Chapter 22

22 1 0
                                        

Nang malapit ko ng maramdaman ang pagbagsak ng aking mga luha mula sa aking mag kabilang mata ay kaagad ko ng nilisan ang lugar, naririnig ko pa ang pagtawag ni Addi sa pangalan ko ngunit hindi na ako nag abalang lingonin pa sila.

Dire-diretso lang ang paglalakad ko habang hingal na hingal dahil ngayon ko lang naramdaman na may kalakasan pala iyong paglalakad ko makalisan lamang sa lugar na 'yon, ramdam ko pa rin ang kakaibang sakit sa loob ng dibdib ko at ang pagsakit ng aking lalamunan.

Napahinto naman ako sa paglalakad at doon na bumigay ang luhang kanina ko pa pinipigilan simula ng masaksihan ko 'yon.

Ano nga bang dapat gawin ko?

Alam ko kahit pilit ko pang hindi paniwalaan, alam ko kung anong magiging sagot ng puso ko. Mas lalong tumindi ang aking pag-iyak ng mag flashback sa akin ang maliit na ngiti ni Ruzh kay Bianca kanina, hindi ko tuloy alam kung tinanggap ba talaga n'ya ang babaeng 'yon oh hindi. Pero, paano kung tinanggap nya nga? Paano ako?

Patuloy lamang sa pagbuhos ang aking mainit na mga luha, ni walang pakealam kung may makakita sa'ken sa ganitong sitwasyon ngayon.

Naupo lamang ako sa gilid ng kalsada habang sinusubukang ayusin ang sarili ko, alam kong na erase na ang mga kolorete na nilagay ko kanina sa pagmumukha ko. May possibilities, I may look like a damn monster now.

Ilang minuto ko ring inayos ang sarili ko bago tuluyang tumayo at mag desisyong iinom nalang itong nararamdaman ko.

Natagpuan ko naman ang sarili kong nakatayo sa harapan ng store kung saan madalas kaming pumupunta ni RK, wala naman na akong sinayang na oras at pumasok na sa store para bumili ng alcoholic drinks.

Nang makakuha na ng bibilhin ay kaagad naman na akong pumunta sa counter, napansin ko pa ang pagtingin ng cashier sa akin kaya naman napahawak ako bigla sa mukha ko at dali-daling nag ayos.

“Nag away po ba kayo ng boyfriend mo miss?” she asks, napakunot naman ang noo kong lumingon sa kanya.

What does she mean "boyfriend"?

“A-ah, madalas ko po kasi kayong makitang magkasamang tumambay jan sa may labasan ng tindahan ni Sir Melvin kasama yung boyfriend n'yo.” she pointed out the table where me and Ruzh used to be there before.

Hindi naman ako nakapagsalita agad, naramdaman siguro n'ya ang pagtahimik ko kaya bahagya naman sy'ang tumikhim upang alisin ang awkward na atmosphere ng paligid.

“Pasensya na po sa mga nasabi k–” I cut her off. “No, no, it's fine really. I should get going, thank you.” dali dali ko namang sabi na akala mo'y may importanteng gagawin o pupuntahan.

Pagkatapos magbayad ay lumabas na ako sa store at naisipang doon nalang uminom sa gilid ng dagat kahit alam kong medyo may kalayuan iyon sa amin, dadalhin ko nalang ang motor ko.

Bumyahe ako ng ilang minuto bago tuluyang makarating sa lokasyon kung saan naisip kung puwedeng mapaglabasan ng nararamdaman ko ngayon.

I sat on the soft sand where you could see the blue sea and its waves slowly approaching near the seashore, I reach for a bottle of the gsm I bought and drank it aggressively. Ramdam na ramdam ko pa ang pagguhit no'n sa lalamunan ko at sa bawat pag inom ay unti-unti ko ring nararamdaman ang unti-unti kong pagkalasing.

My chest is still heavy but it was much more bearable than earlier this noon, and as I continue on drinking the alcohol I bought the painful scenery and worst overthinking about the situation made my heart sank. I can already feel my warm tears slowly trying to escape within my two beautiful eyes.

On That Same YearWhere stories live. Discover now