Kabanata XLII

2.3K 24 3
                                        


First day ng school na and I am dreading to enter, kahit two months ago na ang CAS night alam ko hindi pa din nakakamove on ang mga nasa school lalo na yung mga naka panood mismo ng video, I am walking at the corridor para sa first period ko and kitang kita ko ang mga titig ng mga tao habang dumadaan ako

Pagpasok ko sa room nagulat ako na sinalubong ako ni Axel na may dala na isang malaking paper bag, naalala ko nanaman ang ginawa niya noong CAS night, gusto ko magalit sa kanya pero at the same time alam ko na gusto niya lang tumulong

Nilahad niya yung paper bag sa harap ko at kumunot ako "ano yan?" Turo ko, habang pilit ko hindi pansinin ang mga classsmates ko na nakatingin sa amin ni Axel

Nagbuntong hininga si Axel "mga sulat" aniya, tinignan ko siya puno ng pagtataka, just then pumasok na si Hugo, siya kasi ang professor namin sa Contemporary Philippine Literature na subject. Agad binigay ni Axel ang pape bag sa akin, at pumunta na sa kanyang upuan

"Okay settle down seniors" tawag naman ni Hugo sa amin lahat pero bago man magsalita si Hugo bigla tinaas ni Bethany ang kanyang kamay

"Sir diba teacher's assistant mo si Elia sa buong third year namin?" Tanong niya, agad ko nilingon si Bethany na puno ng pagtataka, anong gusto niya malaman? Alam niya ba na may namamagitan sa amin ni Hugo?

"Yes" tipid lang na sagot ni Hugo "Ok - " pero natigilan ulit si Hugo na meron uulit nagsalita

"Kung ganoon pala sir, bakit wala ka napansin? Halos every day pumupunta si Elia sa'yo for sure meron ka nakita?" Aniya naman ng isang nagmamagaling na estudyante

Nagbuntong hininga si Hugo "I witnessed a fight between them that's all and it is not my position to pry on my student's private life. Tama na yan mag - "

Pero na interrupt nanaman siya na meron isang estudyante nanaman ang nag salita "kaya nga TA mo siya, nakita mo na nag away sila, wala ka man lang ginawa? Wala ka man lang napansin" Aniya, at narinig ko ang bulungan ng mga classmates ko

"Kayo meron ba kayo napansin? Meron ba kayo ginawa?" I snapped, hindi ko alam bakit sinisisi nila si Hugo tungkol dito! Tinignan ako ni Axel at parang nag mamakaawa siya na umupo na lang ako pero hindi ako mag baback down, kaya tumayo na ako at hinarap silang lahat

"Walang may alam sa nangyayari sa amin, wala akong balak ipaalam sa buong school ang nangyayari sa akin! It's none of your fucking business kung ano talaga ang nangyari! Matuwa na lamang kayo at hindi nangyari sa inyo iyon!" At padabog ako umupo

Tahimik silang lahat at ayaw ko na tumingin sa kanila, I just can't believe na nag outburst ako ng ganito! May mga tao talaga na hindi concern sa'yo kundi sa chismis lang sila talaga may concern!

"Pwede na ba ako magturo?" Inis na sambit ni Hugo sa klase

"Opo sir, sorry po, sorry Elia"narinig ko sinabi ni Bethany, pero hindi ko na siya tinignan. Nagsimul na si Hugo mag salita sa harap, as usual sinasabi niya na yung about sa syllabus ng subject na ito, ng matapos ang class namin sa kanya, dali dali ako umalis, nagulat naman ako na nakasunod na sa akin si Axel

"Elia" tawag niya sa akin nilingon ko siya at hinintay ko makalapit sa akin

"Sorry sa mga inasal ng mga classmates natin" aniya, tumango na laman ako at naglakad muli, mamaya pa naman ang next subject namin kaya napagdesisyunan namin pumunta muna sa soccer field

"Ano pala ang nandito?" Tanong ko habang umuupo kami sa isang bench

"Mga sulat" at kinuha niya yung paper bag sa akin "galing sa mga unknown people sa school tapos binigay nila sa akin" at humugot si Axel ng isang emvelope at binasa ito

LOVE IN THE WARMTHMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon