni Hugo
"Alam ba nila ang tungkol sa atin?" mahinang tanong ko, ngumiti naman si Hugo at tumango
"Don't worry alam nila tungkol sa'yo, they don't judge, they are my best friends" paninigurado niya, nag aaalangan man ako, pero I trust Hugo's judgement on this one.
Binuksan ni Hugo ang back seat at pinauna niya ako pumasok, nakatingin na sa amin ang dalawa kaya ngumiti na lamang ako
"Finally it is nice to meet you Elia, I am Brandon and this is my kuya Barret, kaibigan namin si Hugo" at nilahad niya ang kamay niya sakto naman pumasok si Hugo at sinira niya naman ang pintuan at tinapik ang nakalahad na kamay ni Brandon
BINABASA MO ANG
LOVE IN THE WARMTH
Storie d'amoreAkala ni Elia na si Greg na ang makakatuluyan niya habang buhay, sino naman ang hindi makakaisip ng ganoon? He is best in everything he does, and naka line up na din ang buhay niya sa mga plano ng kanyang boyfriend. Not until she transferred sa scho...
