Pagkauwi ko sa bahay ay kaagad na naman na akong humilata sa loob ng kwarto dahil sa kakaibang pagod at sakit na aking nararamdaman, hindi naman na pumarito si Riza dahil may importante pa raw sy'ang gagawin sa bahay nila. Si RK naman matapos akong inihatid ay nag paalam na rin na uuwi na muna at babalik nalang ulit bukas.
Napag isipan din naming hindi na muna papasok hanggang hindi pa naililibing si Addi, mag papadala nalang kami ng excuse letter sa school.
Saglit lang akong nagbihis bago naupo sa swivel chair ko at nag scroll sa cellphone ko kung saan nandoon ang dating larawan namin ni Addi.
Napangiti ako ng makita ang litrato kung kailan kinuha ko ito noong nag 18th birthday siya, nakapost din ito sa facebook nya at nakasave naman ito sa aking gallery.
Kitang kita ko pa kung gaano kalawak ang ngiti na kanyang pinakawalan noon, masayang masaya s'ya kahit na simpleng handaan lang iyong naganap sa kanyang kaarawan.
I click my tongue when I remember something, I smiled bitterly as that thought came across my mind.
She was 17 and I was 16 that time, we used to stay up too late outside watching the airplane passes by the starry sky while we're both sitting silently feeling the cold wind brushes through our skin with our favorite coffee within our hands.
It's bittersweet to know that it will all stay in my memories now.
I sighed deeply as she crosses my mind again, there's a part of me where I'd say I would never accept what had happened to her but there's also this part of me where no matter how much I'll told myself I cannot a thousand times, I knew in the mean time I would accept it either way. It will be kasi iyon ang dapat.
Dumating ang bukas at natagpuan ko ang sariling nakasakay na sa motorsiklo ni RK patungong bahay nina Addi.
We're on our way together with my family but kay RK lang kami nakasakay ni Riza ngayon.
Mabigat ang dibdib ko sa buong byahe namin dahil ito ang unang beses ko siyang makikita. Makikitang walang buhay.
I bit my lower lip as I tried on picturing what would be her face when I get to see her today? Is it still the same o baka may nagbago?
A few minutes had passed and we finally arrived at their house, may iilang tao ro'n at mostly ang nakikita ko lang ay ang taong nasa katabing bahay nila at ang iilang relatives namin na hindi ko masyadong close.
I see they've already travelled their way out to take a glimpse of Addi.
As soon as we got there, my family firstly greeted the other relatives of us but me, RK and Riza made our way inside instead.
Nakasunod lang si RK at Riza sa akin habang ako ay nagsisimula nang makaramdam ng kung anong bumabalot na kakaibang sakit sa loob ng dibdib ko, hindi ko alam kung ano ang madadatnan ko pero determinado akong iisa lang ang mararamdaman ko the moment I get to see her.
Iyon ay ang matinding sakit at sa tingin ko ay hindi ko kayang makita siyang nasa ganoong sitwasyon.
Tita Kaori greeted us with a warm stained smile, it's like she's relieved ngayong nandito na ako.
“Tuloy kayo . . . ” aniya habang nakangiti, ngiting malungkot. Nahahalata ko na rin ang unti-unting pag litaw ng eyebags sa ilalim ng kaniyang mga mata at medyo namumula pa ito, hudyat na kakagaling niya lang ulit sa matinding pag iyak.
Pagkapasok namin ay kaagad na bumungad ang kulay puting kabaong, puting kurtina at dalawang malalaking kandila na ngayo'y nakasindi sa magkabilang puwesto nito. May malapad din na kulay pulang carpet sa ilalim ng kabaong ni Addi.
YOU ARE READING
On That Same Year
RomanceIn the tangled web of her teenage years, Iris Dafian's life is a delicate balance of struggles. Academic pressures and fragile family dynamics threaten to consume her, dulling the vibrant spirit that once defined her. But then, fate intervenes, and...
