"So ito ang mapa ng Pilipinas, napuntahan na natin ang extreme Northern Luzon" sabi ni Elia habang minamarkahan ang mga lugar na binisita namin, andito kami sa may Sagada, naka park kami malapit sa bundok. We are using our RV Van na surprise gift ko sa kanya.
"So are you ready to conquer Central Luzon then?" Hamon ko sa kanya, she giggled and kiss me
"Of course! Ang dami ko pa ieedit for my articles, grabe ang gaganda ng mga places na pinuntahan natin, feeling ko in a month, matatapos na natin malibot ang buong Luzon! And I am so excited to conquer Visayas naman!" Maligaya niya sinambit at tumawa ako habang kinikiliti siya
Who would have thought I will be this happy? The last couple of months was a nightmare for me, very fresh pa ang lahat ng nangyari sa amin noon.
Nagising ako na nasa loob na ako ng clinic ng hotel, may benda na ang aking ulo, kausap na ng security ang mga magulang ni Elia, I saw that her mommy was crying while her daddy's arm was wrapped around her
"Hugo" bigkas ng pamilyar na boses, kaya tumingin ako sa side ko at nakita ko si kuya, I immediately hold his hands
"Kuya, positive ako si Greg ang kumidnap kay Elia, please kuya tulungan mo ako, alam ko kung anong kaya gawin ni Greg sa kanya!" Sabi ko, tumingin ang mga magulang ni Elia sa akin
"We know Hugo, nakita namin sa CCTV, nakita namin na naka tago siya sa isang pick up na truck kaya hindi mo siya agad nakita, hinampas niya ang ulo mo at tinangay ang kotse mo, may nakakita din kay Elia na sumakay sa kotse mo kaya nakidnap niya ng tuluyan si Elia" paliwanag ni kuya
"Kaya sumakay si Elia, kasi baka akala niya ako ang nasa loob! Dammit! Kasalanan ko ito! Sana hindi ko siya iniwan mag isa! Fuck it!" At agad ako tumayo mula sa couch ng clinic
"Relax Hugo, we are doing everything we can to find Elia, nag request na ako ng checkpoints kahit sa airport at sea ports, kaya hindi din makakalayo sila Greg, I also gave the plate number of your car" saad ni kuya
"Kuya?! I can't just sit here and put my faith to the authorities..what if..." at pumikit ang mata ko, what if gahasain niya at saktan si Elia?! Paano kung tuluyan niya na mailalayo si Elia sa akin? Paano kung hindi ko na makikita si Elia kahit kailan?!
Bigla nag ring ang telepono ko at nagulat ako at si Elia ang tumatawag kaya agad ko sinagot ito "i-loudspeaker mo Hugo" narinig ko sinabi ni kuya kaya sinunod ko
"Baby please tell me you are okay, where are you?" Malambing ko sinabi
"I am sorry to burst your bubble sir, but Elia is not your baby, she's mine to begin with it! Inagaw mo lang siya sa akin!" Ang boses ni Greg ang umalingawngaw sa kabilang linya! Nakita ko na magsasalita sana ang mommy niya pero pinigilan siya ng daddy ni Elia, nakita ko naman lumabas si kuya at hindi nagtagal may kasama siyang pulis
"Walang hiya ka Greg! Saan mo dinala si Elia?! Hayop ka! Papatayin kita!" Hindi ko na mapigilan ang magbanta sa kanya, meron ginawa ang mga pulis sa cellphone ko, siguro they are tracking Greg's call
"Ikaw ang walang hiya! Inagaw mo ang girl friend ko! Kahit mga magulang niya inuto mo! Ang mga kaibigan niya sa dati niya school inuto mo din!" Sigaw niya
"Anong kailangan mo sa akin! Tangina mo nasaan si Elia?! Malaman ko lang sinaktan mo siya ipapaharap kita kay satanas!"
"Relax professor, do you think ipapahamak ko ang babaeng pinakamamahal ko?" He creepily said "of course not sir, andito siya ngayon sa kandungan ko mahimbing natutulog, hinihimas ko ang kanyang magandang mukha at buhok"
"Hayop ka! Napakasama mo!" Sagot ko, nagaalab na ng galit ang buong katawan ko, hindi ko na alam ang gagawin ko, nandidilim na ang aking paningin
"Ikaw ang masama sir! Ginawa mong parausan si Elia! Gago ka!" Aniya
BINABASA MO ANG
LOVE IN THE WARMTH
RomansaAkala ni Elia na si Greg na ang makakatuluyan niya habang buhay, sino naman ang hindi makakaisip ng ganoon? He is best in everything he does, and naka line up na din ang buhay niya sa mga plano ng kanyang boyfriend. Not until she transferred sa scho...
