RK drop me home safely at dahil sa tampohan namin ngayon ay hindi na s'ya pumasok sa bahay, ni wala nga kaming pa goodbye kiss dahil ng makababa ako ay kaagad n'ya ng pinaharurot ang motorsiklo kaya wala na akong nagawa.
Ang sungit din ng isang 'yon pag nag aaway kami eh sabagay ngayon pa lang s'ya naging tama. Joke, hehehe.
Ngumuso naman ako sa ginawa ng lalaki at kinuha na lang ang cellphone ko para bigyan s'ya ng mensahe.
To: RK, lovie
Hahayaan na muna kita ngayon,
papahupain ko na muna 'yang inis
mo sa akin. Pag okay ka na, mag usap
tayo okay? I'll wait for you.
Sent 1m ago
Ngumiti lang ako ng malungkot habang nakatitig sa profile icon n'ya at pumasok na sa loob.
Dumiretso na ako sa kwarto ko at nagbihis, may plano ako ngayong bisitahin si Addi since masama ang pakiramdam n'ya. I want to check if she's okay.
Gusto ko rin mag rant sa kanya at siyempre humingi ng lovers quarrel advices, kahit mukhang wala pa namang experience ang babaeng 'yon sa pagmamahal.
Nag text lang ako sa kanya na pupunta ako at nag react lang naman s'ya ng heart do'n, nagsuot lang ako ng shorts at oversized t-shirt na kulay itim.
Isinilid ko lang ang cellphone sa bulsa ko at pumuntang garahe para kunin ang motor ko.
Tahimik at wala ng masyadong dumadaang mga bata o tao sa kalye sa kalsada ngayon, hindi na muna ako nag duty at sinabi ko na munang a-absent ako kasi masama ang pakiramdam ko pero ang totoo ang puso ko lang naman talaga ang nilalagnat ngayon.
Ilang minuto pa ang nakalipas nang makarating ako sa bahay nina Addi, pinagbuksan naman ako ng gate ni tito at ipinark ko naman sa gilid ng bahay nila ang motor ko.
Saglit pa akong ngumiti kay tito at nagtanong. “And'ya'n po ba si Addi sa loob?” tumango naman si tito kaya nag pasalamat na ako bago tuluyang pumasok.
Wala namang tao sa sala nila at si Tita Kaori ay sinulyapan ko lang din sa kusina, busy s'yang magluto kaya naman hindi ko na inabala pa. Dumiretso na ako sa kwarto ni Addi at kumatok, narinig ko naman ang sinabi n'yang pumasok lang daw ako kaya naman pinihit ko na ang doorknob ng pintuan.
Naabotan ko naman sy'ang nakaupo lang sa kanyang swivel chair habang nakaharap sa study table at nanunuod ng Singles Inferno S3 sa laptop n'ya. Tumatawa tawa pa s'ya pero halata sa boses n'yang medyo may kakaiba since nilalagnat nga s'ya.
“Hi Addi..” mahinang saad ko, bahagya pa sy'ang nagulat ng makita ang mukha ko. Mabilis n'ya namang isinirado ang laptop n'ya at humarap sa akin habang may pag aalinlangang ngumiti.
Napansin n'ya yata ang pamamaga ng mata ko kaya naman ang ngiti nya ay bahagyang nahulog sa ngiwi. “Oh? Anyare at bakit namumugto iyang mga mata mo abir?” takang tanong n'ya.
Tumayo naman s'ya at inisang lakad ang distansya namin para siilin ako ng isang mahigpit na yakap, hindi ko tuloy maiwasang hindi mapaluha ulit sa gesture n'ya.
Hindi na muna ako umimik hanggang sa hindi ako naupo sa kama n'ya, s'ya naman ay umupo na ulit sa swivel chair n'ya at ngayo'y bahagya nang nakaharap sa akin.
“Anong nangyare ba? Nawala lang ako ng isang araw umiyak ka na.” pagbibiro n'ya na ikinangiti ko lamang ng malungkot.
“Nag-away kami ni RK, galit s'ya sa'ken..” nakasimangot kong sumbong sa babae, napangiwi naman sya sa sinabi ko ngunit napalitan din kaagad 'yon ng pangungunot ng kanyang noo.
“Bakit, anong nangyari ba? Anong kasalanan mo.?” takang tanong n'ya sa akin, grabe naman sya oo na kasalanan ko na. Kasalanan ko naman talaga eh.
YOU ARE READING
On That Same Year
RomanceIn the tangled web of her teenage years, Iris Dafian's life is a delicate balance of struggles. Academic pressures and fragile family dynamics threaten to consume her, dulling the vibrant spirit that once defined her. But then, fate intervenes, and...
