Lumipas ang ilan pang mga araw mula ng mangyari yun at ngayong araw naka i-schedule ang paglabas ni Addi sa hospital kaya kahit alas syete pa lang ng umaga ay hindi na ako makapag antay na humapon na para mabisita ko na mamaya si Addison sa kanila.
Hindi naman kasi ako makakapunta at makakatulong sa paglabas n'ya ng hospital sa kadahilanang may long quiz at may activities pa kaming kailangang taposin ngayong araw dahil ngayon na rin ang deadline nito, kaya kahit may pag aagam-agam ay pinanatili kong kalmado ang sarili at pa unti-unting ginagawa ang kailangan gawin ngayon.
Tumawag na rin naman ako kay Tita Kaori kanina na hindi ako puwedeng lumiban sa paaralan kaya alam kong naparating n'ya na rin yun kay Addi na alam ko namang maiintindihan lang din ng babae.
“Babe..” I heard RK called me at the back of my head while he‘s gently poking my shoulder, napakunot noo naman akong nilingon ang direksyon n'ya.
“Oh?” kunot-noong tanong ko‚ kaagad namang nag bago ang eskpresyon n'yang kanina ay naka pout pa ito sa akin. Napakamot naman sya sa kanyang batok.
“Kanina ka pa kasi jan‚ just break a leg hmm? I'll buy you food, what do you want?” he softly asked, napalingon naman ako sa nagkalat kong desk. Hindi ko na siguro napansin ang oras dahil sobrang focus ko sa mga activities ngayon, sya ba tapos na?
“I don't know, tapos ka na ba?” balik kong tanong sa lalaki, tumango naman s'ya. “Sige na babe, malapit na mag bell oh. Ihahabol nalang kita ng bili para hindi ka magutom habang ginagawa mo 'yan. I'll just help you when I come back.” aniya at kaagad na siyang tumayo at lumakad palabas ng silid-aralan.
Nakatingin lamang ako sa kanyang likuran hanggang sa hindi ko na ito matanaw, do'n ko nalang mapagtanto ng tapikin ni Riza ang balikat ko at bahagyang iniharap ang mukha ko sa mukha n'ya.
“O, tama na yan bestie baka mag ka stiff neck ka n'yan. Alam naman naming sweet ang boyfriend mo.” saad naman ni Riza ng nakakaloko, inirapan ko lang s'ya at napailing-iling na bumalik na sa aking ginagawa.
Bwesit, ba't parang rizz yun sa'ken?
Makalipas ang ilan pang mga minuto at nakabalik na rin si RK na may dala dalang dalawang whattatops, corndog, piattos at minute maid, napangisi naman akong nilingon sya.
“Thank you po.” bukambibig ko at pinisil n'ya lang ng bahagya ang magkabilang pisngi ko, nakiusap naman s'ya kay Riza na magpalit na muna sila ng puwesto sa silya dahil tutulungan n'ya raw akong matapos ang activities ko. Mabuti naman at tumupad sa usapan itong si Riza kahit alam kong hindi n'ya gustong katabi si Paul.
Bago pa tuluyang makakain ay pinagbuksan na muna ako ng whattatops ni RK at ibinigay n'ya iyon sa akin bago n'ya kinuha ang papel sa desk ko para taposin, hindi ko tuloy maiwasang mapangiti dahil sa simple gestures n'ya. Mas lalo akong nahuhulog.
Bago pa man ako tuluyang ma bored dito ay humarap ako ng puwesto kay Riza para makausap ko s'ya pero ng mapagtantong nagkukulitan na naman sila ni Paul ay nag desisyon nalang akong huwag nalang silang isturbohin, mabuti nga 'yon ay lumayag na ang pagmamahalan nila.
Dahil sa wala akong magawa, pinakialaman ko nalang ang cellphone ni RK at kinuhanan sya ng litrato habang focus sa pag gawa ng activity ko, kumuha na rin ako ng iilang cute pictures ko habang nasa likuran ko s'ya.
Kahit naka side view, ampogi.
Mas lalo pa akong kinilig ng makita ang lockscreen at wallpaper ng lalaki dahil puro mukha ko iyon, nakakahiya baka akalain ng taong makakakita inaangkin ko na ang selpon ng lalaking 'to.
Naisipan ko namang buksan ang gallery n'ya, noong una ay nakita ko lang ang iilang litrato naming dalawa at album naming dalawa, nang mas lumalim pa ang pag iis-scroll ko sa selpon ng lalaki ay nakita ko ang litrato nila ng kanyang pamilya.
YOU ARE READING
On That Same Year
RomanceIn the tangled web of her teenage years, Iris Dafian's life is a delicate balance of struggles. Academic pressures and fragile family dynamics threaten to consume her, dulling the vibrant spirit that once defined her. But then, fate intervenes, and...
