Pasado alas syete trenta na nang makaalis sa bahay si RK sa bahay, nayaya pa kasi s'ya ni mama na dito na mag haponan total naroon namin naman daw s'ya at sayang naman kung uuwi pa s'ya para do'n na kumain sa kanila.
Pumayag nalang man din ako dahil kahit nagtatampo ako sa lalaki alam ko namang concern pa rin itong kaluluwa ko sa kanya, not long after we talk about the thing that made me sulk at him we immediately make it up to each other.
Sa ilang linggong panliligaw sa akin ni RK ay hindi naman talaga maiiwasan ang magkaroon ng kaunting away at kadalasan kapag nagkakaroon kami ng argumento sa isang maliit na bagay agad din naman kaming nagkakaayos dahil ayaw na ayaw n'yang hindi agad kami nag babati.
Naalala ko pa no'ng nag away kami ng dahil lang sa biro n'yang walang kwenta na kaagad ko namang ikinapikon halos puntahan na n'ya ako sa bahay noon dahil ayaw ko raw'ng makipagbati sa kanya kaya ang ginawa ko nalang ay syempre nakipagbati. Pasado alas onse na 'yon eh.
Minsan nga ay napapaisip din ako sa sarili ko kung ano pa nga ba ang nagiging rason ko kung bakit hindi ko pa sinasagot ang lalaki? I already know he justifies his love towards me at naramdaman ko naman ang pagiging genuine n'ya tungo sa akin.
Mas lalo ko pa nga sy'ang minahal sa simpleng gestures n'ya kagaya ng paghahatid sundo sa akin, binibigyan ako ng pagkain dahil ayaw n'ya akong magutom, binibilhan ako ng make ups kahit hindi ko naman hinihiling at higit sa lahat ay masyado sy'ang caring sa akin na mas lalo namang nakapagpahulog ng loob ko.
Napasandal nalang ako sa swivel chair ko sa iniisip pero kahit ganoon hindi ko pa rin maiwasang hindi mag alala sa kalagayan ni Addi ngayon lalo pa't sinabi ng doctor na walang maaaring i-gamot sa lumubo n'yang puso.
Bagsak ang balikat kong napabuntong hininga habang maingat na inalis ang salamin sa mata ko at lumakad tungong kama para makahiga na, sa gabi ring iyon ay tanda ko pa rin ang isang dasal na aking hiniling mismo na sana tuparin ng panginoon para sa akin.
Lumipas ang ilang mga araw at ganoon pa rin ang takbo ng buhay sa akin, iyon nga lang ay mas masaya na dahil bumalik na ulit si Addison at may kasama na akong pumunta o pauwi man galing eskwelahan.
“Oy Paul, akin na nga 'yan nakakabuwesit kana ah!” rinig kong reklamo ni Riza sa likuran ko habang inaabot ang selpon n'ya na ngayo'y nasa kamay na ng kaibigan ni Ruzh na si Paul, nakipagpalit na naman kasi itong si RK ng upuan sa babae para makatabi ako.
Halos sumilay na ang mga ngiti sa labi ko dahil alam kong ayaw na ayaw ni Riza na magkatabi o kundi nama'y magkasama sila ni Paul pero ginagawa n'ya pa ring tiisin 'yon sa kadahilanang hinahayaan n'ya kaming mag bebe time ni RK dito sa isang tabi.
“Why are you smiling?” he must've noticed my expression kaya naman napabaling sa kanya ang atensyon ko, maingat ko namang pinisil ang kanang pisngi n'ya.
“Stop, I'm thinking..” medyo natatawang saad ko, nakita ko naman ang paniningkit ng mata sa akin ni RK.
“Anong iniisip mo? Were you thinking about me or you're thinking about someone else?” he murmured sounding a bit jealous, pabiro ko naman sy'ang inirapan. “Stop, it's not what you think it is.” suway ko naman sa lalaki at maya-maya nama'y sumandal na sya sa balikat ko habang bumalik na sa paglalaro sa kanyang selpon.
Hindi ko naman na s'ya inisturbo sa gawain n'ya kaya naman ini-open ko nalang itong facebook account ko at naisipang mag scroll² sa news feed ko at nang mapagtantong wala naman masyadong nakakaaliw sa posts na lumalabas do'n ay naisipan ko na lamang magbasa ng mga old conversation ko with someone either I know them or no.
Napapakunot noo pa ako dahil sa hindi kapani-paniwalang tanawin mula ng makita ko ang ibang conversation ko sa iilang classmates ko noong elementary at masasabi kong mapapabuntong hininga ka nalang talaga sa sobrang pagkajejemon ko noon.
YOU ARE READING
On That Same Year
Любовные романыIn the tangled web of her teenage years, Iris Dafian's life is a delicate balance of struggles. Academic pressures and fragile family dynamics threaten to consume her, dulling the vibrant spirit that once defined her. But then, fate intervenes, and...
