Chapter 19

25 1 0
                                        

“I really want to play my guitar with my singer too, soon enough.” he said and the way he stares at me right now made me really speechless for the first time in my life.

So, that's one of his dreams?

I blink twice before I shifted my gaze to the other direction, nilaro ko nalang ang plastic na tinidor na ngayo'y nakalagay sa cup noodles ko.

Ramdam ko pa rin ang nakakatunaw n'yang tingin sa akin kaya naman bahagya lang akong nag clear ng throat ko.

“A-ah, so.. you play guitar pala?” pag iibang topic ko, he shifted his gaze and lean on his chair.

I almost curse at myself when I realized alam ko naman talagang marunong sy'ang mag gitara.

“Yeah, playing my guitar's one of my coping mechanism.” he answered. “Ikaw ba?”

Ako naman itong napalingon sa kanya, I just plastered a small smile within my lips.

“Oo, parehas lang tayo.” I pause for a moment. “Pero, pini-play ko lang yung gitara ko kapag bored ako or wala akong ibang magawa. Pwede rin kapag malungkot ako, minsan.” mahabang paliwanag ko na ikinatawa naman n'ya ng mahina.

“You're cute.” aniya at napailing-iling pa ito, hindi ko alam kung tama bang narinig ko 'yon galing sakanya o nasisiraan lang ako ng ulo ngayon. It's surreal to even believe he did say that.

“Look at you pouting while thinking deeply.” saad n'ya, I stared at him.

“Hindi naman ah, hindi kaya ako gumaganon kapag nag iisip.” reklamo ko na mas lalo lang n'yang ikinatawa ngayon.

“Believe it or not but yes you just did earlier.” he continued on teasing me. Umakto naman akong ihagis ang plastic kong tinidor sa kanya at s'ya naman ay parang unbothered lang.

“Ops, sorry na okay? I was just teasing you but it's for real though. Ginawa mo talaga 'yon kanina while you're thinking.” he explain, I calmed myself and let out a deep sigh.

“Oo na pero hindi pa rin ako naniniwala ha!” tugon ko and he just chuckled.

“But, you said kanina you know how to play guitar....So by any chance you know how to sing as well?” tanong naman ng lalaki, kanina ko pa talaga napapansin yung pa english language n'ya kapag nagsasalita. Kainis, nakakabobo tuloy pero buti nalang naiintindihan ko naman.

I just nodded my head gently, letting him know that yes I sing. Nakita ko naman ang paglawak ng ngiti n'ya sa akin at may kung ano sa mga mata n'yang singkit ang nangungusap ngunit hindi ko naman mawari kung ano iyon.

“I knew it, I badly wanna hear your voice.” he said while pouting, ako naman itong hindi mapigilang ngumiti ngayon pero ng mapansin ang inaasta ko ay nag kunwari lang akong inayos ang buhok ko para hindi n'ya mahalatang napangisi n'ya ako.

“My voice isn't beautiful, parekoy. Masisira lang ang buhay mo.” pabirong sabi ko at ininom nalang ang binili kong juice kanina.

“Weh? Hindi ko pa nga naririnig eh, ako yung mag sasabi kung maganda ba o hindi ha? Wag kang ano.” medyo pagsusungit na sabi n'ya kaya inirapan ko naman s'ya, narinig ko naman ang mahinang pagtawa n'ya.

“S'ya nga pala, malapit ng gumabi. Shall I take you home?” aniya, ibinaba ko naman ang iniinom kong juice.

“Hindi na, malapit lang naman dito ang bahay ko eh syaka kaya ko naman umuwing mag isa.” pagtatanggi ko, iniayos ko naman ang sarili at isinukbit na ulit ang bag ko sa magkabilang balikat. Itatapon ko pa sana ang pinagkainan ko ng mapansing wala na iyon sa mesa dahil itinapon na pala ni Ruzh.

On That Same YearWhere stories live. Discover now