Now that Hugo and I are official we made love whenever we like here in this small island, we do it sa living room, in the room and even under the palm trees. If we can stay here forever I would gladly be here, but of course all good things comes to an end, and here we are on our way na sa bahay ko, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko na andito na kami ulit.
Nagulat ako ng pagbukas ko sinalubong ako agad ni mommy at daddy! "Elia!" Sigaw ni mommy at niyakap ako ng mahigpit, tumingin ako sa likod at nakita ko na nasa likod ko pa rin si Hugo.
"We heard what happened! And we flew immediately here!" Sabi ni daddy agad. Sabi na nga ba at makakarating agad sa parents ko ang nangyari, hindi man ganito ang gusto ko way na malaman nila, pero tapos na they already know about it
"Kailan kayo dumating?" Tanong ko, habang tinitignan ko si mommy na lumuluha pa
"Kanina lang, oh sorry Elia we never thought na ganoon ang pinagdaanan mo kay Greg" at niyakap na ako ni mommy ng mahigpit "I can't believe it all happened right under our noses!"
"Ipapakulong ko si Greg! Hayop na yan! Pinapasok ko siya sa bahay! Tinanggap at lahat, tapos ganito ang gagawin niya sa'yo?! Magbabayad siya! Anong sinabi ni George sa'yo?" Galit na sambit ni daddy
"Wait lang dad, saglit lang po" at kumulas ako sa pagkayakap ko kay mommy "call me insane pero ayoko naman mangyari sa kanya ganoon, napahiya na siya sa buong school, I think deserve na niya iyon, hindi ko goal na ipakulong siya"
Sumulyap ako sa likod at andoon pa din si Hugo nakatayo, I saw na hindi siya sang ayon sa sinabi ko pero that's the least of my problems now kasi nagtataka ako bakit andito padin siya, napansin naman ni mommy na nakatingin din ako kay Hugo kaya humakbang siya paharap
"Sino ka?" Magalang niya tinanong, ngumiti si Hugo at nilahad ang kamay niya sa harap ng mommy ko
"Houston Giovanni Calvin po, or Hugo na lang maam" tumingin sa akin si Hugo tila ba naguusap ang mga mata namin huminga ako ng malalim and grabbed Hugo's arm. I am tired of lying to my parents now, halos isang taon na ako naglilihim sa kanila
"Mommy, daddy Hugo is my boyfriend" nakita ko nagulat si Hugo na sinabi ko sa mga magulang ko ang katotohanan, si mommy naka awang ang bibig niya samantala si daddy naman ay nakatingin lang kay Hugo
"Hindi ko maintindihan anak..akala ko si Greg..." paninimula ni mommy, huminga ako ng malalim at lakas loob ko tinignan si mommy
"Mommy, daddy I wanted you to be open minded as possible po, I will tell you everything, all that happened between me and Greg at paano pumasok si Hugo sa buhay ko" huminga ako ng malalim at tumingin sa mga magulang ko
"Pasok muna kayong dalawa anak, dito tayo magusap usap na apat" aniya ni mommy, tumango ako at hinawakan ko ang kamay ni Hugo a pumunta kami sa living room. Umupo kami ni Hugo sa may couch, habang sila mommy at daddy ay umupo sa love seat sa magkabilaan bahagi ng couch namin
Huminga ako ng malalim, hindi namin pinagusapan ni Hugo ang tungkol dito, pero sana maintindihan niya kung bakit kailangan ko sabihin ang buong katotohanan sa magulang ko, kaya hinarap ko muna siya bago ko hinarap ang mga magulang ko
"I am going to tell my parents the whole truth Hugo, I hope you will understand, ayoko na magsinungaling sa kanila" sabi ko, ngumiti siya at tumango
"It's okay, I will face whatever consequences if ever" at hinaplos niya ang kamay ko na nakahawak sa kanya
"We will face it together Hugo" pagpapaala ko sa kanya, lalo siya ngumiti and alam ko na gusto niya na ako yakapin at halikan kung wala lang kami sa harap ng magulang ko
"Yes baby together" sagot niya, ngumiti ako at hinarap ko ang mga magulang ko na gulong gulo sa mga nangyayari
"Mommy, daddy I am sorry if hindi ko nasabi agad ang lahat ng ginawa ni Greg sa akin, natakot kasi ako kung anong pwede niya gawin sa akin, kapag nalaman niya na nagsumbong ako sa inyo, tapos monitored niya pa ang bawat galaw ko kaya hindi ako nagsabi agad" then tears fall down my face when I told them everything that happened
BINABASA MO ANG
LOVE IN THE WARMTH
RomanceAkala ni Elia na si Greg na ang makakatuluyan niya habang buhay, sino naman ang hindi makakaisip ng ganoon? He is best in everything he does, and naka line up na din ang buhay niya sa mga plano ng kanyang boyfriend. Not until she transferred sa scho...
