“Nice to meet you too, Iris. You're really pretty huh.” she said while still wearing those intimidating smiles, I smell ka plastikan.
“Thank you pero mas maganda ka pa sa'kin.” tipid na sagot ko at tumawa naman s'ya.
“Yeah, I guess so. Anyways, can I borrow Ruzh for a moment? Pupunta na kasi kami sa stage.” saad n'ya.
Oo na, kunin mo na ho.
I just nodded and glance at Ruzh's direction, he seems not happy about it.
“Mamaya nalang Iris ha?” he said at tumango naman ako sa kanya.
“Sige, galingan mo ha?” I said, he smiled gently towards me and then the two of them made their way out of the classroom.
Sinundan ko pa sila ng tingin bago tuluyang makaalis at maya-maya pa'y naramdaman ko ang pagkalabit ni Riza sa balikat ko kaya agad naman akong napatingin sa kanya, kasama nya na ngayon si Addi.
“Sa'n si Ruzh?” she asked.
“Ah, umalis na kasama si Bianca magsisimula na raw kasi yung event eh.” sabi ko.
“Ahh, sorry ngayon lang kami huh? Nag retouch pa kasi ako ro'n kasama si Addi. Super hagardo ko na kasi hays.” she said while tapping her cheeks, bahagya naman akong napangisi sa sinabi n'ya.
“Kanina pa 'yan eh, hinatak pa nga ako n'yan para mag pa lagay ng eyeliner amp*ta.” nagrereklamo namang saad ni Addi may pa irap pa itong nalalaman na ikinatawa naman ni Riza, I puffed an air before saying...
“O sya, tara na at magsisimula na ang event. Ready na ba yung sinulat mo sa karton kanina Addi?” pag-aaya ni Riza, inilabas naman ni Addi mula sa kanyang likuran ang may kalakihang karton na kanina pa pala n'ya hinahawakan na hindi ko man lang napansin.
“Go, Go Ruzh!” iyan pa ang nakasulat.
Napangiti naman ako. They're really supportive.
“Ikaw? Saan yung sa'yo?” baling naman sa'ken ni Riza, I scratch the back of my head.
“Wala, hindi ko naman kasi alam na may pa ganyan-ganyan pa pala kayo!” sabi ko na ikinatawa namang ng dalawa, dahil na rin siguro sa naging reaksyon ko.
Magsasalita pa sana ako ng bigyan ako ng balloon ni Riza na hugis puso at walang sabi-sabing hinatak ako palabas ng classroom.
Pagkalabas namin ng silid-aralan ay kaagad naman na kaming nag martsa patungong stage kung saan naroroon na ngayon ang ibang representative sa backstage at kasalukuyan ng naghahanda.
Mula sa puwesto namin ay kitang-kita ko pa ang guwapong pustora ni Ruzh kasama si Bianca na kasalukuyang nakahawak sa braso ng lalaki.
Is she required to hold him?
Realizing my thoughts, I immediately shook my head to maybe wipe it off because it's wrong for me to think something like that. I let out a deep sigh.
Hindi nag tagal ay kaagad na rin naman kaming nakarating sa intablado at naupo sa harap nito, may mangilan-ngilang estudyante na rin ang nakatambay at naghihintay kung kailan mag uumpisa ang mismong event upang maglabas ng suporta sa kani-kanilang representatives.
Ang iba ay may hawak din na karton at balloon ngunit mas natawa ako ng makita ang isa sa mga school mates ko ang nagdala ng drums and water bottles to maybe make a loud sound later on kapag nag start na.
Every students face are wearing their smiles all over their lips and enjoying the happening around the campus, the school's field are all covered with joyful music against the wind and some students are playing soccer and volleyball, just minding their own small worlds and not paying attention with anything.
YOU ARE READING
On That Same Year
RomantikIn the tangled web of her teenage years, Iris Dafian's life is a delicate balance of struggles. Academic pressures and fragile family dynamics threaten to consume her, dulling the vibrant spirit that once defined her. But then, fate intervenes, and...
