Kabanata VI

5 0 0
                                    


"Andito na daw ang mga kaibigan natin" sabi ni Greg sa akin habang papasok kami sa isang mamahaling bar, nakasuot ako ngayon ng isang navy green na body con dress na mababa ang neckline at meron siyang build in push up bra, it hugged all my curves perfectly gusto ko sana yung black na sweatheart dress ko pero mapapansin kasi yung mga pasa ko sa braso ko kaya ito na lang, at least ito may sleeves at least matatakpan yung mga bruises ko sa braso ko

Pagpasok namin jam packed yung bar na ito, ang lakas ng music at nakakasilaw ang mga ilaw nito, nakita namin agad ang mga kaibigan namin, nag high five sila Paul, Mark at Greg at nag apir naman sila nila Austin at Frank samantala nagyakapan naman kaming mga girls.

Wala naman problema since magakakakilala na kaming lahat, dahil na din sa aming dalawa ni Greg

"Elia! Malapit na ang intramurals ah! At narinig ko ikaw ang gusto ipasabak ng department niyo" sabi ni Leah ang girlfriend ni Paul

"Oo nga, narinig ko ang bulong bulongan ng mga faculty," pagsang ayon naman ni Amy ang girlfriend ni Mark

"Naku ewan ko hindi ko alam kung sasali ako, pero parang gusto ko sa cheerdance" sabi ko

"Ay oo kahit itapon tapon niyo si Elia, ayos lang! Ganoon ang ginagawa ng drance troupe namin dati sa kanya!" Sinabi ni Amber at tumawa na naman silang lahat

"Mamaya na ang chika girls! Drinks muna tayo" sigaw ni Frank, kasunod niya ay isang waiter na may hawak na ng mga iinumin namin. Isa-isa kami kumuha at tinaas ni Austin ang baso niya "cheers!" Sigaw niya, at iniangat naman namin lahat ng baso nakin at ginaya ang galaw ni Austin

Ininom ko sa isang go ang inumin ko, and the alchohol burns my throat, ngumiwi ako dahil sa aftertaste nito

"Iinom lang tayo!" Sigaw ni Paul over the pounding music, tumawa lang kami as we take our second shot. Hindi nagtagal medyo nahihilo na ako, nilingon ko si Greg at namumula na din ang kanyang mga mata, nag decide na muna ako na itigil muna ang paginom, the last thing I wanted is to be dead drunk

"Magoorder lang ako ng tubig natin" dahan dahan ako tumayo trying to keep my balance

"Doon lang kami sa dance floor" sigaw ni Lily at hinila si Frank papunta doon

"Bilisan mo bumalik dito " sabi naman ni Greg, tinignan ko siya at mukhang mas relaxed siya ngayon, siguro malaking factor ang alcohol.

Naglakad ako papunta sa bar corner, pushing through the sea of people nakita naman ako agad ng bartender at lumapit agad sa akin "pwede po ba mag order ng sampung bottled water doon sa table na iyon?" Tanong ko at tinuro ko kung nasaan si Greg, hindi siya nakatingin sa akin pero kumaway naman si Amber ng makita ako

Tumango naman ang bartender binigay ko ang bayad ko at nagbuntong hininga ako dahil over priced talaga ang tubig sa bar, ng naibaot ko ang bayad ko, pumunta na sa likod yung bartender akma na sana ako aalis ngunit bigla nagkaroon ng konting commotion, bahagya ko nakita si Reize, yung magandang accountancy student na nakikala ko sa cafeteria may gwapong lalaki nagbuhat sa kanya at hindi ko na alam kung saan sila pumunta baka boyfriend niya iyon.

Hahakbang na sana ako at bigla may humila sa kamay ko, nilingon ko ito at nakita ko si sir Calvin ito, mapupungay ang mata niya at medyo mapupula na ang kanyang mga mata "Elia? Sino kasama mo dito?" Tanong niya

Binatawan niya ang pagkahawak ng aking kamay ng humarap ako "kasama ko sila Greg at mga kaibigan ko sa dati kong school, ikaw sir? Mag-isa ka?" tanong ko

"Iniwan ako ng ka blind date ko" sabay tawa niya habang nilalaro niya ang kanyang baso

"Wow ikaw iniwan?" bahagya ako tumawa, alam ko this is something na dapat hindi ko pagtawanan "sorry" agad ko sinabi "hindi ko kasi maimagine na dinitched ka ng kadate mo" nagulat talaga ako ng sinabi niya meron siya ka date ngayon, sa itsura nga niya dapat may girlfriend or asawa siya, hindi ko aakalain na single siya.

LOVE IN THE WARMTHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon