Kabanata XXVII

2.4K 25 0
                                        


"Thank you sa inyo ha, next time ulit" aniya ni Hugo habang bumababa kami sa sasakyan nila Brandon, hinatid nila kami sa isang all boys na bahay ampunan, ito kasi ang recipient ng award ni Hugo kagabi

"Walang problema Hugo, sigurado kayo ayaw niyo pahatid hanggang sa bahay niyo?" tanong ni Brandon sa amin

Umiling naman si Hugo at ngumit "hindi na malapit na naman ang terminal dito, magbubus na lang kami ni Elia"

Tumango naman si Brandon at tumingin sa akin "it was nice meeting you again Elia, alagaan mo ang kaibigan namin ha" pang aasar niya, tumawa naman si Barret sa tabi niya

"Mukhang sayo lang nag pa baby yan kaya dapat lagyan mo ng helmet si Elia pare at baka matauhan" gatong naman ng kapatid niya, at nagtawanan nanaman silang dalawa.

"Umalis na nga kayo!" at padabog na sinarado ni Hugo ang pintuan ng sasakyan nila, bomisina naman sila bago sila umalis at agad ko pinalupot ang kamay ko sa braso niya

"They are nice, saan mo sila nakilala?" tanong ko habang nilalakad na namin yung path papasok ng bahay ampunan

"I met them in one sparring event, they asked me if I can do race as well, sila ang nagpakilala sa akin sa mundo ng drag race" sagot ni Hugo, tumango naman ako habang hinihintay namin ang magbubukas ng gate ng bahay ampunan

May isang binatilyo ang nagbukas ng gate para sa amin sa likod niya ay dalawang madre na nakangiti sa amin ni Hugo "Magandang Umaga Hugo!" bati ng mas nakakatandang madre

Pumasok kami at nagmano si Hugo sa dalawang madre at ginawa ko din naman ito "Magandang Umaga sister Linda, magandang umaga sister Chary, si Elia po pala" papakilala sa akin ni Hugo

"Magandang umaga po mga sister" magalang na sinabi ko

"Magandang umaga din sainyong dalawa, pasok na kayo may inihanda kami agahan, bakit pala ang aga niyo pumunta?" sabini sister Chary sa amin habang papasok na kami sa loob

"Para po maaga kami makauwi sister, may pasok pa kasi kami bukas" sagot ni Hugo, last night pinagusapan namin ni Hugo na maaga kami uuwi, para masulit naman ang mga oras bago mag Lunes ulit

Pumunta kami sa may kusina nila, halatang matagal na itong bahay ampunan na ito, and talaga need ng renovation, and I think magandang panimula na yung ibibigay ni Hugo sa kanila

"Ang laki laki mo na Hugo at ang gwapo gwapo mo pa, naalala ko noon una andito ka, ang payat payat mo noon at may mga takot sa mga mata" paninimula ni sister Linda ng makaupo kami, nagulat naman ako sa sinabi ni sister, akala ko sa DSWD siya tumira?

Tumawa naman si Hugo at naglagay ng kanin sa plato ko "si sister naman hilig mo talaga mag throwback tuwing nakakadalaw ako dito" pangaasar niya

"Natutuwa lang ako na you turned into a fine man despite what happened to you when you were a kid" makabuluhan na sinabi ni sister, tumango lamang si Hugo at nagpatuloy kami kumain

After namin kumain, agad kinuha ni Hugo ang cheke mula sa aking bag "Sister the reason na napapunta kami dito para ibigay ito sa inyo" at inabot na ni Hugo yung cheke kay sister Linda

Matalim na tinitigan ni sister Linda si Hugo pagkatapos niya tignan ang cheke "nag drag race ka ba nanaman? Or sparring?" she asked on her most disapproving voice

Nagbuntong hininga si Hugo at tumingin kay sister "Drag race po and look I am fine po, malaking tulong po iyan sa ampunan"

"Maraming salamat Hugo at hindi mo nakakalimot sa amin, pero sana itigil mo na kakasali sa mga ganyang kadelikado na sports, professor ka na sa isang magandang unibersidad sa Maynila hindi mo na kailangan pa sumali sa mga ganyan, lalo pa nahanap mo na din ang tunay mong pamilya wala ka na problema sa pera Hugo" pangaral ni sister

LOVE IN THE WARMTHMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon