Kabanata XLV

2.4K 26 6
                                        


Nasa beach kami ngayon para sa wedding nila tita Dahlia, and I can say the set up and decorations were perfect, si Greg ang naglakad sa kanyang mama sa aisle, at habang nag lalakad sila nakatingin siya sa akin, napansin naman ni Hugo ito at agad naman niya ako inakabayan

Ng nasa part na sila kung saan nagsasabi ng vows, na pahilig ako sa dibdib ni Hugo at naramdaman ko naman ang paghalik niya sa buhok ko, ang sarap siguro ikasal sa taong para sa'yo.

"Ladies and gentlemen I present to you Mr. And Mrs. Lucas Nalupta!" Sigaw ng pastor, at nagpalakpakan kaming lahat, sumisipol pa ang dalawa mag kapatid na sila Barrett at Brandon, derecho kami agad sa reception, nakihalibo kami sa mga bisita, at nakipagsayawan pa kami ni Hugo sa mga bisita, and we can't keep our hands off to one another, at kitang kita ko naman ang pag iwas ni Greg sa amin dalawa ni Hugo

"Mag CR lang ako" bulong ko kay Hugo, nakaupo na kami sa table namin pagod na pagod dahil sa kakasayaw namin, tumango naman si Hugo at hinalikan niya ako bago niya ako binitawan, pumunta naman ako sa CR and do my thing, ng matapos ako pumunta ako sa sink at naghugas ng kamay

"Alam mo yung unang beses kita nakilala, my life is falling apart, kakahiwalay lang nila mama at papa noon at sa akin nilalabas ni papa ang galit niya, ng makita kita Elia you immediately made me feel better. Lagi mo napapagaan ang pakiramdam ko Elia"

Tinignan ko si Greg sa salamin, nakasandal siya sa pintuan at alam ko nilock niya ito "anong ginagawa mo dito? Tapos na tayo nagusap noong isang gabi"

Naghalukipkip siya at nakasandal padin siya sa pintuan "Ang weird lang na makita ko kayong dalawa na sobrang sweet sa isa't isa. At the same time it makes perfect sense. Ngayon bukas na ang aking mga mata"

Umikot ako para maharap siya at naghalukipkip na din ako "hindi mo sinagot ang tanong ko"

Huminga siya ng malalim "I guess gusto ko lang sabihin sa'yo na mahal pa din kita despite sa lahat ng nangyari"

Umiling ako sa kanya "I'm so sorry Greg pero hindi na kita mahal"

Nakita ko na nasaktan siya sa sinabi ko "Hindi ako naniniwala Elia, we were together for three and half years, impossible tinapon mo lang lahat ang mga pinagsamahan natin"

"I loved you Greg at willing ako gawin ang lahat para sa'yo, pero lahat ng pagmamahal ko nawala simula na sinaktan mo ako, at hindi na iyon babalik pa" kailangan niya tanggapin ang katotohanan na wala na kami

Umiling siya "I will prove to you Elia that I love you, that I am better than him. Ipapakita ko sa'yo na magiging masaya ulit tayo, let's go to Singapore and start our lives there!"

"No Greg. Stay here with your mom, continue to work on yourself. Kailangan mo na ang move on, kasi hindi na tayo magkakabalikan pa. Naiintindihan mo ba ako?" Aalis na sana ako pero hinarangan ako ni Greg kaya hindi ako makadaan

"Please Elia kung pagbibigyan mo lang ako maipapakita ko na kaya ulit natin maging ma -" natigilan si Greg ng may kumatok sa pintuan

"Elia, ayos ka lang ba?" Tanong ni Hugo mula sa labas, na distract si Greg sa katok ni Hugo kaya nakadaan ako sa gilid pero hinila ni Greg ang palapulsuhan ako at sinadal niya ako sa wall. His arm, coming up to my head so that I'm blocked in

"Hindi kita sasaktan Elia, gusto ko lang ng another chance" kumatok ulit si Hugo sa pintuan pero hindi pinakinggan ni Greg "Hindi siya ang para sa'yo Elia, you two will never work"

"Papasok na ako" pagbabanta ni Hugo sa labas, at narinig na lang namin ang pagsipa niya sa pintuan ng tatlong beses at agad niya nakita na Greg is pinning me on the wall at agad niya hinila si Greg papalayo sa akin

"Diba sinabi ko papatayin kita kapag hinawakan mo kahit isang hibla ng buhok ni Elia?!" Sigaw ni Hugo kay Greg, agad ko dinaluhan si Hugo at hinaplos ang nanginginig niyang braso

LOVE IN THE WARMTHMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon