Chapter 38

15 1 0
                                        

“I-Iris...si A-addi, wala na s-sya..” hagulgol ni Tita Kaori sa kabilang linya dahilan para mahulog ang cellphone ko sa kamay at kasabay niyon ang pangangatog ng binti ko at pag buhos ng mga luha kong hindi maubos-ubos.

Para akong na lutang sa sinabi niya, hindi agad nag sinks in sa utak ko ang sinabi n'yang 'yon. Napansin ko naman ang paglingon ni RK sa direksyon ko at ang unti-unting pagkunot ng kanyang noo habang nakatitig sa akin, nang mapansing umiiyak ako ay kaagad n'ya akong nilapitan at iniharap sa kanya.

Kahit na maraming tinatanong si RK sa akin ngayon ay hindi ko man lang magawang sagotin iyon dahil maraming naglalaro sa isipan ko at pinipilit kong kinapa ang alaala ko noong nakaraang araw na maayos pa s'ya, nag usap kami at may plano pa kaming mag sleep over kasama si Riza, sadyang humahanap lang kami ng magandang tiyempo kung kailan namin puwedeng gawin iyon.

Biglang sumakit ang puso ko na tila ba may kung anong tumutusok at sumasakal nito, kasabay noon ay ang hindi ko mapigilang mga hikbi sa labis na paghihinagpis dahil hindi ko alam kung paniniwalaan ko ba si Tita Kaori.

“Fuck, I'm losing my mind here Iris.. Will you please speak up? Bakit ka umiiyak? A-anong nangyari? Sino yung tumawag?” tarantang tanong n'ya sa akin habang pinipilit akong iharap sa kanya habang ako naman ay nakalagay na ang kamay sa aking bibig dahil sa pinagsamang gulat at sakit nang marinig iyong sinabi ni Tita sa akin kanina.

Kahit hindi ko pa napupunasan ang luhang kumalat sa buong mukha ko ay pinilit kong tiningnan si RK sa kanyang mga mata ng diretso.

“Si A-addi, Ruzh...W-wala na s-siya, tumawag si Tita sa akin h-hindi ko alam. M-maayos pa naman kami no'n eh s-sabi n'ya mag s-sleep over kami ni Riza n-na gagawin namin iyon sa ibang araw, b-bakit?” humihikbing saad ko, nakita ko ang pag guhit ng sakit sa kanyang mga mata at kaagad na hinapit ako para yakapin ng mahigpit.

Hindi ko alam kung kailan ako tumahan at paano ako nakatulog ng gabing iyon, ang naalala ko lang ay sa bahay na nag palipas ng gabi si RK dahil iyon ang gusto ni mama para raw madamayan ako ng lalaki at ma comfort.

Ni hindi ko nga alam kung alam na ba ito ni Riza o kung hindi pa man ay hindi ko rin alam kung paano ko sa kanya sasabihin, sigurado akong kapag nalaman n'ya ang pagkawala ni Addi ay iiyak din s'ya at masasaktan kagaya ko.

Alam na rin ng pamilya kong wala na nga si Addi at nakita ko kung paano silang umiyak din katulad ko, they're probably hurting like I am right now. The only differences is that, I am much more hurting than them. Noong una ay hindi ko pa pinaniwalaan si Tita dahil baka biro lang iyon ngunit ng mag send s'ya ng litrato kung saan nakahiga si Addi sa hospital bed at naninilaw na ang katawan habang may dextrose pa sa ilong ay halos malagotan na ako ng hininga sa pinaghalong sakit at pighati na aking nararamdaman sa kaibuturan ng puso ko.

Naalala ko pa ang sinabi n'ya no'n sa cellphone, hindi na raw umabot si Addi sa hospital. No'ng mga panahong tumuntong na s'ya sa hospital ay wala na raw talaga s'ya.

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin magawang tumahan na para bang kulang nalang ay mabaliw na ako sa kakaiyak dahil alam kong tuluyan n'ya na nga kaming iniwanan, hindi ko mapigilang hindi mag tampo sa kanya dahil bakit agad agaran at kung may nararamdaman naman na pala sy'ang masakit sa katawan n'ya o kung ano ay bakit hindi s'ya nagsasalita o nagsasabi?

Kagat kagat ko ang labi ko habang niyayakap ang tuhod ko sa isang sulok nitong may kalakihan kong kuwarto, nakapatay ang ilaw ngunit may kaunting liwanag naman na nakalusot mula sa bintana ng aking kuwarto. Tulala lang ako habang nakatingin sa kawalan habang patuloy pa ring pinoproseso sa utak ko kung tuluyan na nga ba akong nilisan ng matalik kong kaibigan.

Naputol lamang ang pag iisip ko ng may kumatok sa pintuan kong hindi naman naka lock.

“Hey babe, you already up?” saglit pa sy'ang tumigil sa pagsasalita. “If you are, please come down so you can eat po. I don't want you to skip breakfast, we're waiting for you downstairs labas ka lang kung maayos na ang pakiramdam mo.” malambing na saad ni RK sa likod ng pintuan, hindi ako sumagot at hindi na rin naman na s'ya nagsalita pa ulit. Siguro ay bumaba na rin s'ya kaagad matapos n'yang sabihin iyon.

On That Same YearWhere stories live. Discover now