CHAPTER 74

28 8 4
                                        

Ara's POV

Lumipas ang ilang minuto at dumadami na ang mga bisita. Laking pasasalamat ko na tumutulong ang pamilya Villamor sa pag-welcome sa mga bisita, at sila Mama at Papa naman ay tumutulong sa mga kasambahay. Nakaupo pa din si Zarina, tulala lang, hindi na nag-aalalang magsalita o makipag-usap sa ibang tao. Sa bawat pagdating ng mga bisita, ramdam ko ang bigat ng pagkawala ng mommy. Hindi ko alam kung paano ko haharapin ang araw na ito. Kailangan ko pa bang magpanggap na okay lang ako? Kailangan ko bang maging malakas para sa pamilya ko, lalo na kay Zarina?

Pinipilit ko lang itago ang sakit na nararamdaman ko. Nanginginig pa ako sa bawat hakbang, ngunit sinusubukan kong maging matatag, para kay mommy, at para kay Zarina.

"Hija, kumain ka na ba?" Lumapit saakin ang mama ni Matthew, si Tita Mitzi, na may malumanay na tinig.

Napatingin ako sa kanya, hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Hindi ko nararamdaman ang gutom, pero baka nga tama siya. Kailangan ko ng lakas, kaya tumango na lang ako at pilit na ngumiti. Hays.

"Oo, Tita, konti lang." Sagot ko, kahit na hindi pa ako kumakain ng maayos.

"Kung kailangan mo ng kausap o kung may kailangan ka, nandito lang kami, ha?" Magaan niyang sinabi, patting my shoulder.

Nagpasalamat ako sa kanya at napansin ko ang mahinang ngiti sa mukha niya. Hindi ko alam kung paano siya kayang magpatawa o magbigay ng lakas, pero parang may peace na naibibigay ang presensya nila.

Tita Mitzi just gave me a soft nod before walking away, leaving me to my thoughts again. I looked around the room, my gaze resting on Zarina who still seemed lost in her own world. How could I help her? How could I help myself?

Pumunta muna ako sa garden dahil naiiyak nanaman ako. Ewan ko ba, parang hindi ko kayang hawakan ang lahat ng nararamdaman ko ngayon. Ang sakit, ang bigat. Lahat ng nangyari, parang isang masalimuot na panaginip na hindi ko matanggap.

Dahil sa mga puno at halaman sa garden, medyo nakaramdam ako ng konting katahimikan, pero hindi pa rin nawala ang lungkot. Umupo ako sa bench at ibinaba ang ulo ko sa aking mga palad, pinipigilan ang luha na gusto ko nang magtulo.

Ilang minuto pa akong nag-isip, nang may naramdaman akong presensya sa aking tabi. Alam ko na agad kung sino.

"Ara..." narinig ko si Matthew. Tumingin siya saakin, may malungkot na tingin sa mata. "I know it's hard."

Hindi ko kayang magsalita. Hindi ko alam kung anong sasabihin. Instead, I just nodded and wiped my tears, hoping he'd understand the silence.

"Kung gusto mo ng makausap, nandito lang ako," dagdag pa niya, tumabi saakin. "Huwag mong isolo ang lahat ng sakit."

Hindi ko pa rin kayang magbigay ng sagot. Pero sa totoo lang, parang may bagay na gumagaan sa akin sa tuwing nandiyan siya. I just let him stay beside me, silently.

"Salamat," bulong ko, kahit na hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag kung gaano kahalaga ang mga salitang iyon para sa akin.

"I'm sorry..."bigla na lang niyang bulong, narinig ko iyon.

Hindi ko maintindihan.

"Sorry for what?"

"Dahil iniwan kita, nakipag hiwalay ako sayo na hindi mo alam ang dahilan..."

"Bakit ka nga ba nakipag hiwalay?"

"Because of Catherine, because of business."

Naalala ko ang sinabi niya saakin nung nakipag hiwalay siya....mas importante ang business kesa saakin.

Stay With Me Where stories live. Discover now