Mag gagabi na nang makauwi si mama sa bahay, napansin ko ring medyo may something sa mood n'ya pero hindi ko na masyadong pinansin 'yon. She's probably having a hard time at work again.
Nakita kong umakyat na muna s'ya sa saglit sa kanyang kwarto upang makapagbihis ng komportableng damit bago s'ya tuluyang bumaba at nag tungo sa kusina upang mag handa ng haponan namin, ilang minuto pa ang nakalipas mula ng mag desisyon akong lumapit na at ng maitanong ko na sa kanya kung may alam ba s'ya sa account ni Daddy.
Nang makarating ay nakatalikod s'ya sa akin habang maingat na iginigisa ang sibuyas na nakasalang na ngayon sa kawali. Naupo naman ako sa isang gilid habang pinapanuod ang bawat galaw n'ya.
Alam ko naman kahit na hindi pa ako mag ingay dito ay alam kong napansin naman nya ang presensya ko, ayaw n'ya lang siguro akong kausap ngayon o baka kailangan n'ya ng oras para sa sarili niyang maging mapag isa.
Pero dahil sobrang bothered ako at nangangati na itong utak ko sa kakaisip ay marahan lamang akong tumikhim.
“Ma..” medyo may kahinaang sabi ko ngunit sapat naman na 'yon upang marinig n'yang tinawag ko s'ya. “Ano?” she asked in a monotone without facing me, still.
I puffed an air before gathering my courage to finally tell her. “May I ask you something?” I uttered, she didn't even flinch nor say anything. It's just she's allowing me to speak freely even though I could feel the atmosphere of the kitchen's getting more awkward yet scary for me to stay any longer.
“U-uh, do you happen to know about Dad's account already?” utal na saad ko, naramdaman ko naman ang saglit na pagtigil ni mama sa ginagawa bago s'ya bumuntong hininga, pinahinaan na muna n'ya ang apoy mula sa gasol at hinarap ako.
Doon ko lamang napansin ang medyo namamaga n'yang mga mata at ang eyebags na unti-unting nagiging visible sa ilalim ng kanyang mga mata, nagulat naman ako sa itsura ng nanay ko ngayon dahil madalas ay nakikita ko sy'ang maayos and looking more like a lively person. But, this one's just felt off.
Magsasalita na sana ako ng maunahan n'ya na ako. “I think you're father’s trying to cut us off, Iris.” her voice cracked as she said those words which made me taken aback.
Ni wala man lang akong maintindihan sa sinabi n'ya. Bakit naman kami eh c-cut off ng sarili naming ama at bilang isang asawa ng nanay ko? Responsibilidad n'ya naman kami at kahit sa ayaw at sa gusto n'ya, alam nya naman siguro sa sarili n'yang may responsibilidad talaga sy'ang kailangang gampanan bilang isang pader ng tahanan.
Napakunot naman ang noo ko sa sinabi ni mama. “Anong ibig sabihin mo, ma?” medyo gulat na tanong ko, lumakad naman s'ya tungo sa'king puwesto at kinuha ang silyang nasa gilid nitong sa'ken at itinapat ito sa akin.
Naupo s'ya ro'n. “Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sainyo ng kapatid mo, anak.” aniya, nanatili lamang akong tahimik sa aking puwesto at hinihintay ang magiging paliwanag n'ya sa lahat. Mukha naman kasing may ideya talaga s'ya kung bakit nangyayari ito sa amin ngayon.
“Our family’s falling apart, Iris. At ngayon, natatakot ako na baka tuluyan na nga tayong iniwanan ng tatay nyo.” she paused for a moment. “Ilang araw na kasing naka deactivate iyong account nya na akala ko nama'y nakita n'yo na pero hindi pa pala.” she clicked her tongue.
“Bago pa kasi mangyari ang lahat, napapadalas at mas lalong lumalala na talaga ang pag aaway namin ng tatay nyo. Madalas na pinag aawayan namin ay ang pagpapadala n'ya ng pera para may igagastos kayo ng mga kapatid mo sa pag aaral, nagsisimula na kasi sy'ang mag reklamo at binibilang na rin n'ya iyong mga perang naipapadala nya sa atin.”
“Hindi ko alam pero sobrang stress na rin ako sa sitwasyon namin pero hindi ko lang ipinapakita sa'yong may mali kasi ayokong mag alala ka na naman sa'ken, alam kong nangako ako sa'yong wala na akong itatago pa ngunit nagkamali ako at humihingi ako ng pasensya saiyo o sainyo anak.” malungkot na tunong saad n'ya habang malayo ang kanyang tingin.
YOU ARE READING
On That Same Year
RomanceIn the tangled web of her teenage years, Iris Dafian's life is a delicate balance of struggles. Academic pressures and fragile family dynamics threaten to consume her, dulling the vibrant spirit that once defined her. But then, fate intervenes, and...
