Katatapos lang ng duty ko at itinext ko na rin naman na si RK na magpapasundo na ako‚ hindi na muna ako tuluyang lumabas dahil masyadong malamig pag do'n na ako naghintay sa lalaki at isa pa masyado ng madilim sa ibang parte ng lugar at kalsada.
Wala naman na masyadong customer, mabibilang nalang ang taong nasa loob. Ang ibang mga nagtatambay kanina sa coffee shop ay nag uuwian na at wala na ring estudyanteng bumibili since masyado na ring late.
“Hinihintay mo ba ang manliligaw mo?” rinig kong tanong ni Tati sa akin, napalingon naman ako sa kanya at ngumiti.
“Ah oo eh.” nahihiyang sagot ko at napakamot pa ako ng bahagya sa batok ko.
“Sana all lahat, alam mo masipag 'yang si Ruzh.” aniya na ikinagulat ko naman, bakit kilala n'ya s'ya?
“Kilala mo s'ya?” hindi maitagong gulat kong saad na ikinatawa n'ya naman.
“Oo pero hindi naman kami close, minsan na kasi sy'ang nag apply sa shop ng tiyahin ko bilang delivery driver ng mga pagkain noon.” paliwanag n'ya na ikinamangha ko naman.
Wow, sobrang wow. Ngayon ko lang alam ito ah.
“Pero, nag quit na s'ya may permanent job na ata s'ya ngayon eh kaya siguro.” dugtong n'ya, napansin n'ya sigurong nakakunot na ngayon ang noo ko habang nakatingin pa rin sa kanya kaya naman inabot n'ya ang pisngi ko at pinisil ito.
Agad ko naman iyong ininda. “Ano?” natatawang saad ng babae.
“Wala, hindi lang ako makapaniwalang kilala mo na pala s'ya. Kailan pa?” hindi ko napigilang hindi mag tanong.
“Ah, matagal tagal na rin iyon. Pangalawang linggo n'ya pa ata rito mula ng dumating s'ya sa lugar natin.” tumatango-tangong sabi ng babae. So that's it?
“Alam mo, sobrang swerte mo sa kanya Iris.” medyo naiinggit na tunong saad ni Tati, napalingon naman ako sa kanya. Ayokong isipin na minsan na sy'ang nag kagusto sa lalaki, baka magselos lang ako o ano.
“Bakit mo naman nasabi?” kunot noong saad ko.
“Eh kasi pakiramdam ko full package na‚ matalino, gwapo, masipag at mapagmahal. Kahit noong hindi ka pa nag t-trabaho rito at nakikita ko lang kayo mula sa labas ng coffee shop, kitang kita ko kung paano ka n'ya inaalagaan. Hindi mo lang ata nakikita.” sabi n'ya na ikinagulat ko lalo, itong babaeng ito masyadong maraming nalalaman.
“Kung sasagotin mo, ingatan mo 'di ka na lugi ro'n mukhang seryuso rin sa'yo eh.” seryusong saad n'ya, napabuga naman ako ng hangin at napaisip.
Alam ko naman na talaga ang mga gawi ng lalaki at iyon ang naging dahilan ko para mas lalo pang mahulog sa kabila ng pagdududa at uncertainties na nararamdaman ko noon. Ni ayaw ko pa ngang aminin no'ng una na may gusto talaga ako sa kanya kasi ayokong mapabilang bilang isa sa mga babae n'ya kahit wala pa naman talaga akong alam noon kung may naging girlfriend na ba s'ya o kahit ex man lang.
Kung tutuosin, alam kong tama rin naman si Tati. Ang mahalin ng isang lalaking tulad n'ya ay isang panalo dahil sa mga katangiang mayroon s'ya, sa pagmamahal pa lang n'ya ay wala ng kulang.
Napapangiti tuloy ako tuwing naiisip ko ang lalaking bumihag ng puso ko, hindi pa ako nakakaranas na sumubok ng isang relasyon noon dahil na rin siguro sa takot akong mag mahal dahil sa mga nakikita ko at isa pa masyado akong focus sa pag aaral noon kaya nakaligtaan ko na ang pagmamahal na 'yan.
Pero ng dumating s'ya sa lugar namin, sa school at sa buhay ko parang ginagawa n'yang posible ang imposible. Pakiramdam ko, kaya kong sumugal kahit alam kong may kakambal na sakit.
Alam ko rin sa sarili ko kung gaano ko s'ya ka mahal. At kahit sobrang cringè mang aminin alam kong higit pa iyon sa pagmamahal ko sa sarili ko.
YOU ARE READING
On That Same Year
عاطفيةIn the tangled web of her teenage years, Iris Dafian's life is a delicate balance of struggles. Academic pressures and fragile family dynamics threaten to consume her, dulling the vibrant spirit that once defined her. But then, fate intervenes, and...
