Kabanata XXXIX

2.4K 29 0
                                        


Kahit malamig ang hangin, patuloy padin ang patakbo ni Hugo sa kanyang motor, nangangawit na ako pero todo padin ang higpit ng pagkapit ko sa kanya, hindi ko tinanong kung saan kami pupunta, and I trust him in this one

Pagkatapos ang isa at kalahating oras, tumigil kami sa tapat ng isang convenience store sa may express way, inalalayan niya ako bumaba ng motor niya at hinaplos ang braso ko

"Okay ka lang? Ang lamig ng mga braso mo" aniya, at agad niya tinaggal ang coat niya at pinasuot niya sa akin

I'm so flustered that the cold did not bothered me anyway "Hugo, nakita nila lahat!" Sigaw ko at naglakad ako pabalik balik sa kinatatayuan ko

"Napanood ko din lahat Elia" aniya,tumingin ako at nabigla sa sinabi niya, hindi ko kasi siya nakita kanina doon sa may table nila kaya akala ko umalis na siya "pero wala na tayo magagawa, alam na ang lahat, hindi ka na niya masasaktan pa"

"Nadelete ko na ang video Hugo, hindi na dapat umabot sa ganito, kasi hihiwalayan ko na siya ngayon gabi" at hindi ko na napigilan ang umiyak, niyakap ako ni Hugo at hinaplos ang likod ko

"Tahan na Elia, don't think too much, ang importante tapos na ang bangungot mo, you might not want the way how it ends, pero nangyari na Elia, shhh tahan na baby" malambing na sinabi ni Hugo sa tenga ko. Hinila niya ako at pumasok kami sa convenience store ng humupa ang mga luha ko

Kumuha si Hugo ng mainit na kape para sa aming dalawa at umupo kami sa pinaka gilid na table, pareho kami naka damit pa din ng pang great gatsby na akma sa CAS night theme

"Nangyari ba talaga iyon?" Sambit ko pambabasag ko ng katahimikan in between us, may mga kausap si Hugo sa telepono niya kanina habang bumibili kami ng kape, hindi ko lang masyado napakinggan since ang gulo pa ng utak ko

Nagbuntong hininga siya at tumango "Unfortunately Elia" sagot niya

"Wala na ako siguro mukha maihaharap pa sa pasukan" Alam ko ngayon trending na yung nangyari kanina, at kahit pa juniors and seniors lang ang umatted ng CAS night, for sure alam na ng buong school ito! Kinuha ni Hugo ang kamay ko at pinisil niya

"Hindi ikaw ang may kasalanan dito Elia, si Greg" he assured me

I chuckled at humigop ang ng kape "yeah hindi, pero ako ang biktima" pero ayaw ko talaga na ganito malaman ng tao ang tungkol sa amin ni Greg, pero alam ko din wala din kasalanan si Hugo dito "maraming salamat, sinagip mo ako sa mga chismoso at chismosa"

"Ano akala mo sa akin? Iiwanan kita? Hahayaan ko ba pagpyestehan nila ang pain and suffering mo Elia?" Ngumiti siya at patuloy niya pinipisil ang mga kamay ko

"No, alam ko hindi"

Just then nag ring ang phone ni Hugo, lumayo siya sa akin kaya hindi ko narinig kung sino man ang kausap niya, hindi nag tagal bumalik siya sa table namin

"Kumuha ka ng ano man gusto mo ngayon dito Elia, may pupuntahan tayo, okay lang ba na huwag ka muna umuwi?" Tanong niya sa akin, now that he mentioned it, I feel that going home is the last thing I wanted to do

"Pero ganito ang damit ko, wala naman damit makukuha dito mga pagkain lamang" sabi ko sa kanya

"Okay then ako na bahala sa damit mo, dito ka na lang din ako na lang din pipili ng dadalhin natin, anything you like?" Tanong niya

"Uhm pwede ba bilhan mo ako ng wet wipes na lang? Gusto ko na tanggalin ang make up ko, at kung may breath mints sila please paki bili ako" nahihiya ko sinabi, ngumiti naman si Hugo at tumango at umalis na para bumili

Medyo matagal ko hinintay si Hugo, pagbalik ko meron na siyang bitbit dalawang paper bag at nilapag niya ito sa table namin, sinilip ko ang laman ng mga ito at nakita ko na meron ito laman na tubig, coke in can, bottled juice, bread, canned goods, palaman at mga toiletries, kinuha ko naman agad yung wet wipes at breath mint

LOVE IN THE WARMTHMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon